Chapter 10: Wishes

448 14 4
                                        

Katatapos lang naming kumain ng hapunan. As usual, nakatambay kami sa lobby ng dorm. Sige ang daldalan namin, tungkol sa mga subjects, tungkol sa mga prof, tungkol sa kung anong uso... Kahit ano basta makapagdaldalan lang.

Sa pinakadulo ng inuupuan naming sofa nandoon si Yana. Kanina pa siya tawa nang tawa habang nagte-text. Sigurado ako, si Ate Jenna ang ka-text niya. Talagang close na close na sila ni Ate.

"Sobra ka namang makatawa, Kambal," saway ko sa kanya. Kambal na ang tawagan namin. Siya ang nagsimula, mula nang sabihin ni Ate Jenna na baka raw kambal kami. Pinangatawanan na yata namin.

"E kasi naman, itong si Ate Jenna e," sagot niya, tawa pa rin nang tawa. "Patawa nang patawa."

Napangiti na lang ako. Naisip ko, nakasundo niya si Ate Jenna dahil siguro marami kaming pagkakapareho. Siyempre, love na love ako ng ate ko, kaya kung sinuman ang makaugali ko, siguradong makakasundo niya.

Napatingin naman ako kay Maya.

Abala rin siya sa pagte-text. Pero hindi kagaya ni Yana na halos sumakit na ang tiyan sa pagtawa, nakasimangot siya at parang papaiyak pa.

Naisip ko, siguro yung boyfriend na naman niya yung ka-text niya. "Maya, may problema ba?" tanong ko sa kanya.

Sumulyap lang siya sandali sa akin bago sumagot. "Hayaan mo na lang ako, J.M." Hindi siya ngumiti. Hindi rin nagbago ang facial expression niya.

Siyempre, concerned ako. "Pwede ba yun? Hayaan na lang kita?"

Umiling-iling siya, hindi na tumingin sa akin. "J.M., please..."

Huminga ako nang malalim. "Maya, kapag sad ka, sad din kami."

Tumingin si Maya sa iba. Gusto yatang siguruhin kung totoo ang sinasabi ko.

Agad namang nagseryoso ang mga kaibigan namin at tiningnan siya. Pati si Yana, tumigil sa pagtawa at umarteng malungkot.

Napangiti tuloy si Maya. Pero sandali lang ang ngiting iyon. Agad bumalik ang lungkot at ibinalik ang pansin sa pagte-text.

Lakas-loob, hinawakan ko siya sa kamay at hinaltak para tumayo. "Maya, tara..." Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan siya dadalhin. Basta pumasok lang sa isip ko na kailangang magbago ang atmosphere sa paligid niya at gagawin ko iyon.

"Ha?" angal niya. "Saan tayo pupunta?"

Tiningnan ko siya at nginitian. "Pasasayahin kita."

Lumabas kami ng dorm at naglakad-lakad. Tahimik noon ang gabi at maliwanag ang langit.

Tumingin ako sa itaas at itinuro ko sa kanya ang mga bituin. "Tingnan mo yung mga stars, nakangiti sila."

Tumingala rin siya. Gumuhit ang bahagyang ngiti sa kanyang mga labi.

"Ayan, para ka na ring star. Nakangiti ka na."

Lalo siyang napangiti. Tiningnan niya ako at yumakap sa braso ko. "Thank you, J.M.," sabi niya.

"Thank you saan?" painosente kong tanong.

"Dito sa paglabas natin. Sa stars. Sa pagpipilit mo na mapangiti ako."

Natuwa naman ako sa sinabi niya. "Ayoko kasing pumangit ka. Kapag nakasimangot ka lagi, papangit ka."

Natawa siya. "Kung papangit ba ako, friends pa rin tayo?"

"Oo naman. Kahit ano pang itsura mo."

Naglakad kami nang ganoon, nakayakap siya sa braso ko. Mukha namang nag-e-enjoy siya sa magagandang tanawin ng U.P. kapag gabi.

Simple Heart 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon