MGA NALILITONG PUSO AT DAMDAMIN
Malalim na ang gabi. Tanging ang liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa buong Encantadia. Nakatanglaw ang inang reyna sa gandang dulot nito sa kanyang silid. Malalim na nag-iisip.
"Mahal na inang reyna, ano't hindi pa kayo nahihimbing sa pagtulog?" takang tanong ni Ades.
"Pagkat hindi ako dinadalaw ng antok, Ades. Bumabagabag parin sakin ang mga inulat ni Hitano patungkol kay Alena. Hindi ko alam kung paano ko pa masosolusyunan ang mga suliranin ko sa aking mga anak. Natatakot akong maging gaya ni Pirena si Alena kung siya at ang mandirigmang kanyang iniibig ay aking paghihiwalayin" malungkot na sambit ni Minea. "At si Amihan, mapapagitnaan na naman dito ang reyna. Ang reyna na dapat pinapatupad ang batas, at ang gaya ni Alena na lumabag dito ay makakatanggap ng isang malaking kaparusahan. Ayokong muling mamili na naman si Amihan sa kung ano ang uunahin, ang pagiging kapatid o ang pagiging isang mabuting reyna."
"Inang reyna, noon paman ay nakikita ko na kung paano ka nagsakripisyo para sa nakakarami. Tinalikdan mo ang iyong pag-ibig alang-alang sa lahat. Inuna mong mabigyan ng isang masaya at payapang tirahan ang mga nilalang. Bawat pagpapasya mo ay sinusunod ng lahat pagkat alam naming magiging pantay ka at makatarungan. Ang pagiging isang pinuno ay may kaakibat na responsibilidad ngunit alam kong makakayanan ito ni Amihan. At nauunawaan ko ang iyong pag-aalinlangan sa pagpapasya para kay sanggre Alena dahil ikaw ay isang ina. Ngunit lahat ay may hangganan. Gaya nga ng iyong sabi, ang reyna ay dapat pantay at makatarungan. Ang ginawang paglabag ni sanggre Alena sa kaugalian ay isang kasalanan ngunit kung mayroon mang paraan na mapawalang sala ang sanggre ay nasa sayo ang pagpapasya. At isa pa, alam nating hindi kailanman magiging kagaya ni sanggre Pirena si sanggre Alena."
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
Masayang umaawit si Alena. Inaalala niya ang mga tagpo nila ng mandirigma. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa pagkat magkatipan na sila.
Pumasok sa kanyang silid sina Amihan at Danaya upang ibalita ang pagdadalang-diwata ng reyna. Masayang ipinakita ni Amihan kay Alena ang maningning na kulay asul sa kanyang palad.
"Kay gandang balita naman nito kung ganun, mahal na reyna. Binabati kita."
"Avisala eshma sa inyong dalawa Alena, Danaya. Nawa'y maging mabuti akong ina sa aking magiging anak. At nawa'y mabigay ko sa kanya ang pagmamahal at pag-aaruga na siyang nararapat."
"Wag kang mag-aalala, mahal na hara pagkat nandito lamang kami ni Alena para sayo at sa aming magiging hadia."
"Ngunit nais ko lamang malaman kung sino ang mapalad na enkantado na ama ng aming hadia, Amihan? Kilala ba natin siya? Makisig ba?"
Inalala naman ni Amihan ang enkantadong napanaginipan at hindi niya maiwasang mapangiti.
"Tunay siyang makisig, Alena. At sa totoo lamang ay hindi siya matanggal sa aking isip mula ng aking siyang napanaginipan. Sino kaya siya? Saan ko kaya siya matatagpuan."
"Bakit mo pa siya hahanapin, hara Amihan. Gayung hindi mo naman siya maaaring mapangasawa o mapakilala sa aming magiging hadia pagkat labag ito sa ating kautusan bilang isang sanggre."
"Danaya. Pwede bang kalimutan mo muna ang mga alituntunin dito sa Lireo. Total tayo lamang tatlo ang naririto at nag-uusap."
"Ngunit tama si Danaya, Alena. Hindi ko na dapat pang inalala ang enkantado. Ako'y isang reyna at ang aking anak ang siyang aking tagapagmana. Hindi na dapat ako maghangad na makilala pa siya."
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantasyAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.