P46。

81 10 4
                                    

JENNIE

"Krystal.. nababaliw ka ba?" naiiyak kong tanong sa kanya. Hindi niya ako sinagot at tinawanan niya lang ako. Isa siyang baliw. Hindi ko siya maintindihan.

May kinuha naman siyang upuan at nilagay niya yun sa harapan ko. Umupo siya doon at pasimple siyang umupo doon.

Ningisihan niya naman ako, "Whatever you think if what I am. Pero gusto lang kita pahirapan. Gusto ko lang na maranasan mo yung.. karma. Na mas masakit pa sa akin." nakangising sambit niya sa akin.

"Bakit ayaw mo nalang ako patayin agad?" kalma kong tanong sa kanya.

Natawa na naman uli siya, "Super excited ka yatang mamatay ah?" natatawa niyang tanong sa akin. "Tanga ka ba? Papahirapan kita ng sobra-sobra hanggang sa mamatay ka. Para may thrill." dagdag niya.

"Hindi ko inaakala na ang sobrang laki pala ng galit mo sa akin. Na kaya mo palang gawin 'to sa akin." sabi ko sa kanya.

"Kaya ko. Sino ka ba para ikatakot ko? Presidente? Malandi pagkakilala ko sa'yo e." sagot niya.

Huminga ako ng malalim at hindi ko namang mapigilan na sumigaw uli, "Nababaliw ka na sa pag-ibig, Krystal! Bakit ba ayaw mo nalang tanggapin na ako yung mahal ni Kai?! Wake up Krystal! There's so many guys you can love here at the world! Pwede ka pang move on para hindi ka magmukhang tanga kay Kai!" sigaw ko sa kanya sa dahilan na nakita kong mas lalo siyang naiinis.

Pagkatapos kong sinabi yun, hindi ko inakala na sinampal niya ako ng sobrang lakas sa pisngi ko at mas lalo naman akong napaiyak sa sobrang sakit at hapdi. Pinalo niya din ako ng upuan sa dahilan na mas lalo akong humina at sumakit yung buong katawan ko. Ang dami ko ng pasa. Hindi ko na kaya.

Kai, where are you?

"Ang kapal talaga ng mukha mong sabihin sa akin yan! Akala mo madali lang sa akin?! Ang hirap-hirap! Hindi ako makakapag-move on dahil si Kai lang ang laman ng puso ko! Pero bwisit ka, dumating ka pa! Galit na galit ako sa'yo dahil hindi maramdaman ni Kai yung pagmamahal ko sa kanya!" sigaw niya sa akin.

Napapikit nalang talaga ako sa sobrang sakit, "Tama na, p-please. Sorry. Nagmamakaawa na ako. Wag niyong gawin sa akin 'to. P-please." nanghihinang sambit ko sa kanila.

Nagulat naman ako na hinawakan niya ako ng sobrang mahigpit sa aking baba, "Sa tingin mo mapapatawad at mapagbigyan kitang malandi ka? Inahas mo ang lahat sa akin kaya bagay lang yan sayo. Magtiis ka sa sakit at hindi ka makakatakas sa amin." galit na sambit niya sa akin at padabog niyang binitawan ang baba ko.

"Pakawalan niyo ako dito! Ang sobrang sama niyo!" pinilit kong sumigaw kahit sobrang nanghihina na ako.

"Ilang ulit na nga kitang sinasabihan na tahimik e! Hindi ka ba nakakaintindi?!" galit na suway sa akin nung lalaki na bumastos sa akin kanina.

"Ipalo mo na yan ng upuan, Lucas!" sigaw ni Krystal at mabilis niya namang sinunod yung utos ni Lucas. Mas lalo lang naman akong umiiyak.

Mamamatay na siguro ako. Hindi ko na kaya.

"T-tumigil na kayo. P-please. Nasasaktan na ako." nanghihinang sambit ko sa kanila.

"You hurted Krystal a lot too. Hindi kami titigil." sabi nung Lucas.

"Mamatay ka munang malandi ka!" malakas na sigaw ni Krystal sa akin at sinampal niya naman ako sa kabilang pisngi ko.

Kulang nalang talaga.. yung saksakin ako ng kutsilyo sa dibdib ko para tapos na ang buhay ko.

Lumapit naman uli si Krystal sa akin at hinawakan niya ako ng mahigpit sa baba ko, "Sagutin mo ako, mahal mo si Kai o hindi? Pag magsisinungaling ka sa akin, mas lalo kitang papahirapan!"

Tinignan ko siya ng masama, "Oo, mahal ko si Kai! Tumigil ka na!" sigaw ko sa kanya.

"Aba gago ka pala e!" mura sa akin nung Lucas at naramdaman kong pinalo niya naman ako ng upuan sa mas lalo akong naiyak. Hindi ko na kaya.

Everything went black.

- - -

pma | jenkaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon