"J.M..."
Natutulog pa ako. Katatapos lang ng isang napakagandang panaginip...
"Julio Miguel...
Ah, pangalan ko yun. Julio Miguel Laroza, J.M. for short. Galing sa mga pangalan ng parents ko, Julia and Miguel...
"Wake up, Little Brother..."
Hindi na ako little. Seventeen na ako. Graduate na nga ako ng high school. With honors pa. At 5' 9" ang height ko...
"Little Brother..."
Hindi sabi ako lit— Teka lang... Brother daw? Si Ate Jenna ba yon?
Idinilat ko ang mga mata ko.
Si Ate Jenna nga. Nakadapa siya tabi ko. Malapit ang mukha niya sa akin at nakangiti siya. Nakauwi na pala siya. Sa Maynila kasi siya nakatira at kapag weekends lang siya umuuwi.
"Good morning, Ate Jenna..." bati ko agad sa kanya, todo-ngiti. Ikaw na ang gumising na may anghel sa tabi mo.
"Tulog mantika ka na naman, J.M. Napuyat ka na naman kagabi, ano?"
Tumango naman ako. "Nag-DVD marathon kasi kami ni Layla kagabi. Pagdating kasi namin sa dorm, malabo na kaming makapanood ng mga series."
"Ito naman, pa-drama effect. Pwede naman kayong manood sa internet. May laptop naman kayo pareho."
"It's not the same, Ate. Matagal mag-buffer sa internet."
"Whatever." Kinurot niya ang pisngi ko. "Bangon ka na. Sabay tayo mag-breakfast."
Tinatamad man ako, pinilit ko na lang ang sarili kong bumangon. Si Ate ang nag-request e. Hinding-hindi ko siya matatanggihan. Ikaw na ang magkaroon ng ate na napakabait na, ubod pa ng ganda. Nami-miss ko tuloy yung mga panahon na bata pa ako, noong siya ang nag-aalaga sa akin. Sa ngayon, 24 years old na siya. Single pa rin pero successfull architect na.
Ako? Magsisimula pa lang ako ng college. Actually, ihahatid na nila ako mamaya sa titirhan kong dorm. Papasok ako sa U.P. Diliman, ang school nina Daddy, Mommy, at Ate Jenna. Titira ako sa Kalayaan Residence Hall, ang dorm na tinirhan ni Daddy noong freshman siya. Tradisyon, di ba?
Paglabas ko ng kuwarto ay sinalubong naman ako ng isa pang napakagandang anghel sa buhay ko. Si Mommy. Si Doktora Julia Samantha Arenas Laroza. Mommy Jules, para sa mga kamag-anak namin. Bespren, para kay Daddy. Bestfriends daw kasi sila mula pa noong college.
"O, J.M. Buti naman bumangon ka na. Puyat ka, di ba?"
"Oo, Ma," sagot ko. "Pero request kasi ni Ate Jenna, sabay kaming mag-breakfast."
Alam ni Mommy na hindi ko tinatanggihan ang request ng mahal kong kapatid, kaya napangiti siya. Sa pagngiti niya, lalo pa siyang gumanda. Sa edad na fifty years old, walang makadadaig sa beauty ng mommy ko sa mga ka-level niya. Ikaw na ang maging dermatologist. He-he-he...
Pagbaba ko ng hagdan ay nasalubong ko si Daddy, ang pinakamabait at pinakaguwapong daddy sa buong mundo. Siyempre, para lang yon sa aming pamilya. Pero totoo namang mabait si Daddy. Wala siyang kaaway. Lahat nagiging kaibigan niya. At totoo rin na guwapo siya. Dapat lang, di ba? Si Mommy kaya ang nag-aalaga ng skin niya. He-he-he.
No wonder, sabi ni Ate Jenna, hindi raw siya magbo-boyfriend kung di rin lang kasingbait at kasingguwapo ni Daddy.
"Ano, J.M.? Ready for college life?" sabi ni Daddy sa akin.
BINABASA MO ANG
Simple Heart 2
Teen FictionJM, youngest child of Mike and Jules, goes to college and experiences love for the first time, in three different angles...