SOMI
1 week later...
"Isang linggo ka nang natutulog diyan, Jennie. Miss na miss na kita." sabi ni Kai habang hinahawakan ang kamay ni Jennie na natutulog hanggang ngayon.
One week na siyang tulog, pero sa amin sobrang matagal na yun sa amin. Hindi kami sanay na nakikita siyang ganito. Sanay kami makita siya laging masaya at nakangiti. Pero ngayon, medyo okay na yung kalagayan niya. Gumagaling na din kasi yung mga sugat sa kanyang mukha at katawan.
"Kai, gigising din si Jennie. Alam kong nagpapahinga lang siya. Sa sobrang sakit ba naman ang naranasan niya galing kina Krystal." sabi ko sa kanya.
"Alam ko. Yun nga lang, hindi ako makapaghintay na kausapin siya uli. Miss na miss ko na siya." sabi ni Kai.
"Malakas si Jennie, babalikan ka niya." sabi pa ni Jisung.
Huminga ng malalim si Kai at tinignan niya uli si Jennie. Nilapitan niya ito at hinalikan niya si Jennie sa kanyang noo. Pagkatapos, nagpaalam naman kami sa nurse na aalis na kami at babalik naman kami dito bukas.
Nung nakalabas na kaming apat, tinignan ko sila at huminga ako ng malalim, "Uy, pwede niyo ba akong samahan sa restricted room?" tanong ko sa kanila.
"Doon? Anong gagawin mo doon?" tanong sa akin ni Taeyong.
"Pupuntahan ko doon si Krystal." sagot ko sa kanila sa dahilan na medyo nabigla sila.
"Krystal? Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Jisung sa akin.
"Bilang best friend ni Jennie, hindi madali sa akin yung ginawa niya. Gusto ko siyang kausapin. Usap lang naman." sabi ko sa kanila at nagkatinginan naman silang tatlo.
"Kung ganon, tara. Sasamahan ka namin doon." sabi ni Kai at napatango naman kaming lahat doon. Tsaka papunta naman kaming apat doon.
- - -
"Gusto lang naming kausapin si Cadet Krystal Jung." sagot ko nung nagtanong sa amin yung nagbabantay sa kanila.
"Sige. Hali kayo dito, sundan niyo ako dito." sabi niya at napatango naman kaming lahat.
Nung tumigil siya, tumigil din kami dito. Ipinagmasdan ko lang ang loob dito. Medyo madilim at madaming nakakulong dito. Halos fourth class cadets. Syempre, hinakot naman sila lahat ni Krystal. Putangina yun.
"Andito na siya." sabi nung guard at nakita naman namin si Krystal na papalapit sa amin.
Ipinagmasdan ko lang siya. Ang dami niya ng pasa sa kanyang kamay at katawan at mukhang nahihiya pa siyang lumapit sa amin. Kulang pa yang parusa na ginawa sa kanya. Sobrang kulang pa.
Lumapit ako sa harapan niya. Tinignan ko naman siya ng masama at halos iiwas niya naman ang tingin niya sa akin. Pero nakita kong tinignan niya din ako sa mga mata ko.
"Anong kailangan mo sa akin,---"
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil bigla ko siyang sinampal ng sobrang malakas sa kanyang pisngi. Mukha namang nabigla ang mga kasama ko pero hindi ko lang sila pinansin. Si Krystal naman, nabibigla din na napapahawak sa kanyang pisngi.
"Somi, kalma." dinig kong pagpipigil sa akin ni Jisung.
"Hindi mo ba alam na ng dahil sa'yo hindi pa gising si Jennie?!" galit na tanong ko sa kanya at nakikita ko lang naman na naiiyak siya sa harapan ko.
"Wala kang puso! Wala kang awa! Wala kang konsensya! Nagawa mo yun sa kanya dahil may galit ka sa kanya?! Dahil siya yung mahal ni Kai?!" dagdag ko pa. Gusto kong magpamukha sa kanya.
