Acquaintance Party ng Kalayaan Residence Hall.
Para sa maraming mga nakatira doon, isa iyong event para pumorma. Kaya tanghali pa lang ay namumrublema na ang marami kung ano ang isusuot nila.
Pero iba ang problema ng kaibigan kong si Dom.
"J.M., papano ba mawawala yung pagkamasungit ni Layla sa akin? Araw-araw na lang, kung hindi nakasimangot sa akin, nagtataray. Kung hindi nagtataray, sinisigawan ako."
Natawa lang ako sa problema niya. "Di ba sinabi ko na sa yo? Ayaw ni Layla sa taong maporma."
"E ano namang magagawa ko kung eto ako. This is me. Bakit ba hindi niya ako matanggap?"
Tinitigan ko siya nang seryoso. "Dom naman, ano bang mawawala sa pagkatao mo kung babawasan mo yang porma mo?"
Napatitig siya sa akin nang matagal, parang nag-iisip.
"Saka ayaw ni Layla ng mga taong bida nang bida sa usapan," dagdag ko. "Pwede mo namang pag-aralan yung humulity, di ba?"
Napabuntung-hininga siya. "Mahirap yata yun, Pare."
"Ikaw. Sabi mo ayaw mo na yung inuugali ni Layla sa yo. Binibigyan lang naman kita ng solusyon sa problema mo."
"Ibig mong sabihin, magsisimple ako saka magha-humble?"
Nag-thumbs up ako sa kanya. "Korek."
"Papano ba yung simple?"
"E di huwag kang poporma ko na mapapansin ka."
"E papano yung humble."
"Simple lang. Kapag kausap mo siya, isipin mo siya yung bida, hindi ikaw."
Pagsapit ng gabi ay nagsimula na nga ang party. Nakaporma ang lahat ng mga taga-dorm. Inilabas na yata nila ang pinakatatago nilang mga damit mula sa mga aparador nila.
Bilib na bilib naman ako sa ginawa ng event organizer sa social hall ng dorm. Dinekorasyunan talaga iyon at nagmukhang J.S. Prom ang lugar. Nasa mga gilid ang mga bonggang tables and chairs, at maluwang ang espasyo sa gitna na magsisilbing dance floor.
Nang magsimula na ang party, nagtipon-tipon kami sa isang sulok ng social hall. Kasama ko sina Dom, Ben, Layla, Yana, at siyempre, si Maya.
Pasimple ang mga titig ko kay Maya. Gandang-ganda ako sa kanya. Naka-light green siyang dress, sleeveless, at miniskirt ang ibaba. Kitang-kita doon ang hubog ng katawan niya.
"Huwag mo naman akong titigan, J.M.," bulong niya sa akin, nakangiti. "Baka matunaw ako."
Natawa ako sa sinabi niya. "Ang ganda mo naman kasi," sagot ko.
"Hindi naman," natatawang sabi niya. "Saka guwapo ka naman. Bagay na bagay sa yo yang suot mo."
Naka-slacks kami noon nina Ben at Dom. Polo shirt lang ang pang-itaas namin, pero may mga suot kaming blazer. Sa totoo lang, tone down na iyon kumpara sa mga porma namin kapag si Dom ang nagyayaya sa mga party. Pero syempre, may usapan kami. Simple and humble.
Napadako ang mga mata ko kay Layla. Nakatitig siya sa akin noong una, pero biglang tumabi sa kanya si Dom at napatingin siya dito. Himalang hindi siya sumimangot.
Naisip ko, behaved kasi si Dom kanina pa. Hindi nagyayabang. Hindi nangunguna sa usapan. Tahimik lang. Pangiti-ngiti at sumasakay lang sa usapan. Nakakapanibago talaga.
BINABASA MO ANG
Simple Heart 2
Teen FictionJM, youngest child of Mike and Jules, goes to college and experiences love for the first time, in three different angles...
