ANG MAG-AMANG LIRA AT YBRAHIM
Maagang gumayak papuntang Lireo si Ybrahim at mga kaibigan nito. Tangan nila ay mga bagong pitas na prutas at bulaklak para sa anak. Ito na ang araw na ipapakilala siya kay diwani Lira bilang ama nito. Lubos ang kanyang panalangin na maging maganda ang kalabasan ng una nilang pagkikilala bilang mag-ama.
"Ybarro, ba't hindi ka yata mapakali riyan?" tanong ni Pako sa kanya.
"Pagkat ako'y kinakabahan sa mga mangyayari ngayon, Pako. Maraming mga sitwasyon ang pumapasok sa aking utak na..."
"Kaibigan, kumalma ka. Wag kang mag-isip ng kung ano-anu, maging positibo ka lamang. Walang mangyayaring masama pagkat alam nating lahat na hindi ito papahintulutang mangyari ng reyna. Manalig ka sa kanya, Ybarro."
"Tama si Pako, Ybarro. Alam nating lahat kung gaano kabuti ang reyna kaya paniguradong namana din ito ng iyong anak na si diwani Lira. At isa pa, ngayon ka pa ba mawawalan ng tiwala sa reyna gayong marami na siyang nagawang mabuti sayo?" tanong ni Wantuk sa kanya. "Noon pa man ay saksi tayong lahat sa mga nagawa ng reyna sa atin sapol nung mga paslit pa lamang tayo. May mga pagkakamali man siya ay ginagawa naman na niya ang lahat upang maituwid ito. Kaya ipayapa mo ang iyong kalooban, kaibigan. Magiging maayos din ang lahat" sambit ni Wantuk sabay tapik sa kanyang balikat.
Napahinahon naman dito si Ybarro. Buti na lamang at kasama niya ang mga matatalik na kaibigan.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Mahal na reyna, may nagkakagulo sa kabukiran natin. Nagkakagulo ang mga magsasaka" ulat ng isang kawal.
"At bakit sila nagkakagulo?" litong tanong ng reyna. "Nasaan si Muros? Nais ko siyang maka-usap. Papuntahin niyo siya sa akin ngayon din."
Pagkaalis ng mga kawal ay napa-upo ang reyna. Nag-iisip kung ano na naman ba itong kaguluhang nangyayari sa kanyang kaharian.
Pagkadating ni Muros ay kina-usap niya agad ito at isinugo papunta sa mga magsasaka upang magsaliksik ng mga pangyayari. Nais niyang malaman ang puno't dulo nito.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Ikaw ba ang may gawa ng kaguluhan na yan, Hagorn? Bakit sinusunog ng mga magsasaka ang kanilang mga pinaghirapan ng hindi man lang iniisip ang kakainin nila bukas?"
"Hindi ako magdaramdam sa iyong pagdududa mahal na prinsesa Lira. Alam kong pinaniwala ka ng iyong ina, ng iyong mga ashti na walang ibang gawain ang mga hathor kung hindi ang maging masama. Subalit sa iyong ikakapanatag ng iyong loob, hindi kaming mga hathor ang may gawa nito."
"Kung hindi mga hathor. Sinong gumawa nito?"
"Hindi ko din alam mahal na diwani. Hindi kaya napapagod na at nagsasawa na ang mga diwata sa pamumuno ng iyong ina? Nang humalili siya kay Minea ay wala siyang kaakibat na kaalaman sa pamumuno. At ang kanyang konseho ay mga nilalang na walang alam sa pagpapanatili ng kapayapaan. Lagi lamang silang naka-antabay sa susunod na laban sa susunod na digmaan."
"Walang masama sa pagiging handa, Hagorn. Isa pa isang mabuting pinuno ang aking ina. Kaya wala silang karapatan na gawin ito. Ginagawa ng aking ina ang lahat upang mapabuti ang lahat ng kanyang mga nasasakupan" may diing sambit ng diwani.
"Ngunit wala ring masama sa pagbabago. Baka ito ay palatandaan na kailangan na ng bagong pamumuno sa Lireo."
"Maaari ring isa itong patibong upang magkaroon ng kaguluhan dito sa kaharian upang mapaniwala at malinlang ang mga nakatira dito na kailangang ayusin ang mga bagay na hindi naman sira" may lamang sambit ng diwani kay Hagorn bago naglaho.
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantastikAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.