"Sigurado ka, Dad, diyan sila nakatira?"
Sakay kami noon ng C.R.V. ni Daddy. Nakaparada kami sa tapat ng isang condominium sa Alabang.
"Oo. Sigurado ako," sagot niya sa akin. "Tara sa loob."
Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Pumasok kami sa condo.
"Good afternoon, Dr. Laroza," bati ng guwardiya kay Daddy.
"Good afternoon, Frank," sagot naman niya.
Nagtaka ako. "Kilala ka dito, Dad?" tanong ko sa kanya nang nasa loob na kami.
"Limang units ang pag-aari natin dito, J.M.," sagot niya. "Yung isa, yung kinapupwestuhan ng 7-Eleven sa harap."
Wow, sabi ko na lang sa sarili ko. Negosyo nga kasi ni Daddy ang mamili ng mga building units, pagkatapos ay ipinapaupa niya o ibinebenta sa mas mataas na presyo.
Sumakay kami ng elevator at lumabas kami sa fifteenth floor. Tinungo namin ang Unit 1505 at kumatok siya sa pinto.
"Sigurado kang dito sila nakatira, Dad?" tanong ko ulit.
Tumango siya. "Kilala ko lahat ng ahente sa building na ito, Anak. Pati lahat ng security guards. Madaling kumuha ng impormasyon kapag marami kang kilala."
Napangiti na lang ako. Ang tindi talaga ng daddy ko.
Bumukas ang pinto. Bumungad ang mommy ni Maya. Nagulat ako dahil agad siyang ngumiti kay Daddy. Ibang-iba ang dating niya. "Well, well, well... Look who's here..."
"Susan, I need to talk to you," sabi ni Daddy.
Nilingon ako ni Mrs. Aquino. "I know. Pero sana hindi mo na lang siya isinama. Para walang istorbo." Lumakad siya pabalik sa loob ng unit. "Tuloy kayo."
Pumasok kami. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid.
Maluwang ang condo na iyon, mas maluwang pa sa condo namin sa Ortigas. Sosyal ang pagkaka-decorate. Pangmayaman ang lahat ng furnitures at appliances sa loob.
Pero ang malungkot, wala doon si Maya. Wala kahit isang bakas.
"Huwag mo nang hanapin si Maya dito, J.M.," biglang sabi ni Mrs. Aquino sa akin. "Wala siya dito. Nandoon siya sa mga lola niya sa Quezon."
Quezon? tanong ko sa sarili ko. Ang layo naman noon...
"Upo kayo," alok niya sa amin. Kakaiba talaga ang aura niya. Para siyang nang-aakit. Para niyang inaakit si Daddy.
Umupo naman kami.
"Drinks?" tanong niya.
"Huwag na," sabi ni Daddy.
Umupo siya sa harap namin. Nagde-kwatro pa siya. Palibhasa naka-short shorts lang siya, lalong naging kapansin-pansin ang maputi at makinis na mga legs niya. "So, Mike... Long time no see..."
Tumango si Daddy. "Matagal na nga, Susan."
"Guwapo ka pa rin."
"Maganda ka pa rin. I want to say sorry, again."
Natawa si Mrs. Aquino. "Gaya ng sabi ko dati, sorry is not enough."
"Huwag mo namang idamay ang mga bata."
"Sorry, but that will be in your hands."
Nagtaka si Daddy. "What do you mean?"
Tiningnan ako ni Mrs. Aquino at saka siya ngumisi. "Kung gusto mong hayaan ko sina J.M. at Maya sa relasyon nila, pauwiin mo si J.M., and spend the night with me."
Nagsalubong ang kilay ni Daddy. "That's outrageous, Susan."
Natawa lang si Mrs. Aquino. "But I think that's a fair trade, Mike. My daughter's love for who knows how many years, kapalit ang isang gabing kapiling kita."
"I'm married, Susan," sabi ni Daddy.
"Married ka rin naman nung una tayong nag-date, remember?"
"Oo nga, pero hindi naging tayo noon."
Nagkibit-balikat siya. "Alam mo, Mike, simple lang naman ang request ko. Dapat nga, ikaw ang kapalit e. Pero I'm being considerate naman. Sa tingin mo ba, hindi papayag si Jules, kahit happiness ni J.M. ang pinag-uusapan dito?"
Umiling si Daddy. "Jules will understand, but she'll be hurt."
"I was hurt."
"Hindi si Jules ang may kasalanan why you got hurt."
"Oh, she is. I'm not talking about your time with Mayreen. I'm talking about the beginning, noong kasal ka pa kay Monique. I was flirting with you to get rid of her, remember? And we did get rid of her. Pero si Jules ang laman ng puso mo."
"Mahal ko si Jules. Mahal na mahal."
"And you never loved me, right?"
"I did."
"But it's nothing like what you feel for her, or Mayreen."
"I'm sorry."
Huminga si Mrs. Aquino nang malalim at ngumisi ulit. "So ano na? Will you make J.M. happy, or will you give him his first heartbreak?"
Napapikit si Daddy. Nakakunot ang noo niya. Naninigas ang bagang niya. Alam ko, nahihirapan siyang magdesisyon. Alam ko, nagpipigil lang siya pero gusto na niyang umalis.
"Well?"
Dumilat si Daddy at tinitigan si Mrs. Aquino. "Fine. Kung iyan lang ang paraan."
Biglang kumislap sa isip ko ang mga panahon na nakikita ko kung gaano kasaya sina Mommy at Daddy. Naglalambingan sila habang kumakain. Nagsasayaw sila nang napakalambing. Madalas din nilang ipinaparamdam sa isa't isa ang pagmamahal nila. Mga panakaw na halik. Mga yakap na mahigpit...
Ako ba ang sisira sa mga iyon?
Naalala ko rin, hindi sila ang unang naging mag-asawa. Nagkahiwalay sila ng matagal at nagpakasal sila sa iba. Matagal silang naghintay bago sila naging malaya para magmahalan ulit.
Sa loob-loob ko, kung totoong mahal ko si Maya, kakayanin ko rin siguro ang maghintay.
"J.M., tatawagan ko ang Tito Carlos mo para sunduin ka," malungkot na sabi ni Daddy.
"No, Dad," sagot ko. "Hindi ako papayag."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Mrs. Aquino.
Tinitigan naman ako ni Daddy nang seryoso. "Anak, wala nang ibang paraan," sabi niya.
"Meron, Dad. I can wait. Pwede pa kaming magkatuluyan ni Maya in the future, kapag mature na kami at nakakatayo na kami sa sarili namin."
Nakakunot ang noo ni Mrs. Aquino. "I'll make sure na hindi kayo magkakatuluyan, J.M. Irereto ko siya sa iba. Ipapakasal ko siya."
Para akong sinipa sa dibdib ng mga salitang iyon, pero pinilit kong maging matatag. "Excuse me po, Mam. Ang Mommy at Daddy ko po, nagkatuluyan sila kahit may mga first marriages sila. Kaya naniniwala po ako na pwede pa rin kaming magkatuluyan ni Maya kahit anong gawin nyo."
Tumayo si Mrs. Aquino at padabog na humakbang papunta sa pinto. "Then we have nothing to talk about! Leave, now, both of you!"
Sabay kaming tumayo ni Daddy.
"J.M..." sabi ni Daddy sa akin. Alam ko, concerned siya na masasaktan ako.
"It's okay, Dad. You and mom, walang katulad ang pagmamahalan nyo. Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkasira noon."
"Pero si Maya..."
Pinilit kong ngumiti. "Kung magiging kami, Dad, gusto ko katulad namin kayo, strong and tested."
Ngumiti siya at inakbayan ako. "Thank you. You're a very good son."
BINABASA MO ANG
Simple Heart 2
Novela JuvenilJM, youngest child of Mike and Jules, goes to college and experiences love for the first time, in three different angles...
