JENNIENakasakay na ako ngayon sa isang van kasi dito naman ako pinunta ni Lucas. Bumabiyahe at hindi ko alam kung saan kami papunta. Malamang, hindi ko makita. Makakakita ba ako kung may suot akong blind fold?
Kanina pa din tahimik dito at walang nagsasalita. Dahil nga kanina pa akong curious, nagsalita na ako ulit.
"Kanina pa tayo a. Saan ba talaga tayo papunta?" tanong ko.
Dinig ko namang huminga ng malalim si Lucas, "Kulit mo talaga masyado e. Malalaman mo din naman mamaya." mukhang naiinis niyang sambit.
"Bakit ba kasi kailangan ganito?" tanong ko uli sa kanya.
"Para bongga." sabi niya at nagtaka naman ako sa sinabi niya. Bongga?
"Bongga? Anong ibigsabihin mo?" nagtataka kong tanong ulit sa kanya.
"Bahala ka diyan, hindi na kita sasagutin." sabi niya at huminga naman ako ng malalim. Hindi ko talaga siya makuha. Pero at the same time, kinakabahan din ako.
"Sasaktan niyo ba ako ulit? Ano na naman ba ang binabalak niyo?" tanong ko uli sa kanya.
"Jusko naman, Jennie. Bakit parang gusto mong saktan kita uli?" dinig kong natatawa niyang tanong sa akin.
"Akala mo hindi ko naalala yung ginawa mo sa akin? Natatakot lang naman ako na.. gawin niyo yun uli sa akin. Ayoko na." sabi ko na naiiling.
"Jennie, hindi na mauulit yun. Lahat-lahat yun.. ipinagsisihan ko. Ipinagsisihan kong tulungan si Krystal." sabi niya sa dahilan na natigilan ako. "Tsaka.. sorry talaga. Alam kong hindi mo ako mapapatawad. Pero sorry pa din." dagdag niya.
Huminga lang ako ng malalim, "Wag mo akong mabiro-biro Lucas. Ang hirap mag-tiwala." seryoso kong sambit sa kanya.
"Mukha ba akong joker? Seryoso ako sa sinasabi ko ngayon. Aba kung sasaktan kita uli, baka kanina ka pang tulog diyan." sabi niyang natatawa.
"Okay, fine. Apology accepted. Mukhang seryoso ka naman e." sambit kong napapatango-tango.
"Thank you, Jennie." dinig kong sambit niya sa akin.
"By the way, saan nga tayo pupunta?" tanong ko uli sa kanya.
"Kulit naman e. Wag ka na ngang mag-tanong. Malapit na tayo." mukhang naiinip niya naman na sambit at tumahimik nalang nga ako. Hinintay ko nalang na makarating kami sa lugar na sinasabi niya.
- - -
"Sige lakad lang, lakad lang." dinig kong sambit ni Lucas sa akin habang inaalayan ako. May pinapasukan kaming.. bahay yata ngayon?
"Bakit ba hindi pwedeng tanggalin 'tong blind fold sa mata ko? Para hindi na ako mahirapan?" reklamo ko habang naglalakad.
"Wag na sabing makulit. Malalaman mo lang mamaya." sabi niya naman. "Sige, lakad-lakad lang, malapit na." dagdag niya at sinundan ko lang naman siya.
- - -
"Okay, stop na." bulong sa akin ni Lucas at sinunod ko naman siya. Sa tingin ko malayo na ang narating namin.
"Iiwan na kita dito. Pag may marinig kang music, pwede mo nang tanggalin ang iyong blind fold." sabi niya pa sa akin at tinanguan ko lang siya at ramdam kong iniwan niya na ako dito dahil biglang tumahimik.
* piano starts playing *
Narinig ko naman na may tumutunog na. Kaya huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong tinanggal ang suot kong blind fold. Tsaka ko agad tinignan kung saan akong lugar ngayon. Medyo madilim at mukhang nasa itaas ako dahil puro ako hakbang ng hakbang kanina. Pero madilim dito.
BINABASA MO ANG
pma | jenkai
Fanfiction❝ remember me, jennie kim. ❞ 多 PMA // jenkai fanfic ♡ exopink story #4 | completed ➳ @doieruto <3