Chapter 22: Outing

385 15 3
                                        

"Nandito na tayo!" sigaw ni Layla nang makarating kami sa resort na pinuntahan namin.

"Kalma ka lang, Pinsan," natatawang sabi ko sa kanya.

Bumaba kami ng sasakyan at pinagmasdan ang paligid. Ang ganda talaga ng lugar na iyon. Isa iyong private resort sa Tanay, Rizal. Pag-aari iyon ng mag-asawang kaibigan nina Mommy at Daddy. Ilang beses na rin akong napunta doon at talagang aliw na aliw ako kapag nandoon ako. Berdeng ang kapaligiran. Maraming punong namumunga. Malaki at malinis ang swimming pool. At masarap ang mga pagkain.

"Mike! Jules!" narining kong tawag ng mag-asawang naghihintay sa amin, sina Tito Tony at Tita Shy. Sabi ni Mommy at Daddy, kaibigan daw nila ang mag-asawa mula pa noong college sila. Negosyante si Tita Shy, samantalang assistant dean naman si Tito Tony sa Department of Physics sa U.P.

"Tony! Shy!"

Agad nakipagyakapan sina Mommy at Daddy sa mag-asawa nang makalapit kami.

"Kumusta na, J.M.?" tanong ni Tito Tony sa akin.

"Mabuti po," sagot ko naman.

"Teka, nasan si Jenna?" tanong ni Tita Shy.

"Susunod yun," sagot ni Mommy. "May pinuntahan lang."

"Ah, alam niya naman itong lugar na ito," sabi ni Tita Shy.

"Tara sa cottage nyo," alok ni Tito Tony.

"Sige," sagot naman namin.

Hinatid kami ng mag-asawa sa malaking cottage na malapit sa swimming pool. May nakahain nang pagkain sa mesa na nandoon at may cook pa sila na nag-iihaw ng barbecue sa di kalayuan. Pero hindi ko iyon pinansin.

Agad kaming tumakbo ni Layla papunta sa magkahiwalay na dressing rooms dala-dala ang mga damit-pampaligo namin. Ganoon kami lagi tuwing pumupunta kami doon, swimming muna bago kain.

Paglabas ko ng dressing room ay nag-aabang na si Layla sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang suot niya.

Naka-two piece siyang bikini na kulay pula at ang sexy niya.

Napalunok ako. Noon ko lang nakita ang katawan niya nang ganoon.

"Maganda ba?" tanong pa niya sa akin, nakangisi.

"Ang alin?" tanong ko, hindi makapag-isip.

"Itong nabili kong bikini. Ano pa ba?"

Napakamot ako ng ulo. "Ah, oo. Maganda."

Lalo akong natigilan nang dumikit siya sa akin at yumakap sa braso ko. "Sexy ba ako?"

"Oo," sagot ko na lang, pinipilit iwasan ang mga demonyo sa isip ko.

"Tara na," sabi niya.

"Sige."

Pagpunta namin sa pool, napansin kong napatitig din sina Mommy at Daddy kay Layla.

Sa loob-loob ko, ano kaya yung iniisip nila?

Ah, ewan, sabi ko na lang sa sarili ko. Agad akong tumalon sa tubig at lumangoy palayo.

"J.M.! Hintayin mo ko!" sigaw ni Layla sa akin.

Pagdating ko sa kabilang gilid ng pool ay nagpahinga ako. Malaki kasi ang pool na iyon, halos olympic size na, kaya medyo napagod ako.

Nagulat ako nang biglang bumaba si Layla sa tubig sa tabi ko. Hindi pala siya sumunod sa akin sa paglangoy. Naglakad siya paikot sa swimming pool at talagang tumabi sa akin.

"J.M. naman, nang-iiwan."

"Excited lang lumangoy," palusot ko.

"JAY-EEEMMMM!!!" narinig kong sigaw. Boses ni Yana.

Sabay pa kaming napalingon ni Layla. Pareho kaming nagulat.

Si Yana nga, kasama ni Ate Jenna. Mukhang siya ang dinaanan ni Ate kaya hindi sumabay sa amin.

Sa loob-loob ko, parte na ba si Yana ng pamilya? Pero natutuwa ako at nandoon siya.

"Istorbo," bulong naman ni Layla. Mahina iyon pero narinig ko.

Hindi ko na lang pinansin.

Agad lumapit si Yana sa amin. "Ang ganda dito, J.M.!" sabi niya, tuwang-tuwa. "Wow, Layla! Ang sexy mo!"

Natawa lang si Layla. "Ngayon lang ako nagsuot nang ganito, ano ka ba?"

"Wait lang ha, magbibihis ako!"

Tumakbo siya papunta sa cottage. Pinanood ko siya habang bumabati siya kina Mommy at Daddy. Pagkatapos noon ay nagpunta na siya sa dressing room, patakbo rin. Ilang sandali pa ay naka-bathing suit na siya. Kulay green na one piece.

Napalunok na naman ako. Hindi kasing-daring ng suot ni Layla ang suot niya, pero ang sexy niya pala.

"J.M., hintayin nyo ko diyan!" sigaw pa niya bago tumalon sa tubig.

Nilangoy niya ang kahabaan ng pool. Magaling siyang lumangoy. Halos hindi nagkakalayo ang bilis ng paglangoy naming dalawa.

Hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya.

Nakarating siya sa pwesto namin ni Layla. Pero sa halip na sa gilid ng pool niya ikapit ang kamay niya, sa balikat ko iyon humawak. "Wow, ang sarap!" sabi pa niya nang tumabi siya sa akin. Yumakap pa siya sa braso ko at idinikit ang katawan sa akin.

Nanigas ang katawan ko dahil doon.

"Kanina pa kayo?" tanong niya.

"Hindi. Kadarating lang." Si Layla ang sumagot.

Nginitian lang ni Yana si Layla. Pagkatapos ay hinaltak niya ang kamay ko. "Karera tayo, J.M.!" yaya niya.

Napangiti ako. Iyon ang masaya kapag kasama ko si Yana. Sumasabay siya sa akin kahit sa anong bagay, takbuhan man iyon, basketball, o iba pa. Pati pala sa paglangoy, sasabay pa rin siya. "Sige," sagot ko.

Napansin ko, nakasimangot si Layla. Hindi kasi siya marunong lumangoy.

Simple Heart 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon