KABANATA III

179 9 0
                                    

DYOSANG SANDAWA AT MAGINDARA

Pagkadating ng tatlo sa ilog ay nagtampisaw kaagad ang dalawang babae, habang si Ethan ay naglakad patungo sa puno na abot tanaw lang ang dalawang naliligo at umakyat sa may sanga nito at doon tahimik na nagmamasid sa paligid.

"Wag kayong lumayo, okay. Dyan lang kayo sa malapit maligo. Ako naman ay doon lang sa may malaking puno maghihintay sa inyo. Tawagin niyo nalang ako kapag tapos na kayo para ako naman ang sunod na maliligo" sabi ni Ethan sa dalawa.

"Siya, sige na. Magtungo ka na dun sa may puno" pagtataboy ni Alleyah dito.

Habang naliligo ay nag-uusap ang dalawang babae.

"Ate Alleyah nais kong magbalik sa may batis mamaya. Gusto mo bang sumama?"

"At paano naman tayo makakalabas ng ating tulugan? Alam mo namang bantay-sarado tayo mamaya ng mga kasama natin" sambit ni Alleyah.

"Wag kang mag-alala ate, akong bahala" nakangising tugon ni Amihan.

"Naku-naku magpapasaway ka na naman, Amihan" natatawang sambit ni Alleyah dito. Nagsasabuyan sila ng tubig sa isa't-isa. Napupuno ng masasayang tawanan ang ilog.

"Maganda kasi talaga doon, ate. Para kang nasa ibang mundo. At nais ko ding alamin at makilala ang sinasabi nilang dyosa."

"Ano naman ang nais mong malaman, Amihan? At bakit nais mo silang makilala?" usisa ni Alleyah.

"Hindi ko din alam. May nag-uudyok lamang sa akin na sila ay makita. Aren't you curious about them?"

"Well...I'm curious also but..."

"No more buts. We'll go later."

Napailing si Alleyah sa tinuran ni Amihan. Wala talagang makakapigil dito. Dalangin niya lang sana na hindi sila mabisto ni Ethan mamaya.

Natapos maligo ang tatlo at nagbalik na sa kanilang pahingahan. Ang ibang kasama naman nila ay naligo din. Ang unang nakatokang magbantay ay sina Gabriel, Lucas at Elias. Nagkunwaring tulog naman ang dalawang babae sa tent. Nang dumaan ang ilang oras ay naghanda na sila para magpunta sa batis. Ginamit ni Amihan ang evictus para hindi sila mapansin ng kanilang mga gising na kasama sa labas. Napadpad sila sa ilog kung saan sila naligo kanina.

"So? Ano na ang sunod nating gagawin, Amihan? Kabisado mo pa ba ang lugar ng batis na yun?"

"Hmmmnnn. Oo naman ate. Kailangan lang nating makita ang palatandaan na aking iniwan ng sa gayon ay makarating tayo doon."

"Tandaan mo may tatlong oras lang tayo. Kaya kailangan nating magmadali bago tayo mabuko ni Ethan."

"Akong bahala, ate. Leave it to me" may kompyansang sambit nito.

"Okay. I trust you."

Nang mahanap ni Amihan ang mga palatandaan na kanyang iniwan ay sinundan lamang nila ito hanggang sa nakarating sila sa batis. Namangha naman si Alleyah sa nakitang ganda nito. Ang hindi nila alam ay nandoon din ang mag-inang dyosa, sina dyosang Sandawa at Magindara. Sinadya talaga ng mag-ina na hintayin ang dalawa.

"Sino kayo at ano ang inyong kailangan?" tanong ni dyosang Sandawa sa mga panauhin.

Nagulat naman ang dalawa sa nagsalita sa kanilang likuran. Mabilis silang lumingon dito. Nakita nila ang dalawang naggagandahang nilalang.

"Paumanhin kong kayo ay aming nagambala. Nais lang sana naming makilala ang mga dyosang nangangalaga dito sa kagubatan" mahinang sambit ni Amihan.

"At bakit nyo naman ninanais na kami ay makilala? At batid kong hindi kayo totoong mortal. Tama ba ako?" usisa ni dyosang Magindara.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon