"Good morning, J.M.," bati sa akin ni Layla. Maganda ang ngiti niya. Bitbit na niya ang bag niya.
"Good morning, Layla," sagot ko. Nakaupo ako noon sa sofa sa lobby. Ilang minuto ko rin siyang hinintay. Katabi ko na noon ang bag ko.
Sabado noon, first weekend ng second semester. Pauwi kami sa Bulacan. Sabi ni Ate Jenna, susunduin niya raw kami para hindi na kami mag-bus.
"Wala pa si Ate Jenna?" tanong ni Layla.
"Parating na raw siya," sagot ko. "Katatawag niya lang. Nasa Quezon Boulevard na raw."
Tumabi si Layla sa akin. "Wala na si Yana sa room niya a. Akala ko, kasama mo."
Umiling ako. "Kanina pa siya umuwi. Maaga siyang sinundo ng kuya niya."
Sumandal siya, huminga nang malalim, at ngumiti. "Ganda ng umaga, ano?" sabi niya.
Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon. "Oo nga," sagot ko na lang.
Sandali siyang natahimik, pero nakangiti pa rin. "Anong gagawin mo sa bahay pagdating natin?" tanong niya pamaya-maya.
Nagkibit-balikat ako. "Matutulog siguro. Tapos mag-aaral. May papers pa akong gagawin."
"Ako, walang gagawin," sabi niya.
"E di mag-D.V.D. marathon ka na lang ulit," sabi ko. "Gustung-gusto mong ginagawa yun, di ba?"
Huminga siya nang malalim. Parang nabawasan ang ngiti niya. "Ah, oo nga."
Biglang tumunog ang celphone ko. Nag-text si Ate Jenna. "Dito na ko sa labas ng dorm," sabi sa text. "Labas na kayo."
"Nandyan na raw si Ate sa labas," sabi ko kay Layla. "Tara na."
Tumango siya. "Tara na."
Sabay kaming tumayo at lumabas ng dorm.
"J.M..."
Ang sarap ng tulog ko. Nananaginip ako. May kayakap akong babae.
Si Yana.
Teka, bakit si Yana?
Pero masaya ako, masayang-masaya. Gustung-gusto ko ang yakap niya. Parang ayaw ko siyang bitiwan. Mabilis ang tibok ng puso ko. Parang tuwang-tuwa ako.
Parang mahal na mahal ko siya.
"J.M..."
Teka, bakit parang naglalaho siya? Nagigising na ba ako? Ayoko pang magising. Ayoko pang bumitaw sa kanya.
"J.M... nandito ako... si Yana..."
Ah, nararamdaman ko pa rin siya. Nakayakap pa siya sa akin. Pero bakit nakadapa ako? Bakit parang iba ang pakiramdam?
"I love you, J.M..."
Teka lang. Hindi boses ni Yana yun!
Dumilat ako at nilingon kung sino ang nakayakap sa akin.
"Ate, anong ginagawa mo diyan?"
Tawa nang tawa si Ate Jenna. Bumangon siya mula sa pagkakayakap niya sa akin at umupo sa gilid ng kama. "Ganda kasi ng panaginip mo e. Nagsasalita ka pa. Yana ha..." Pakatapos ay tumawa siya ulit.
Pumihit ako at tumihaya. Napatingin ako sa wall clock. Mag-aalas dose na pala. Naalala ko, pagdating namin sa bahay galing sa biyahe, nagbihis lang ako ng pambahay at agad akong dumapa sa kama ko. Agad akong nakatulog. Naka-tatlong oras din ako ng tulog. Nanaginip pa ako.
BINABASA MO ANG
Simple Heart 2
Roman pour AdolescentsJM, youngest child of Mike and Jules, goes to college and experiences love for the first time, in three different angles...
