Lunes, unang araw ng pasukan. Naninibago pa ako nang pumasok ako sa unang class ko. Bagong school. Bagong crowd. Bagong classmates.
Wala akong kakilala.
Sa loob-loob ko, mukhang tama si Daddy. Kailangang matuto akong makisama sa ibang tao. Kung hindi, magiging loner ako dito.
Iilan pa lang ang mga kaklase ko sa room nang pumasok ako. Mas marami pang nakatambay sa labas. Mga five minutes pa kasi bago magsimula. Mabuti yon. Makakapili ako ng upuan. Maraming bakante sa may bintana.
Papunta pa lang ako sa napili kong pwesto ay napansin ko agad ang isang kaklase kong babae na nakatingin sa akin at nakangiti.
Napaisip tuloy ako. Kilala ko ba siya? Saan ko kaya siya nakita?
Morena siya, medyo maganda, may kahabaan ang buhok pero nakatali sa likod. Nakasuot siya ng maiksing khaki na shorts... kakulay ng pantalon ko... T-shirt na puti na may tatak na C.K... ganun din ang T-shirt ko... at sidewalk surfers na may tatak na Sanuk din?!!
Coincidence ba ito?
Umupo na lang ako sa napili kong upuan.
Bigla naman siyang tumayo mula sa upuan niya. Binitbit niya ang mga gamit niya at nakangiting lumapit sa akin. Doon siya umupo sa tabi ko.
"Hi!" bati niya.
"Hello..." Napatingin na naman ako sa suot niya.
Napansin niya siguro iyon kaya siya natawa. "Weird, ano? Pareho ng fashion sense?"
Natawa rin ako. "Oo nga yata."
"Taga-Kalayaan ka rin, di ba?"
Napatitig ako sa kanya. "Ikaw din?" tanong ko.
"Oo. Nakita kita kanina sa mess hall. Kahapon din."
Napatango na lang ako. "Sorry, hindi kita napansin."
"I'm Yana. Short for Diana Aquino. Buti naman may kaklase akong ka-dorm ko."
"I'm J.M., short for Julio Miguel Laroza."
Matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Anong course mo, J.M.?"
"Psychology. Ikaw?"
Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi nga?"
"Totoo. Bakit?"
Natawa siya. "Sobra namang coincidence ito. Psychology din ako. Don't tell me, baka magka-birthday pa tayo."
Naisip ko, imposible naman yun. Pero, sige nga, tingnan natin. "March 5 ako. Ikaw?"
Nanlaki na naman ang mga mata niya. "Wow, grabe naman yan!"
Bakit kaya? Magka-birthday ba kami? "Bakit? Anong grabe?"
"March 12 ang birthday ko!"
Ah, hindi naman pala kami magkabirthday. Natawa na lang ako. "Mas matanda ako sa yo. One week nga lang."
"Pero pareho tayong March. Pareho tayong Pisces. Pareho tayong Rooster sa Chinese zodiac. No wonder pareho yung fashion sense natin. Ano pa kaya ang pareho sa atin?"
Natawa ako sa mga sinabi niya. "Wow, pinag-aaralan mo pala yung astrology."
"Wala lang. Curious kasi ako sa mga people. Alam mo na, anong yung personality nila, how to deal with them..."
"Kaya ka kumuha ng psychology?"
"Yup! Pero actually, pre-med ko ito."
Nagulat ako sa sinabi niya. Natawa na lang ako at napailing.
"Bakit ganyan ang reaksyon mo?" tanong niya. "Huwag mong sabihing magdodoktor ka rin?"
Tumango ako. "Actually, oo."
Pabiro niya akong hinampas sa braso. "Baka naman niloloko mo na ako? Totoo?"
"Totoo. Talagang magdodoktor ako. Following the footsteps of my mom and dad."
Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga? Doktor yung mommy mo saka daddy mo?"
"Oo. At natutuwa ako sa work nila kaya gusto ko ring magdoktor."
Tinitigan niya ako. Huminga siya nang malalim. Napangiti siya nang ubod tamis. "Ang ganda naman ng araw ko. May nakilala akong very interesting person. Friends?" Inalok niya ang kamay niya.
Kinamayan ko agad iyon. "Friends..."
Siya namang pagdating ng prof namin. Nagpasukan na rin ang ibang kaklase namin na kanina pa nakatambay sa labas.
Wala naman kaming masyadong ginawa sa class. Namigay lang ng classcards. Nag-check ng attendance. Pinag-introduce ourselves kami. Sinabi kung ano yung textbook. Saka nagbigay ng reading assignment. First two chapters of the textbook agad! And prepare daw for a recitation next meeting! Ang tindi, ano?
"May book ka na?" tanong ni Yana sa akin noong tapos na yung class.
"Wala pa," sagot ko. "Meron ako, lumang edition. Book pa ng ate ko yun seven years ago."
"Seven years ago? Ganun kalayo ang agwat nyo ng ate mo?"
"Oo. Seven years. Long story yun. Saka ko na ikwento."
Napangiti siya. "Kelan mo balak bumili ng libro?"
"Ewan ko. Baka mamayang hapon na lang."
"May klase ka ba ngayon?"
"Wala. Mamaya pang 1 o'clock."
Lalo siyang napangiti. "Ako din, 1 o'clock pa. Tara, hanap tayo ng National Bookstore."
"Ngayon na?" tanong ko. Para kasing ang bilis ng mga pangyayari.
"Oo, ngayon na. Time is gold."
"May National sa Katipunan," sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinaltak ako. "Tara. Puntahan natin."
Napakamot na lang ako ng ulo ko. "Sige..."
Ang bilis nga ng mga pangyayari. Sa maiksing kwento, magkasama kami maghapon. Almost pareho kasi yung schedules namin. Sa tatlong subjects namin sa araw na iyon, magkaklase kami sa dalawa. Coincidence ba yun? Siguro. Medyo madalang mangyari iyon pero posible naman. Pareho kasi kami ng course.
"J.M..."
"Bakit, Yana?"
Naglalakad kami noon. Malapit na kaming makarating sa dorm.
"Sabay tayo pumasok bukas ha?"
"Sige. Magkita na lang tayo sa lobby. Eight o'clock?"
"Sige. Eight o'clock. Tapos sa Wednesday, sabay tayo sa P.E. ha?"
Napangiti ako. "Bakit sabay? Dapat karera tayo, di ba?"
Natawa siya. "Sige, karera tayo."
Bakit karera? Coincidence na naman yata pero pareho kasing track and field yung P.E. namin. At mukhang runner siya talaga. May pagka-solid kasi yung muscles niya sa hita at binti pero maganda pa rin naman yung shape.
Pagpasok namin sa dorm ay tinapik niya ang balikat ko. "Nice meeting you, J.M. See you later?"
"Oo naman," sabi ko na lang.
Bigla siyang napatingin sa isang girl na nakaupo sa sofa sa lobby. Nakayuko yung girl at malungkot na malungkot. May hawak itong cellphone at sunud-sunod ang pagte-text.
"Hi Maya," tawag ni Yana sa girl.
Inangat nung girl yung mukha niya at tiningnan si Yana. "Hi, Yana," bati niya, malungkot pa rin. Pero pagkatapos niyang batiin si Yana ay tiningnan niya naman ako.
Nagkatitigan kami.
Ang ganda niya. Para akong nakakita ng anghel.

BINABASA MO ANG
Simple Heart 2
Teen FictionJM, youngest child of Mike and Jules, goes to college and experiences love for the first time, in three different angles...