ANG KUTOB NG REYNA AT DANAYA
"Alira, napapansin mo ba ang mga kakaibang ikinikilos ng aking kapatid na si Pirena?"
"Hindi naman po, kamahalan. Sapagkat hindi ko naman siya nakikita o nakakasalamuha masyado dito sa palasyo. Bakit, natanong mo ito mahal na reyna?"
"Hindi ko alam ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa aking panganay na kapatid. Tila may itinatago siya sa akin. Isa pa, tutol siyang malaman ko ang katotohanan patungkol sa itim na diwata kagaya na lamang noong ninanais kong malaman ang katotohanan sa pagkawala ni Alena."
"Hindi malayong may pinanggagalingan ang kinatatakutan ni Pirena, kamahalan. Maging ako'y napapaisip sa mga kakaibang mga pangyayari dito sa kaharian. Hindi kaya't may kinalaman siya dito, mahal na reyna at natatakot siyang malaman mo ito? Gaya noon? Hindi ba't nagawa niya na ding magtaksil sa kaharian at sa inyo?" wika ni Alira sa reyna.
"Kung totoo nga ang iyong sapantaha, Alira. Mas matindi ang ating suliranin. Dahil ang ibig sabihin nito nasa loob ng palasyo ang ating kalaban. Subalit dalangin ko pa ding walang kinalaman si Pirena sa mga nangyayari dito sa palasyo pagkat ayoko ng maranasan muli na mawalan ng isa pang kapatid."
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
Nagsasanay sina Muros at ang ibang mga kawal ng bigla nalang dumating ang sanggre Danaya.
"Sanggre Danaya" sambit ni Muros at yumukod dito.
"Nais ko lamang na humingi ng paumanhin sayo, Muros."
"Walang anuman, mahal na sanggre. At nauunawaan ko din ang mashna dahil kapakanan din namin ang kanyang iniisip."
"Avisala eshma, Muros. Kay buti mo. Sana lamang ay makuha din iyan ng inyong mashna ang ganyang pag-uugali" sambit ni Danaya. "Maaari na kayong magbalik sa pag-eensayo."
Natawa naman si Muros pagka-alis ng sanggre.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Prinsipe! Prinsipe Asval!"
"Ano't nagbalik ka na? Nakilala mo na ba yung taong kinukuhanan ni Wahid ng mga sandata?"
"Hindi ko pa po siya nakikilala ngunit magugulat ka sa aking nakitang kasama ni Wahid kanina doon sa Ascano."
"Bakit? Sino ang nakita mong kasama ni Wahid?"
"Si Ybarro. Hindi mo totoong napaslang si Ybarro pagkat siya ay buhay. Kanina kitang-kita ko siya."
"Pashnea!" galit na wika ni Asval. "Hindi ito maaaring mangyari."
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
Nakapagpasya na si Ybarro na muling magbalik sa Lireo kasama ang mga kaibigang sina Wantuk at Pako.
"Nakakasigurado ka na ba talaga dito, Ybarro?" tanong ni Pako sa kaibigan.
"Oo, Pako. Panahon na nga siguro na ako'y magpakilala na sa lahat at sa tulong ng reyna ay mas mapapadali ito."
"Kung gayon ay tayo na at maglakbay papuntang Lireo" sambit ni Wantuk sa may sayang tinig. Nauna pa itong naglakad sa kanila.
Punong bulwagan...
"Anong mayroon at pinatawag mo kaming lahat, mahal na reyna?" tanong ni Danaya sa kapatid na hara.
"Pagkat may nais akong ipakilala sa lahat ng mamamayan ng Encantadia. Na tiyak kong ikakatuwa ng lahat" sambit ng reyna sa kapatid. Nanatili namang tahimik sina Amil at Pirena.
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantasyAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.