"Sige na, Yana. Sino na yung first love mo?"
Para siyang batang kinikilig sa tanong ko. Yumakap siya sa braso ko at idinukmo ang mukha sa balikat ko. "J.M., ang kulit mo. Sabing secret e."
"Para naman tayong hindi best friends. May secret ka pa na nalalaman."
"Uy, sorry na. Pero nakakahiya kasi..."
"O sige, i-describe mo na lang siya."
Matagal siyang nag-isip bago sumagot. "Sige..."
"O ano na?"
"Guwapo siya."
"Siyempre, yang ganda mong yan, pipili ka ba ng pangit?"
Natawa siya. "Mabait siya."
"Mabuti naman. Akala ko, bad boys yung type mo."
"Hindi a. Gusto ko mabait."
"Gaano kabait?"
"Yung sobrang bait."
"Kasingbait nino?"
"Kasingbait mo!"
"Ako?"
Namula ang pisngi niya. "Oo nga, ang kulit mo!"
Alas sais medya nang umaga.
"Bilisan mong kumain, J.M.," narinig kong sabi ni Yana sa akin. "Baka ma-late tayo. First day of classes pa naman ngayon."
Natigil ang paglipad ng isip ko. Naisip ko, oo nga pala. Walang masyadong oras para magdili-dili. Alas siyete kasi ang unang klase namin at magkaklase na naman kami.
Nakabihis na si Yana noon at handa nang pumasok. Samantalang ako ay nakapambahay pa. Hindi pa rin ako nakakaligo dahil inuna ko ang pag-aalmusal.
"First day naman," sagot ko sa kanya. "Kahit siguro ma-late, okey lang."
Dumampot siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. May mantsa pala doon ng itlog na kinakain ko. "Maliligo ka pa at magbibihis," sabi niya.
Napangiti ako. Ramdam ko ang lambing ng ginawa niya. "Bakit last sem, nag-aalmusal ka muna bago ka maligo at magbihis?"
Hinaplos niya ang pisngi ko. Tinitiyak siguro na wala nang mantsa sa mukha ko. "Iba na kasi ngayon. Alas siyete yung first class. Last sem, eight-thirty yung first class natin."
"Ah, dapat pala, mas maaga akong gumising," sabi ko.
"Puyat ka ba?" tanong niya. "Kinulit ka ba ni Ben o ni Dom?"
Sa loob-loob ko, concerned siya. Oo, pinuyat nila ako, gusto ko sanang aminin. Kinulit nila ako nang kinulit kung girlfriend na kita.
Pero pinigilan ko ang sarili ko. "Hindi lang ako agad nakatulog," sagot ko na lang.
"Ako rin," sabi niya. "Maghahatinggabi na yata ako nakatulog."
"Bakit naman?" pangungulit ko. "Sino ba yung iniisip mo?"
Ngumiti siya at medyo namula ang pisngi. "Secret..."
Alas syete medya nang umaga.
"Okay, class," sabi ng teacher namin sa Philosopy. "I want you to form groups of four for the reporting. Select your leaders and the leaders should come here in front so I can give you your report topics."
BINABASA MO ANG
Simple Heart 2
Novela JuvenilJM, youngest child of Mike and Jules, goes to college and experiences love for the first time, in three different angles...