Chapter 26: Ulan

414 16 3
                                    

"J.M. tabi tayo..."

Napalingon ako sa kanya. Nandoon na naman siya sa pinto ng kuwarto ko.

Gabi na noon, alas onse na siguro.

"Layla, doon ka na lang sa kuwarto mo," sabi ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin pero tumayo lang siya sa tabi ko. "Sige na, J.M.," lambing niya. "Bakit ba ayaw mo?"

Sa totoo lang, ayoko siyang makatabi dahil baka maulit ang nangyari. Ayoko nang maulit ang naging halikan namin. Nagsisisi nga ako kung bakit nakipaghalikan ako sa kanya.

"Masikip," palusot ko na lang.

"Ang luwag-luwag kaya ng bed mo," sabi niya.

"Mainit."

"Maginaw naman a. Umuulan kaya sa labas."

Huminga ako nang malalim. "Basta ayoko."

"Sige, ganyan ka na," pagtatampo niya. "Nagdadamot ka na kahit birthday ko pa."

Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya matiis. "Sige na nga. Dito ka na." Umusog ako para bigyan siya ng espasyo.

Humiga siya agad sa tabi ko. "Thank you, J.M." Masaya na ang boses niya.

Tumagilid ako patalikod sa kanya. Iyon na lang ang naisip kong paraan para makaiwas sa kung anumang pwedeng mangyari.

Naramdaman ko na lang na yumakap siya sa akin.

"Huwag kang malikot, Lay," saway ko sa kanya. "Antok na ko."

"Yakap lang naman a," reklamo niya.

"Huwag mo kasi akong yakapin."

Narinig ko, napabuntung-hininga siya. "J.M., bakit ang cold mo na sa kin? Dati naman tayong natutulog nang magkatabi at magkayakap a."

"Bakit mo kasi ako hinalikan kanina?" sumbat ko sa kanya. "Alam mo namang magpinsan tayo. Palibhasa birthday mo, sinamantala mo naman."

"Humalik ka din naman a."

"Sinimulan mo kasi."

"Sana pumalag ka. Sana itinulak mo ko palayo."

Naisip ko, tama siya. Dapat pumalag ako. Pero sa halip na pumalag ako, humalik din ako sa kanya. Hindi ko na alam kung anong isasagot ko. "Ewan ko sa yo," sabi ko na lang.

Muli siyang bumuntung-hininga. "J.M., bakit ayaw mong humarap sa kin?"

"Ayokong makita ka."

Sandali siyang natigilan. "J.M., galit ka ba?" Medyo garalgal na ang boses niya.

"Oo."

Naramdaman ko, bumitaw siya mula sa pagkakayakap niya sa likod ko. Tapos, tumalikod siya. Maya-maya, narinig kong humihikbi siya.

Nalusaw agad ang lahat ng ginawa kong pagpapatigas sa puso ko. "Lay..." lambing ko sa kanya.

"Masama bang maging masaya sa piling mo?" sumbat niya habang umiiyak.

Niyakap ko siya. Bahala na. "Magpinsan tayo, Lay..."

"Oo na, mali na ako. Dapat hindi kita hinalikan. Dapat nagkasya na ko sa dating mga lambing mo. Baliw kasi ako. Matigas ang ulo. Malandi."

Simple Heart 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon