PAGDATING NG SANGGRE AMIHAN SA LIREO
Kuta ng mga Mandirigma...
Pagsapit ng bagong umaga ay muling nagpasalamat sina Aquil sa mga mandirigma bago naglakbay pabalik ng Lireo dala ang wala paring malay na sanggre Amihan.
Nalungkot naman si Ybarro pagkat hindi man lang niya nakita at naka-usap sa huling sandali ang sanggre pagkat nahuli siya ng gising. Napansin naman ito ng kanyang ama.
"Ybarro, ano at tahimik ka dyan? Hindi mo ba nagustuhan ang ating pagkain ngayong araw?"
Si Wantuk at Pako naman ay napatingin din sa kaibigan. Napansin din nilang kanina pa hindi nakikisama sa kanilang usapan si Ybarro.
"Wala lamang ito, ama. May iniisip lamang ako."
"At ano naman ito?"
"Hindi ano, amo kung hindi sino" hindi mapigilang sabat ni Wantuk na agad namang siniko ni Pako. Minsan kasi hindi nito mapigilang ibuka ang bibig.
"Sino? At bakit?" naguguluhang wika ni Apitong.
Sasagot pa sana si Wantuk ng makita niya ang matalim na titig na ginawad sa kanya ni Ybarro. Hudyat ito na itikom na ang kanyang bibig. Mahina namang natawa si Pako. Alam niyang lagot na naman si Wantuk kay Ybarro mamaya. Kaya dapat ng magtago ang pilyong kaibigan.
"Nagbibiro lamang si Wantuk, ama" paglilihis ni Ybarro sa usapan. "Iniisip ko lamang kung saan tayo magkukutang muli. Hindi ba't sabi ninyong lilipat tayong muli dahil baka balikan tayo ng mga hathor."
Hindi man kumbinsido si Apitong sa sinagot ng anak ay may sapantaha na siya kung sino ang tinutukoy ni Wantuk. Nais man niyang pagsabihan ang anak-anakan na kalimutan na lamang ang batang sanggre ay wala naman siya sa katayuan nito. At alam niya ding mahirap supilin ang ganyang nararamdaman kaya hinayaan niya na lamang ito. Pasasaan ba at mawawala din ito sa pagdaan ng mga panahon.
Sa Hathoria...
"Dinala nina Aquil ang bata sa Lireo?" galit na tanong ni Hagorn kay Agane.
"Oo, panginoon. Patawarin mo ako. Hindi ko sila nahadlangan" sambit ni Agane habang nakayukod sa hari.
"Kung alam ko lang. Sinigurado ko ng napatay ko ang anak ni Raquim" galit parin na turan ng hari ng Hathoria.
"Wag kang mag-alala, panginoon. Babantayan ko si Amihan. Hindi ako makakapayag na maging hadlang siya sa mga plano natin" sabat ni Gurna na dama ni Pirena at nagpaalam para umalis na at magbalik sa Lireo. Isa siyang kalahating hathor at diwata na espiya mula sa Hathoria.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Ama!" nahihintakutang sambit ni Amihan pagkagising. Napansin niyang iba na ang suot niyang damit at nasa isang maganda siyang silid kaya tumayo siya. Nang biglang may nagsalita sa kanyang likod.
"Avisala, sanggre Amihan" sambit ni nunong Imaw. "Mabuti naman at nagkamalay ka na" dagdag pa nito. Nagulat naman si Amihan at nagsisisigaw sa nakita kaya ng makita niya ang tungkod nito ay kinuha niya ito at pinukpok ang kawawang Adamyan.
"Ahhhhhhh! Impakto! Impakto ka! Ahhhhhhhh! Tiyanak! Stay away from me! Stay away!" pagsisisigaw ni Amihan. Matapang si Amihan ngunit may takot din naman siya sa mga nilalang na bago pa niyang nakikita. Lalo na at kakaiba ang hitsura nito.
"Hindi ako tiyanak. Ssheda, sanggre. Isa akong pinuno ng mga Adamyan, si Imaw" todo iwas nito sa panghahampas ni Amihan.
"Adamyan? Imaw?" nalilitong tanong ni Amihan at tumigil narin sa paghampas sa kawawang Adamyan.
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantasiAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.