P47。

84 11 1
                                    


JISUNG

Sabay naman kaming tatlo nina Taeyong at Kai doon sa basement na pinuntahan namin ni Somi kung saan doon pinapahirapan ni Krystal si Jennie ngayon. Ramdam din namin na may mga ibang co-cadets nang sumusunod sa amin.

Habang tumatakbo kami papunta doon, napatingin ako kay Kai. Halos hindi maipinta ang kanyang mukha. Sino ba namang hindi magagalit na nalalagay sa kapahamakan ang kanyang taong mahal?

Nakarating na din kami sa basement at huminto muna kami ng saglit at nagpahinga.

Tinignan ko naman sila pareho, "Pasok na tayo. Iligtas na natin si Jennie." bulong ko sa kanila at parehas nama silang tumango.

Binubuksan ko yung pinto pero ngayon ko lang na-realize na locked pala 'to. "Tangina. Locked pala 'to." naiinis na sambit ko.

"Puta." mura ni Kai at tinulak niya ako palayo sa pintuan. Siya ang nagpipilit na pinipihit yung pintuan para mabuksan. Pero kahit anong pihit niya, hindi talaga mabuksan.

Nabigla naman kaming dalawa ni Taeyong nung sinipa-sipa niya ng malakas yung pintuan. Masyadong matibay yung pintuan. Kaya tinulungan nalang namin siya na sirain yung pintuan. Sa huli, nasira din ang pintuan.

Huminga naman ng malalim si Taeyong, "Yan bukas na." sambit niya.

Nakakaramdam naman ako ng matinding ibang hangin sa likod ko kaya napatingin naman ako doon. Huminga nalang ako ng maluwag na yun pala ay ang mga tutulong sa amin. Nakita kong andoon na din si Somi. Lahat naman kami pumasok dito at ang sobrang laki naman pala ng basement na 'to.

"Saan sila Jisung?" tanong sa akin ni Kai.

"Nasa huling part yata ng basement na 'to. Dali, sundan niyo ako." nagmamadaling sambit ko.

Sinusundan naman ako ng mga kasama ko. Halos kasama namin dito ay mga fourth class cadets. Hanggang sa nakarating kami sa huling pintuan ng basement, may naririnig kaming mga boses na nag-uusap. Kaya humarap ako sa mga kasama ko.

"Ssshhhhh." mahinang sambit ko sa kanila. Napatango naman silang lahat at pinakinggan naman namin ang boses na naririnig namin.

"Ano nang gagawin natin sa babae na yan, Krystal-noona?" dinig naming sambit nung boses lalaki. Pero.. bakit parang si Lucas yun? Kung siya man, hindi ako makapaniwala na kasabwat pala siya ni Krystal. Akala ko ang bait niya.

"Itapon niyo siya sa malayo. Yung walang nakakaalam. Yung tayo lang makakaalam. Yung hindi tayo papalpak." nakaramdam naman kami ng matinding inis dito nung narinig ko ang boses ni Krystal.

"O right, noona." dinig kong sambit ni Lucas.

Pero nabigla kami na agad na malakas loob binuksan ni Kai yung pintuan. Sa wakas, nakita namin ang loob.

Marami ding fourth class students dito, pero mas marami kaming kasama ngayon. Mukhang hindi naman maipinta ang mukha ni Lucas at Krystal nang makita niyang nakapasok kami sa basement.

Nilipat ko naman ang tingin ko kay Jennie. Nanlaki nalang ang mata ko ng nakita kong nakapikit na siya at mukhang hindi na siya gumagalaw.

Nagsimula namang hulihin ng mga kasama naming fourth class cadets yung mga kasama ni Krystal. Pinilit pang lumaban ng iba kaya nagtulungan nalang kaming lahat na labanan din sila.

Malakas ko lang naman na sinusuntok yung mga umaatake sa akin. Pero nagulat ako nung nakita kong hahampasan ng baton nung isang cadet si Krystal. Kaya mabilis akong tumakbo palapit doon at malakas kong siniko yung bwisit na cadet na yun sa dahilan na napahiga siya sa sahig. Nakita ko namang hinuli na siya ng mga ibang kasama namin.

pma | jenkaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon