Chapter 8: Kambal?

419 14 4
                                    

Pagdating ng Linggo nang hapon ay isinabay kami ni Ate Jenna paluwas ng Maynila. Nasa Ortigas lang kasi yung condo niya kaya idinaan niya na lang kami ni Layla sa dorm.

Bago pa kami bumaba ng kotse ni Ate ay nakita na namin sina Maya at Yana na nakaupo sa gilid ng entrance ng dorm. Napangiti silang dalawa nang bumaba kami at makilala nila kami.

"Hi J.M.! Hi Layla!" sabay pa nilang bati.

"Hi Maya! Hi Yana!" sagot ko naman.

Ngumiti lang si Layla sa kanila, mukhang pilit pa.

Bumaba rin ng kotse si Ate Jenna. Nginitian niya ang dalawa. Pagkatapos ay dumikit siya sa akin at pabiro akong siniko sa tagiliran. "Sino si Maya?" pabulong na tanong niya.

Napangiti ako. "Yung nasa kaliwa," sagot ko, pabulong din.

"Hm... Pretty girl... Magaling pumili ang kapatid ko."

Sinenyasan ko ang dalawa para lumapit.

Lumapit naman sila. Titig na titig sila kay Ate Jenna. Para silang nakakita ng artista.

"Maya, Yana," sabi ko. "This is Ate Jenna, sister ko."

"Hello, Maya," sabi ni Ate Jenna kay Maya, sabay beso-beso. Pagkatapos ay niyakap naman niya si Yana. "Hello, Yana. Coincidence ba o talagang pareho kayo ng taste ng kapatid ko?"

Napangiti ako. Kasi naman ay naka-CK T-shirt na naman siya at pareho na naman kami. Pareho rin kaming nakamaong at ang suot naming sapin sa paa ay ang paborito naming Sanuk.

Natawa naman si Yana. "Naku, Ate," sagot niya. "Attire pa lang yan. Marami talaga kaming similarities ni J.M. Nakakatuwa nga e."

"Talaga?" sabi naman ni Ate na parang tuwang-tuwa. "Gaya ng?"

"Well, Ate, pareho kaming March ang birthday. One week nga lang ang difference namin. Tapos, pareho kaming course at pareho kaming gustong maging doktor. Magkaklase pa kami sa halos lahat ng subjects."

"Wow. Hindi naman siguro kayo twins, ano?" Tuwang-tuwa talaga siya.

"Baka nga, Ate. Baka ampon lang ako ng parents ko at kapatid ko pala kayo."

Nagtawanan silang dalawa.

"Can I have your number?" tanong ni Ate kay Yana pamaya-maya.

"Sure, Ate. Textmates tayo?"

"Textmates and callmates!" sagot ni Ate.

Ayun, nagpalitan sila ng cellphone number. Close na sila agad.

Napatingin ako kay Maya. Nakatingin lang siya kina Ate Jenna at Yana. Parang natutuwa lang siya sa dalawa.

Napalingon ako kay Layla. Nakasimangot na naman siya.

Naisip ko, bakit kaya lagi siyang nakasimangot kapag nandoon sina Maya at Yana?

"Ang sweet-sweet talaga ng ate mo, J.M.!" tuwang-tuwang sabi ni Yana sa akin habang kumakain kami ng hapunan.

Kanina pa sila nagte-text ni Ate. Sa loob-loob ko, natuwa yata talaga si Ate Jenna sa kanya. Samantalang si Maya, dinedma.

"Sweet talaga yun," sagot ko na lang.

"At maganda pa," hirit ni Dom. "Kung hindi lang malaki ang tanda sa akin noon, popormahan ko yun."

"Umandar na naman yang kamanyakan mo!" saway ni Layla sa kanya.

"Bad naman your mouth. Humahanga lang naman ako."

"Ang humahanga, walang motibo!"

"Uy, tama na yan," saway ko sa kanilang dalawa. Ewan ko ba kung bakit hindi sila talaga magkasundo kahit mahigit dalawang taon na kaming magkakasama.

"Kumusta daw kayong lahat," biglang sabi ni Yana, natatawa.

"Mabuti!" sagot naman ni Maya.

"J.M., huwag mo raw kalilimutan yung vitamins mo!"

Napakamot ako ng ulo. "Si Ate talaga."

"Kumusta ka raw, Ben!"

Napangiti si Ben. "Pakisabi, mabuti..." Malumanay ang boses niya, kakaiba.

Biglang tumawa nang malakas si Yana at tiningnan ako.

"O, bakit? Anong sabi ni Ate?" tanong ko.

"Secret!" sabi niya.

Tumaas ang kilay ko. "Anong secret? Ibinubuking na ba ako ni Ate sa yo?"

Natawa siya lalo. "Siguro!"

Lagot, sabi ko na lang sa sarili ko.

"Good morning daw, sabi ni Ate Jenna..."

Napatingin ako kay Yana. Naglalakad kami noon papunta sa classroom namin. "So, ikaw na ang itine-text niya sa umaga at hindi na ako?"

Natawa siya. Actually, kanina pa siya tawa nang tawa habang nakikipag-text kay Ate Jenna.

Tumawa na lang din ako. "Nakiki-Ate Jenna ka na rin ha."

"Syempre, sabi niya, twins daw tayo e."

"Siguro magdamag kayong magka-text, ano?"

Umarte siya na parang nag-iiisip. "Hmm... siguro hanggang 2 o'clock lang naman."

"E di napuyat ka?"

Natawa siya ulit. "Wala yun. Sanay akong mapuyat. Saka natutuwa akong ka-text si Ate Jenna."

"Ano naman kaya ang tine-text nyo?"

Tinitigan niya ako nang seryoso. "Ikaw." Pagkatapos ay tumawa siya ulit.

"Ano namang tungkol sa akin?"

"Noong bata ka raw, pinapaliguan ka niya..." Ibinitin niya ang sinasabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Pati yon?"

Lalo siyang natawa dahil sa reaksyon ko. "Tapos, noong bata ka raw, kapag natatakot ka, nagtatago ka raw sa..."

"Pati yon!"

Biglang yumakap sa braso ko si Yana. "Ito naman, kung maka-react..."

"YANA!"

Napalingon kami sa sumigaw.

Isang lalaki. Nakatayo sa likod namin. Nakasimangot. Malaki ang katawan.

"Nel?" sabi ni Yana sa lalaki.

"Sino yan?" pabulong na tanong ko sa kanya.

"Friend ko noong high school," sagot niya sa akin.

"Boyfriend mo?" tanong ng lalaki, nakatitig sa akin. Parang siga talaga. Ang laki pa ng boses.

Sumimangot si Yana. "Kakambal ko, bakit?"

"Hindi ako naniniwala," sabi ng lalaki. Parang gusto na niya akong sugurin.

Sa loob-loob ko, Ben, nasaan ka na?

"At bakit hindi ka naniniwala?" tanong ni Yana.

"Hindi kayo magkamukha." Pagkatapos ay biglang kumembot ang lalaki. "Kasi ang pogi-pogi niyaaaaaa!"

Ay sus!

Simple Heart 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon