Chapter 23: Hero

419 16 1
                                        

"J.M., help!"

Napatigil ako sa paglangoy at napatingin sa likuran ko.

Nakita ko si Yana na nagkakakawag sa tubig nang walang direksyon. Halatang nagpa-panic siya. Mukha siyang nalulunod.

Agad ko siyang binalikan. Sa loob-loob ko, hanggang dibdib lang naman ang tubig. Bakit siya malulunod?

Nang mahawakan ko siya sa magkabilang braso ay agad siyang yumakap sa akin. "J.M., pinupulikat ako!" daing niya.

Kaya naman pala, sabi ko sa sarili ko. "Kapit ka lang. Iaahon kita," sabi ko sa kanya.

Kinarga ko siya papunta sa gilid ng pool. Humingi ako ng tulong kina Daddy at agad naman silang lumapit para maiahon si Yana.

Dinala namin siya sa cottage at pinaupo sa isang silya doon. Pinagtulungan namin ni Daddy na masahihin ang mga hita niya na pinupulikat. Matigas na matigas ang mga muscles niya doon. Namimilipit siya sa sakit tuwing gagalawin namin ang mga paa niya.

"Ako nang bahala dito, J.M.," sabi sa akin ni Daddy. "Just make her feel comfortable."

Wala akong maisip noon na pwede kong gawin kundi yakapin siya.

Sakay ng kotse ni Ate Jenna, papasok na kami sa perimeter ng U.P. Diliman. Magsisimula na ang second semester sa susunod na araw at kailangan na naming bumalik sa dorm. Si Ate Jenna ang nag-volunteer na maghatid sa amin ni Layla.

"Hoy, J.M.," tawag sa akin ni Layla.

Natigil ako sa pagdidili-dili ko. Napatingin ako sa kanya. "Ha?"

"Ang lalim na naman ng iniisip mo."

Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam kung papano ko sasabihin kay Layla ang mga naiisip ko. Halos isang linggo na rin kasing pabalik-balik sa isip ko ang mga nangyari noong nag-outing kami, lalo na yung tungkol kay Yana. Mula kasi noong pulikatin si Yana at alagaan ko siya, parang mas naging malapit na kami sa isa't isa.

Hindi naman kataka-taka yun. Kinarga ko kasi si Yana noong pinupulikat siya. Minasahe ko ang hita niya hanggang paa. Niyakap ko pa siya habang minamasahe siya ni Daddy at namimilipit siya sa sakit. Dinikitan ko siya pagkatapos noon, inaalagaan, at hindi na siya bumitiw sa akin. Kung hindi siya nakayakap sa braso ko, nakasandal naman siya sa katawan ko.

Sa loob-loob ko, tuwing maaalala ko iyon, parang kami na.

"Sino bang iniisip mo, J.M.?" tanong pa ni Layla. "Si Maya na naman ba?"

Sa pagbanggit niya sa pangalan ni Maya, biglang naglaho si Yana sa isip ko. Agad lumitaw si Maya at ang mga panahon na magkasama pa kami, pati na rin ang malungkot na paghihiwalay namin.

Bigla akong nalungkot.

"Ano ka ba, Lay?" saway sa kanya ni Ate Jenna. "Ipinaalala mo pa kay J.M. yun."

Napakamot na lang si Layla sa ulo niya. "Sorry, Ate."

Nasaan na kaya si Maya? tanong ko sa sarili ko. Bakit kaya hindi man lang siya nag-e-email? Ganon ba kahigpit yung mommy niya? Ni hindi siya makagamit ng internet?

Miss ko na siya.

Miss ko pa rin siya.

"J.M..." tawag sa akin ni Layla, malambing na ang boses.

Simple Heart 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon