Chapter 12: Break

348 11 4
                                    

"Ayaw talaga sumabay ni Maya," sabi ni Yana sa amin nang magkita-kita kami sa lobby. Alas syete na noon nang gabi at papuntana kami sa mess hall para kumain ng hapunan.

"Bakit naman?" tanong ko. "Hindi ba siya kakain?"

"May sandwich naman daw siya. Hindi na lang daw siya lalabas."

Napabuntung-hininga ako. "Galit ba siya?"

"Sa tingin ko, hindi. Iyak lang ng iyak. Nag-break na kasi si Derek sa kanya. Kanina nag-usap sila sa phone."

Nakaramdam ako ng pagkaawa. "Ganun ba?"

Hinawakan ni Yana ang braso ko. "Hayaan mo muna si Maya. Tara na, kain na tayo."

"Sige," sagot ko na lang, pero hindi talaga mawala ang pag-aalala ko. Iniisip ko rin kung may kasalanan ako sa mga naging problema ni Maya.

Kasalanan ba kung ipagtanggol ko siya sa syota niya? tanong ko sa sarili ko. Masama bang maging concerned ako sa kanya?

Pero heto na nga, break na sila ni Derek. Iniiyakan niya ang boyfriend niya. Kahit napakamanyak ng lalaking iyon, iniiyakan pa rin niya.

Nakakasama ng loob.

"J.M., walk tayo," sabi ni Yana sa akin matapos kaming kumain.

"Ha?" sabi ko lang, nagtataka.

"Guys, pahiram muna dito sa kakambal ko ha," paalam pa niya sa iba. "Sandali lang..."

Ngumiti lang ang mga kaibigan namin sa kanya. Pati si Layla.

"Tara, J.M."

Hindi na ko nakatanggi.

Lumabas kami ng dorm at naglakad-lakad.

Maulap noon ang kalangitan. Walang buwan. Walang bituin. Naalala ko bigla yung paglalakad namin ni Maya dati. Nag-star gazing pa kami. Nag-wish pa kami sa shooting stars.

Pero hindi si Maya ang kasabay ko ngayon sa paglalakad. Kahit nakaabre-syete din siya sa akin gaya ni Maya, si Yana siya. Hindi siya si Maya.

Miss ko na si Maya.

"Ang tahimik mo naman," sabi ni Yana sa akin. "Parang hindi ikaw yan a."

Napatingin ako sa kanya. Pinilit kong ngumiti. "Marami lang iniisip."

"Iniisip mo yung pinsan ko?" tukso niya.

"Syempre," sagot ko.

Huminga siya nang malalim. "Kumusta na yang pasa mo?"

"Ok na. Pawala na ito."

"Mahal mo talaga si Maya, ano?"

Huminga rin ako nang malalim. "Oo. Pero ang hirap. mahal niya si Derek e."

Napailing si Yana. "Ewan ko ba dun sa pinsan ko. Ang dami namang matitinong lalaki sa paligid, dun pa sa salbaheng Derek na yun pumatol."

Tiningnan ko siya. "Papano bang naging sila?"

Tumingin siya sa malayo. "Kaklase namin si Derek mula pa noong high school kami. First year pa lang kami, nanliligaw na yun kay Maya. Third year high school kami noong sagutin niya."

"Matagal na pala sila," sabi ko.

"Two years na. Buti nga, hindi nakapasa dito si Derek. Kung nagkataon, lagi na naman silang magkadikit."

Nakaramdam ako ng pagkainggit. "Lagi silang magkadikit dati?"

Tiningnan niya ako, parang nakikiramdam kung anong nararamdaman ko sa usapan namin. "Oo."

Simple Heart 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon