"Maya, this is J.M. Pareho kaming psychology at magkaklase kami sa lahat ng subjects."
Nagkatitigan ulit kami habang ini-introduce kami ni Yana sa isa't isa. Basang-basa ko sa mga mata niya na may problema siya. Obvious naman yun kahit hindi pa ako psychologist. Tapos, tuwing may darating na text sa cellphone niya, sasagutin niya agad.
"J.M., this is Maya. Pinsan ko and roommate."
"Hi," bati niya sa akin. Matabang ang dating noon pero parang sobra-sobra na para sa akin.
Sa loob-loob ko, tinitigan niya ako, narinig ko ang boses niya, at kahit pilit, nginitian niya ako.
Gusto ko sanang makipagdaldalan sa kanya pero naisip ko, baka malaki ang problema niya at makaabala lang ako. Saka nandoon naman si Yana. Baka may kailangan siyang pag-usapan na girl-to-girl.
Pero sa totoo lang, bigla lang kasi akong inatake ng hiya.
Hindi ko alam kung bakit.
"Sige," sabi ko na lang sa kanilang dalawa. "Pasok na ko sa room."
"Sige, J.M.," sagot ni Yana. "See you later."
Hindi ko inasahan na sasagot din si Maya.
"Sige, J.M."
Parang musika ang boses niya. Lalo na't binanggit niya ang pangalan ko.
Habang papunta ako sa kuwarto ko, parang lumulutang ako sa ere dahil sa tuwa.
Pagpasok ko ng kuwarto ay nandoon sina Dom at Ben, naglalaro ng chess.
"Pare!" bati agad ni Dom sa akin. "Kumusta ang first day mo?"
Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako at pinanood ang laro nila.
"Aba Pare, ang ganda ng ngiti natin a!" dagdag ni Dom. "Mukhang may magandang pangyayari a! Maganda ba?"
Napangiti ako lalo. Hindi mawala-wala si Maya sa isip ko.
Tinitigan niya ako...
Nginitian niya ako...
Sinabi niya ang pangalan ko...
"Hoy, J.M., anong nangyayari sa yo?" sita sa akin ni Ben.
"Pare, mukhang na-love struck ka a!" hirit naman ni Dom.
"Love struck?" Si Ben. "Huwag mong sabihing nakita mo na yung dream girl mo?"
Tumango ako kahit hindi ko maalis ang ngiti ko.
Nanlaki ang mga mata ng dalawang kausap ko.
"Hindi nga?" sabi ni Ben.
"Sino? Saan? Kailan? Papano?" Si Dom.
Nakakatuwa ang itsura nila noon. Para silang mga batang hinainan ng paborito nilang ice cream. Natataranta at hilong-talilong.
Ganoon na ba talaga ka-big deal sa kanila na makita ko yung dream girl ko?
"Sa lobby, Pare," sagot ko. "Maya ang pangalan niya. Ang ganda niya."
Agad nila akong hinawakan sa magkabilang kamay at hinaltak palabas ng kuwarto.
"Dali, J.M.!" sabi ni Dom. "Ipakilala mo sa amin!"
Natakot ako sa gusto nilang gawin. Gusto nilang ipakilala ko sa kanila si Maya kahit mukhang may problema si Maya? Ayoko nga.
Pumiglas ako at bumalik sa kuwarto. "Huwag na," sabi ko lang.
"Bakit naman?" tanong ni Ben.
"Ano ba kayo? Siyempre nakakahiya. Kakikilala ko lang e."
![](https://img.wattpad.com/cover/31072956-288-k980624.jpg)
BINABASA MO ANG
Simple Heart 2
Teen FictionJM, youngest child of Mike and Jules, goes to college and experiences love for the first time, in three different angles...