P49。

101 11 0
                                    


SOMI

"What?! Umalis lang kami dito, ganito na agad ang nangyari?!" galit na galit na sigaw sa amin ni Leader Chief ng sinabi namin ang kaguluhan kagabi.

"Y-yes, sir." sagot ng karamihan dito.

Nakakatakot siya ngayon dahil galit na galit siya. What if he found out that Jennie is still sleeping? And Jennie and Kai love each other? Kinakabahan ako sa totoo lang.

"Sino ang gumawa neto lahat-lahat?!" galit na tanong niya sa amin.

"Cadet Jung. Cadet Krystal Jung planned this all." sagot sa kanya ni Jisung. Nung nalaman naman ni Leader Chief yun, mas lalo naman siyang nagalit.

"And sir, kasabwat niya ang ibang fourth class cadets. Madami sila." dagdag ni Taeyong.

"Saan sila?!" galit na tanong niya.

"Sa dating restricted area, sir. Nakulong sila doon lahat." sagot naman ni Jisung.

Halos hindi na makakalma ngayon si Leader Chief. Sino ba naman ang matutuwa kapag natuklasan mong may kaguluhan ang PMA? Ang dami naman kasing alam ni Krystal e.

Nakita naman naming tinignan ni Leader Chief ang mga kasama naming fourth class cadets, "Pumunta kayo doon. Alam niyo na kung ano ang kailangan niyong gawin. Teach them some lesson. And kayo junior cadets, bumalik na kayo sa mga respective rooms niyo. Gusto kong magpahinga." seryosong sambit niya at nag-salute naman ang mga fourth class cadets at kami. Sinunod naman nila yung sinabi ni Leader Chief.

Paparusahan sila.

Halos nagsialisan na ang mga ibang kasama namin dito. Pero hanggang ngayon, nandito pa din kami sa harapan ni Leader Chief. Napansin niya namang nakatingin kami sa kanya kaya napatingin siya sa amin.

"Kayo? Bakit hindi ba kayo umaalis?" seryosong tanong niya sa amin.

Huminga ng malalim si Kai, "Leader Chief, may sasabihin kami sa'yo na dapat mong malaman." sabi niya.

Mas lalo naman siyang naging seryoso, "Okay. Spill it. What is it?" seryoso niyang tanong sa amin.

"Leader Chief, Cadet Jennie Kim's still sleeping. Siya yung masyadong sinaktan nina Krystal and Lucas." pagsisimula ni Taeyong.

"Jennie? Is she okay?"

"Actually, no. Ang dami niyang pasa. May video kami na ipapakita sa'yo, Leader Chief." sabi ko at agad kong pinakita sa kanya yung video na kinuha namin ni Jisung kagabi.

Ipinagmamasdan lang naman ni Leader Chief ang video at nakikita na namin sa mukha niya ang awa.

"She's on clinic now, Leader Chief. And I'm sure she's taking her rest for now." sabi ni Jisung.

"I'll visit her." sabi ni Leader Chief. "Ginagalit ako ni Krystal. Why she planned this? I'm dissapoint to her." sabi niya.

"It's because of jealousy and her anger, Leader Chief." sagot naman ni Kai.

Nagtaka naman si Leader Chief, "What do you mean?" tanong niya.

"Galit siya kay Jennie kasi siya yung mahal ko at hindi ko siya mahal. Jennie and I love each other." sagot ni Kai. Nakita naman namin na nanlaki ang mata ni Leader Chief.

"What?" nabibigla na tanong ni Leader Chief kay Kai.

"Jennie and I love each other, Leader Chief. That's it." ulit ni Kai sa dahilan na mas lalong napatahimik si Leader Chief. Mas sumeryoso lang ang kanyang mukha ngayon.

"Alam kong hindi yun allowed dito, Leader Chief. But we have hearts too, reason to love each other. We can't resist it. Sinabi ko 'to sa'yo, dahil ayaw kong magsinungaling at gusto kong ipaglaban yung nararamdaman namin." pag-amin niya.

