"HOW DARE YOU, J.M.!"
Si Layla yun. Kadarating niya lang. Galit na galit.
Kasalukuyan ako noong nakahiga sa kama ko. Mga alas dos noon nang hapon. Matutulog sana ako nang bigla siyang pumasok at nagsisisigaw.
"BAKIT MO KO INIWANAN?! DI BA SABI KO SA YO, SABAY TAYONG UMUWI?!"
Oo nga naman. Iniwanan ko siya sa U.P. Umuwi ako sa Bulacan nang mag-isa at hindi ko siya hinintay. Gusto ko kasing makausap agad sina Mommy at Daddy nang sarilinan.
"Ibinilin naman kita kay Ben, di ba?" sagot ko sa kanya.
"HINDI UMUWI SI BEN DITO! DOON SIYA UMUWI SA CONDO NILA SA ORTIGAS!"
Ganon? Natigilan ako, medyo nakonsensya. "E papano ka nakauwi?"
"HINATID AKO NI DOM!"
Ah... Napatango ako, nakahinga nang maluwag. "Yun naman pala e. Kotse pa ang nasakyan mo sa halip na bus."
"SINABI KO NA SA YO! AYOKONG SUMASAMA SA MAKULIT NA YON!"
Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Sumilip si Ate Jenna. "Hoy, tigilan nyo nga yang away nyo," saway niya sa amin. "Layla, yang boses mo. Dinig na dinig hanggang sa kabilang kanto."
Napayuko lang si Layla, halatang gigil na gigil pa rin at nagtitimpi ng galit.
Napangiti naman ako kay Ate Jenna. Siya ang hero ko sa oras na iyon. Alam kong hindi na hihirit si Layla basta si Ate Jenna ang nagsalita.
"Matutulog ka ba, J.M.?" tanong pa ni Ate.
"Oo, Ate," sagot ko.
"Sige. Layla, iwanan mo muna si J.M. Mamaya na kayo mag-usap."
Lalo akong napangiti. Kakampi ko talaga si Ate. He-he-he.
Pag-alis ni Ate Jenna at tinitigan ako nang matalim ni Layla.
Tiningnan ko lang siya.
"I hate you, J.M..." sabi niya. Biglang may pumatak na luha sa mga mata niya. Pagkatapos ay nagmamadali siyang lumabas.
Bakit siya umiiyak? tanong ko sa sarili ko. Bakit galit na galit siya? Nakauwi naman siya, di ba? Kung hindi man siya naisabay ni Ben, si Dom naman ang naghatid sa kanya. Tatlo kaya kaming boys na pwedeng mag-escort sa kanya pauwi.
Kasalanan ba kung ginusto kong umuwi nang maaga?
Bakit kasi nagpunta pa siya sa library bago umuwi? Pwede namang next week na lang siya mag-research. Saka may internet naman, bakit sa library pa?
Ah, ewan. Bakit ba ako nakokonsensya?
Basta ang alam ko, wala akong ginagawang masama. Tapos.
Finished.
Period.
Pagdating ng hapunan ay nagtataka sina Mommy at Daddy kung bakit hindi sumabay sa amin kumain si Layla. Bumaba lang kasi siya para kumuha ng pagkain at dinala iyon agad sa kuwarto niya.
"Anong nangyayari kay Layla?" tanong ni Mommy.
"Galit yata, Ma," sabi ni Ate Jenna.
"Galit? Kanino?"
"Kay J.M."
Napatingin sa akin si Mommy. "Bakit?"
"Hindi ko raw kasi siya isinabay sa pag-uwi kanina," paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Simple Heart 2
Teen FictionJM, youngest child of Mike and Jules, goes to college and experiences love for the first time, in three different angles...