"Kahit ano pang gawin mo, Krystal! Si Jennie pa din ang mahal ni Kai! Wag ka ng umasa pa! Hayaan mo na sila! Tanggapin mo nalang na sila na talaga yung para isa't isa! Tanggapin mo nalang na hindi ikaw yung mahal ni Kai!"
"Hindi ba pwedeng maging masaya ka nalang sa kanilang dalawa? Oo, alam kong masakit sa'yo na di ka mahal ni Kai. Naiintindihan ko yun. Pero Krystal, maraming paraan para maging masaya ka sa kanila, na kalimutan ang nararamdaman mo kay Kai. Hindi yung gumagawa ka agad ng kapahamakan kay Jennie. Tignan mo tuloy ang nangyari sa kanya ngayon!" sigaw ko pa sa kanya na mas lalo siyang naiyak.
"Ganon ka na ba kabaliw sa pag-ibig Krystal? Hindi mo makukuha ang lahat ng gusto mo. Gusto ko lang sabihin 'to, kahit gawin mo yun ulit kay Jennie, hindi mapapasayo si Kai. Hindi ka niya mamahalin. Kaya mamatay ka sa inggit." malamig na sambit ko sa kanya.
"Kung mahal mo talaga si Kai, intindihin mo siya!" malakas na sigaw ko sa kanya at inaawat na ako ni Jisung dito. Gusto kong saktan si Krystal para kay Jennie. Kung pwede lang.
"S-Somi, sorry. Sorry talaga." naiiyak na sambit ni Krystal sa akin.
"Bakit ka sa akin nagsosorry?! Kay Jennie ka mag-sorry, wag sa akin!" naiinis na sigaw ko sa kanya. "Alam mo, Krystal?! Bakit ka nga ba natanggap dito?! Hindi naman tanggap dito sa Academy yung mga siraulo na tulad mo!" dagdag ko pa.
"Tara na, Somi. Umalis na tayo dito." bulong sa akin ni Jisung na inaawat ako. Gusto ko pa sanang patulan si Krystal kaso hinihila na ako ni Jisung palayo kay Krystal.
"K-Kai, sorry! Patawarin mo ako!" dinig kong naiiyak na sambit ni Krystal kay Kai kaya napatingin kami uli doon.
"Huli na ang lahat, Krystal." malamig na sambit ni Kai sa kanya pagkatapos niyang iwanan eto at sumunod naman agad siya sa amin.
- - -
"Sorry ah, hindi ko na talaga mapigilan yung galit ko. Bakit kasi ayaw niya nalang maging masaya para sa kay Jennie at Kai?" naiinis na tanong ko sa kanila nung nakalabas na kami sa restricted room.
"Kalma, Somi. Marerealize din ni Krystal sa huli ang mali niya." pagpapakalma sa akin ni Taeyong.
"Kumalma ka, Somi. Hayaan na natin yung babae na yun. Wag na natin siyang aalahanin." sabi ni Kai. "Aalahanin natin ngayon si Jennie. Yun ang importante." dagdag niya at napatango naman kaming lahat doon.
Huminga naman ako ng malalim, "Right. Si Jennie." sabi ko.
"Mag-pahinga na tayong lahat. Bumalik na tayo sa room natin." aya sa amin ni Jisung at napatango naman kaming lahat at sabay naman kami na papabalik doon.
Pero habang papabalik kami doon, nagsalita naman si Jisung.
"Guys, gusto ko may twist yung pagkagising ni Jennie." sabi niya sa dahilan na tinignan namin siyang lahat.
"Ha?" Kai.
"Anong ibigsabihin mo?" Taeyong.
"What if.. prank natin si Jennie?" nakangiti niyang tanong sa amin.
Nagkatinginan naman kami agad dito at nakita naman na napapangisi lang naman si Kai. It means, he's interested to Jisung's plan.
Kai smirked, "What a good idea, dude."
- - -
BINABASA MO ANG
pma | jenkai
Fanfiction❝ remember me, jennie kim. ❞ 多 PMA // jenkai fanfic ♡ exopink story #4 | completed ➳ @doieruto <3