"Alam kong magagalit ka sa amin Leader Chief kasi bawal yun dito, pero kahit anong gawin niyo sa amin, talagang mahal namin ang isa't isa." dagdag niya pa.

Nagulat kaming lahat na lumuhod siya sa harapan ni Leader Chief. Maski si Leader Chief ay nagulat din sa ginawa ni Kai.

"Sorry for breaking the rules, Chief. But if you're gonna punish us, I'm willing. But please.. wag si Jennie. I don't want her to hurt more. Sakin mo nalang ibigay lahat-lahat. Ako nalang yung parusahan mo, Leader Chief." nagmamakaawang sambit ni Kai na nakayuko habang nakaluhod sa harapan ni Leader Chief.

Wala lang namang naisabi si Leader Chief kundi ipinagmasdan niya lang si Kai na nakaluhod ngayon.

Nagkatinginan naman kami nina Taeyong at Jisung dito. Huminga nalang kami ng malalim at ibinalik nalang namin ang tingin namin kay Kai.

"Kai, stand up. Stand up." kalma na sambit ni Leader Chief at itinayo niya si Kai. Mukha namang nabigla si Kai doon.

"Kai, wag kang mag-sorry sa akin. I understand you." kalma na sambit ni Leader Chief.

Nang dahil doon, nagkatinginan naman kaming lahat dito. Tsaka napangiti naman kaming lahat dito sa sinabi niya. It means.. tanggap niya?!

"W-what Chief?" nabibiglang tanong ni Kai sa kanya.

"Ikaw ang pinakamagaling at nahahangaan kong cadet dito sa Academy. And you'd done so many kindness here at PMA. Hindi kita paparasuhan, kayo ni Jennie. Naiintidihan kita." nakangiting sambit ni Leader Chief sa kanya.

"Thank you, Leader Chief!" sigaw ni Kai at yinakap niya 'to si Leader Chief. Ang sobrang lawak ng ngiti niya ngayon.

Napapatawa naman si Leader Chief at niyakap niya ng pabalik si Kai, "Your welcome Kai." nakangiting sambit niya kay Kai at bumitaw na din sila sa wakas.

Di ko na mapigilan magsalita dito dahil sa saya, "Leader Chief, thank you po talaga." nakangiting sambit ko sa kanila.

"Ang saya po namin para sa kanila." Jisung.

"Opo, salamat po talaga." Taeyong.

Ningitian naman kami ni Leader Chief, "Wala yun. I support them." nakangiting sambit niya. "Okay, I'll take a rest and bibisitahin ko maya-maya si Jennie. Tsaka tuturuan ko ng leksyon sina Krystal." dagdag niya at tumango naman kaming lahat.

Agad naman namin siyang ipinagmasdan na papalayo sa amin. Nabigla naman kami na biglang tumalon-talon si Kai sa sobrang tuwa.

"Tangina! Ang saya! Thank you Lord!" sigaw ni Kai at natatawa lang naman kaming tatlo sa kanya.

"Ingay mo dude!" natatawang saway sa kanya ni Jisung.

"Ang saya lang e! Malaya na kami ni Jennie!" natutuwang sambit niya.

"Oo nga naman. Sino nga ba naman ang hindi sasaya doon?" nakangiting tanong ni Taeyong.

Pagkasabi ni Taeyong ng ganon, agad naman siyang tinignan ni Kai. Nilapitan niya agad 'to at inakbayan niya si Taeyong, "Sorry uli, bro ah." sambit niya.

Natawa naman si Taeyong, "Okay lang nga. Support ako sa inyo." nakangiting sambit niya kay Kai.

"Thank you sa support ha." nakangiting sambit sa kanya ni Kai.

"So, ano? Tara.. puntahan na natin si Jennie. Baka gising na yun doon." aya sa amin ni Jisung at napatango naman kaming lahat doon.

"Dali, miss ko na siya agad e." Kai at natawa naman kami doon.

"Corny mo." asar sa kanya ni Jisung.

Papapunta naman kami doon sa clinic. Hanggang ngayon tulog pa din si Jennie. Pero I hope, gigising na din siya. Miss na namin siya e. Lalo na si Kai.

- - -

pma | jenkaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon