"Yana, babalik ka na ba sa dorm?" tanong ko sa kanya.
Katatapos lang ng P.E. namin at nagpapahinga kami. Medyo napagod din kasi kami kahit first meeting pa lang. Pero mas pagod yung iba naming kaklase. Mga hindi yata kasi sanay tumakbo. Ako, high school pa, tumatakbo na ako. Mas pinili ko lang ang basketball team kaya hindi ako naging varsity sa track and field.
Mukhang sanay na sanay din sa takbuhan si Yana. Sabay kami kanina noong tumakbo kami ng one mile. Nakipagkarera pa siya sa akin.
Nakakapagod pero masaya.
"May lakad ako e," sagot niya sa tanong ko. "Magkikita kami ng daddy ko sa Shangrila."
"Wow, sosyal a," biro ko sa kanya. "Shangrila, hindi Megamall."
Natawa siya. "Kasi may seminar sila sa Shangrila. Magkikita kami, kasi may binili daw siya para sa akin. Hindi ko pa nga alam kung ano. Surprise daw."
Natigil ang pagbibiro ko dahil sa sinabi niya. Ayoko namang sirain ang tender thoughts niya tungkol sa daddy niya. "So papano? Magta-taxi ka?"
"Oo. Mahirap mag-commute e."
"Samahan kita hanggang makasakay ka."
Nginitian niya ako. "Ang sweet mo naman. Thank you."
Sweet daw ako. Sa loob-loob ko, sana si Maya ang magsabi ng ganun.
Kinuha ko ang baon kong bote ng mineral water. Uminom ako. Uhaw na uhaw kasi ako.
"J.M..." tawag niya sa akin.
"Mmm...?" sagot ko lang. Umiinom pa kasi ako.
"May crush ka sa pinsan ko, ano?"
BBBSSSSHHH! Naibuga ko tuloy yung iniinom ko. "Ha?"
"Over kang mag-react a." Tawa siya nang tawa.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko, may crush ka sa pinsan ko, kay Maya."
"Huh! Wala a. Bakit mo naman nasabi yan?" Sinungaling, saway ko sa sarili ko.
"E, bakit ang ganda ng ngiti mo kapag nakikita mo siya?"
Nginitian ko siya nang ubod ng tamis kahit acting lang. "I'm smiling now at ikaw ang nakikita ko."
Natawa siya. Pagkatapos ay nanatiling nakangiti at tinitingnan ako. "Nakakatuwa ka talaga, J.M. Sige. I have to go." Tumayo na siya at binitbit ang bag niya.
Tumayo na rin ako. "Ako nang magdadala niyan," sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang bag niya.
Hindi naman siya tumanggi. "Thank you. Gentleman ka rin pala."
Natawa ako. "Matagal na. I learned from my dad."
Ilang sandali lang kaming naghintay sa waiting shed at may dumaan nang taxi. Pinara ko iyon para sa kanya.
"Bye, J.M.," sabi niya sa akin bago sumakay. "See you later."
"Ingat ka," sabi ko lang.
Sumakay na siya at umalis na ang taxi.
Naglakad na ako pabalik sa dorm.
Naisip ko, obvious bang may crush ako kay Maya? Halata rin kaya ni Maya? Kung halata niya, ano kayang iniisip niya tungkol sa akin? Sinasabi kaya niya sa boyfriend niya?
Pagdating ko sa dorm ay nakita ko na naman si Maya na nakaupo sa isang gilid, malungkot at nagte-text.
Nag-aaway na naman sila ng boyfriend niya? tanong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Simple Heart 2
Teen FictionJM, youngest child of Mike and Jules, goes to college and experiences love for the first time, in three different angles...
