"Last call for flight 109 of Phlippine Airlines bound for Sidney, Australia..."
Sabi ni Daddy, iyon daw ang flight na sasakyan ni Maya at ng mommy niya. Paalam ko, gusto ko lang makita si Maya sa huling pagkakataon. Nag-promise ako na hindi ako magpapakita.
Sa airport, matiyaga ko silang hinintay. Bahagya akong nagkubli sa mga taong nandoon.
Ilang sandali pa ay nakita ko na sila. Nagmamadali sila, halos tumatakbo na.
Naramdaman ko na naman ang sakit. Parang dinudurog ang puso ko. Sa loob-loob ko, paalis na ang mahal ko. Iiwan na niya ako.
Pagpasok nila sa check-in gate ay hindi na ako nakatiis. Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at saka ko siya tinawag. "MAYAAAAA!!!"
Lumingon siya. Nakita niya ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-ibig na magbibigay sa akin ng pag-asa para hintayin siya.
"JAY-EEEMMMM!!!" sigaw niya.
Pero hinaltak na siya ng mommy niya hanggang sa hindi ko na siya makita.
"J.M...."
Naputol ang pagdidili-dili ko. Napalingon ako.
Nakatitig sina Yana at Layla sa akin.
Naalala ko, nasa lobby nga pala kami ng dorm. Nag-aabang ng sundo. Nakatambak ang mga bags sa harap namin.
Sembreak na. Tapos na ang first semester.
Naaalala ko pa rin si Maya.
Tatlong buwan na ang nakakaraan at natutulala pa rin ako kapag naaalala ko siya.
"Okey ka lang, Pinsan?"
"Tulala ka na naman, Kambal."
"Okey lang ako," sabi ko sa kanila. Hinawakan ko sila nang sabay sa balikat. "Thanks sa concern..."
Bumuntung-hininga si Yana. "Si Maya na naman?" tanong niya.
Tumango lang ako.
"J.M., kalimutan mo na siya," sabi naman ni Layla. "Wala na siya."
Bumuntung-hininga rin ako. "Sana lang, madali yang sinasabi mo, Lay," sagot ko.
"Madali naman talaga e. Kailangan mo lang ng ibang babae para mabura si Maya sa isip mo."
Napakunot-noo ako. "Ibang babae? Ano yun, panakip-butas?"
"E ano kung panakip-butas? At least, makakalimutan mo si Maya."
"Hindi rin," sabad ni Yana.
Tiningnan siya ni Layla. "Anong hindi rin?"
"Kahit may panakip-butas, hindi rin malilimutan ni J.M. si Maya. First love niya e."
Sumimangot si Layla. "Sus, hindi naman laging totoo yun."
"Mukhang kay J.M., totoo."
Nginitian ko si Yana. Sa loob-loob ko, tama siya. Ang galing niyang manghula ng nararamdaman ko. Magkaugali nga yata talaga kami. Ang galing din niyang tumayming. Sa loob ng tatlong buwan na malungkot ako, siya lagi ang nakaalalay sa akin. Siya ang gumagawa ng mga notes ko sa klase. Siya ang nagre-remind sa akin ng mga dapat kong gawin para sa pag-aaral ko. In short, kung wala siya, malamang may mga ibinagsak akong mga subjects.
Buti na lang nandiyan siya lagi. Pasado lahat ng subjects ko kahit papano.
"Bakit, Yana?" tanong ko sa kanya. "Yung first love mo ba, nahirapan kang kalimutan?"
Tumango siya. "Buong araw hanggang gabi, minsan pati sa panaginip, nandito pa rin," sabay hawak sa dibdb niya.
"Buti hindi ka nababaliw?"
Ngumiti siya. "I just have to accept the facts and learn to live with it."
Umulit-ulit iyon sa isip ko.
Accept the facts. Tanggapin ko na wala na si Maya.
Learn to live with it. Kahit naaalala ko pa si Maya, dapat na akong bumalik sa mga dati kong ginagawa at pinagkakaabalahan.
"Hindi ba mahirap?" tanong ko.
"Hindi naman," sagot niya. "Focus lang ako sa good memories."
Ah, oo nga, sabi ko sa sarili ko. Focus sa good memories. Marami din yun. Mga panahon na magkasama kami ni Maya. Kapag kumakain kami sa mess hall. Kapag nandito kami sa lobby. Kapag nakatambay kami sa labas. Kapag naglalakad kami at tinitingnan ang mga bituin...
"Teka Yana," sabad ni Layla. "Sabi mo, hindi ka pa nagkaka-boyfriend?"
Napatingin ako kay Yana, nagtataka. Sa isip ko, e ano yung ina-advice niya sa akin?
Namula ang mukha niya. "Kesyo ba wala pa akong nagiging boyfriend, wala rin akong first love?" sagot niya.
"Pwede ring meron," sabi ni Layla. "Pero yuck naman, hindi naging kayo, so hanggang tingin ka lang?"
"Uy, hindi naman hanggang tingin lang. May connection naman kami kahit papano."
Hinawakan ko ang kamay ni Yana. "Hindi naging kayo ng first love mo?" tanong ko sa kanya.
Tinitigan niya ako, bahagyang ngumiti, at saka siya umiling. "Ayaw niya sa akin e."
Natigilan ako. Bakit parang may kislap sa mga mata niya? Sino kaya yung first love niya? High school crush kaya? Wala naman kasi siyang crush sa mga kaklase namin o ka-dorm. Lagi ko siyang kasama kaya dapat kung meron, mahahalata ko. Si Ben nga, may crush sa kanya, pero hanggang friend lang ang turing niya. Mabait lang talaga siya kaya hindi niya sinusungitan.
Sino nga kaya yun?
"Uy, J.M. Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.
Natigil ang pagdidili-dili ko. "Ha? Ah, wala lang."
"Anong iniisip mo?"
"Iniisip ko lang kung sino yung first love mo."
Namula na naman ang mukha niya.
Siya namang pagpasok sa dorm ng isang guwapong lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, halos kaedad siya ni Ate Jenna. Luminga-linga siya sa paligid at ngumiti nang makita niya si Yana.
"Kuya!" tawag ni Yana.
Iyon pala ang kuya niya.
Lumapit ang lalaki at tiningnan kami. Nagtagal ang titig niya sa akin pero ngumiti siya. "Sorry, tinanghali ako," sabi niya kay Yana.
"Okey lang, Kuya," sagot ni Yana. "Siyanga pala. Kuya, sila yung mga friends ko dito sa dorm. Si Layla, si Ben, si Dom, saka si J.M. Guys, siya ang Kuya Adrian ko."
"Hi Kuya," bati nina Layla, Dom, at Ben.
"Hello," sagot ni Adrian, sabay ngiti at bahagyang tango.
Nagngitian naman kami at nagkamayan.
"So," sabi ni Adrian sa akin. "Ikaw pala si J.M. Maraming ikinukwento si Yana sa akin tungkol sa yo." Makahulugan ang ngiti niya.
Napansin ko, namula na naman ang mukha ni Yana. Pasimple pa niyang kinurot ang kuya niya.
BINABASA MO ANG
Simple Heart 2
Teen FictionJM, youngest child of Mike and Jules, goes to college and experiences love for the first time, in three different angles...