P44。

72 13 4
                                    

SOMI

"Oh, ano?! Mag-aaway pa ba kayo diyan?!" naiinis na tanong ni Jisung sa kanilang dalawa. Parang hindi naman sila makapaniwala.

Napakamot naman ako sa ulo ko, "Ano pang ginagawa niyong dalawa?!" naiiyak kong tanong sa kanila.

"S-saan si Jennie?" tanong ni Taeyong.

"Nasa malayong basement. Dinala siya doon ni Krystal kasama ang mga fourth class students. Kanina pa silang nawawala, yun pala sinasaktan ni Krystal si Jennie." sagot ni Jisung sa dahilan na nanlaki pareho ang mata nila.

"Nalaman naming si Krystal dahil sinundan namin siya ni Jisung kanina. Nahalata kasi namin na kanina pang nawawala si Krystal at naisip namin na may binabalak siya kay Jennie kasi siya lang naman yung may galit kay Jennie." dagdag ko pa.

"Akala ko nga dinamay kayo ni Krystal. Dahil kayong tatlo yung nawawala kanina. Yun pala, si Jennie lang ang nahihirapan ngayon." Jisung.

"Tangina, ano?! Si Krystal?!" galit na galit na tanong ni Kai.

"Oo nga, si Krystal! Si Krystal!" sagot ko.

"May proof kami." sabi ni Jisung at binigay niya yung phone kay Kai at pinanood naman nilang dalawa ni Taeyong yung video.

"Sagutin mo ako, mahal mo si Kai o hindi? Pag magsisinungaling ka sa akin, mas lalo kitang papahirapan!"

"Oo, mahal ko si Kai! Tumigil ka na!"

"Aba gago ka pala eh!"

Pagkatapos yun, mukhang hindi sila makapaniwala sa nakita nila. Lalong-lalo na si Kai. Ngayon ko lang din narealize na mahal din pala ni Jennie si Kai. Kaya mas lalong nagalit si Krystal sa kanya.

"M-mahal ni Jennie si.. Kai?" napaharap naman ako kay Taeyong. Halata sa mata niya yung sakit.

Halata namang mahal niya din si Jennie.

Huminga ako ng malalim, "Oo, Taeyong. Yun ang sinabi ni Jennie sa video. Alam kong nagsasabi siya ng totoo." sagot ko sa kanya.

"Alam kong mahal mo din si Jennie, Taeyong. Pero.. sana matanggap mo naman yun." dagdag ni Jisung sa kanya. Mukhang hindi naman makapagsalita si Taeyong.

Magsasalita na sana ako ng inunahan niya ako. Ngumiti siya. Mukhang pilit, "Sabi ko nga.. sayang lang yung feelings ko sa kanya. Siguro nga, hindi talaga ako ang para sa kanya." nakangiting sambit niya.

Nagkatinginan lang naman kaming tatlo dito sa sinabi ni Taeyong. Nakita ko namang huminga lang ng malalim si Kai at inakbayan niya si Taeyong.

"Dude, sorry. Ako na ang nagsosorry. Pero.. mahal ko talaga si Jennie. Sorry kung.. naging selfish ako." seryosong sambit ni Kai sa kanya.

Pero nakita naman naming napatawa lang si Taeyong sa sinabi ni Kai, "Bakit ka nagsosorry sa akin? Siguro nga mas inuna ko pang mahalin si Jennie kesa sarili ko. Pero kung saan siya masaya, masaya nalang din ako kung sino man ang mahalin niya. Wala naman akong magagawa."

"Alam kong ikaw talaga yung para kay Jennie. Kita mo, mahal ka nga din niya nga." nakangiting sambit ni Taeyong sa kanya.

"Dude, alam kong masakit sa'yo. Alam kong nagpipilit ka lang ng ngiti sa akin. Suntukin mo nalang ako kung gusto mo." Kai.

Natawa naman si Taeyong, "Seryoso ako, tanggap ko. Kakayanin ko nalang na kalimutan yung nararamdaman ko kay Jennie at.. maging masaya nalang sa inyo." nakangiting sambit ni Taeyong sa kanya.

Ningitian naman siya ni Kai at nag-bro hug sila, "Sobrang salamat, Taeyong." nakangiting sambit ni Kai sa kanya.

"Wala yun." nakangiting sambit ni Taeyong pagkatapos bumitaw na silang dalawa.

"Ano? Wag na kayong mag-away ag? Mukha kayong mga sira." sabi sa kanila ni Jisung. "Ano pang ginagawa niyo? Dali na! Iligtas na natin ni Jennie!" dagdag niya.

Kinuha ko naman yung phone kay Jisung at huminga ako ng malalim, "Jisung, samahan mo sila ni Taeyong at Kai doon sa basement na pinuntahan niyo kanina. Tapos hihingi ako ng tulong dito sa mga students." sabi ko at napatango naman si Jisung.

"Sasama ako sa inyo. Baka ano nang nangyari kay Jennie doon. Ang demonya pa naman ni Krystal." Taeyong.

"Mapapatay ko si Krystal kung makita ko kung ano man ang ginawa niya kay Jennie. Hindi ko siya mapapatawad." galit na sambit ni Kai.

"O ano? Arat na!" nagmamadaling aya sa kanila ni Jisung.

Tsaka ipinagmasdan ko lang naman silang tatlo na papatakbo doon sa basement kanina. Huminga lang naman ako ng malalim at papapunta na ako sa room ko para humingi ng tulong. Masyado kasi maraming fourth class cadets doon sa basement. At alam ko.. magagalit ng sobra yung mga naggaguide sa amin pag malaman nila yung nangyari ngayon.

Isang tao lang naman dito dapat ang sisihin. Si Krystal lang naman.

Pero sana.. kaya pa ni Jennie.

Don't worry Jennie, ililigtas ka namin.

Kai will save you.

- - -

ang panget na ng plot sht sorry guyz

pma | jenkaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon