KABANATA XXIV

176 6 0
                                    

ANG KWENTO NI ADHARA

"Tapos na ang aking pagsubok, Arde. Ibalik mo na ako ng masimulan ko na ang aking paghihiganti" nasasabik na sambit ni Adhara.

"Magaling, Adhara. Natapos mo na ang iyong nandra. Puno na ngayon ang balaak ng mga kaluluwa ng mga nilalang na may gagampanan dapat sa kapalaran ng Encantadia" tuwang wika ng bathala. "Tapos na ang iyong paninilbihan sa akin. May katawang lupa ka ng muli. At magagawa mo na ang iyong nais na pabagsakin ang mga anak ni Minea."

"Ngunit anong nangyari sa kapangyarihan ko?" takang tanong ni Adhara.

"Hindi kasama sa ating kasunduan iyan, Adhara. Kung nais mong mabalik ang iyong kapangyarihan ay kunin mo ang iyong makapangyarihang lupig sa mga diwata."

"Pashnea!" galit na sambit ni Adhara. "Paano ko babawiin ang para sa akin kong wala akong kapangyarihan."

"Matalino ka, Adhara. Tuso. Nakakasigurado akong makakahanap ka ng paraan."

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

"Avoya! Avoya! Nais kong malaman ang mga mangyayari!" wika ng sinaunang reyna sa batis ng katotohanan. Nabuwal siya dahil sa nakitang nakakagimbal na pangyayari. "Hindi ito maaari. Tila nagbabago ang kinabukasan ng Encantadia. At ang lahat ay nasa panganib. Kailangan ng makabalik muli ang tunay na tagapagmana ng reyna."

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

"Yan ang makapangyarihang tungkod ni Adhara. Ang isa sa pinakamahusay na diwata sa kanyang panahon. Na nakalaban noon ng iyong i-la Minea, rehav Amil" wika ni Imaw sa bunsong anak ng reyna Amihan. Siya ay kasalukuyang tinuturuan ang rehav sa kasaysayan ng Encantadia. At naging paksa nila si Adhara.

"Bakit naman naging masama si Adhara, nunong Imaw? At bakit niya kinalaban ang aking i-la?"

"Dahil si Adhara ay nangangarap noon na maging reyna."

"Bago ang iyong i-la Minea, ang Lireo ay pinamumunuan ni reyna Demetria. Ngunit namatay ito na nag-iisa. Kaya inakala ni Adhara na bilang pamangkin ay siya ang kaisa-isang tagapagmana nito. Inakala niya na siya na ang magiging reyna. Ngunit nagkamali siya ng akala."

"Sa wakas mapapasakin ka na" nasisiyahang wika ni Adhara. Hahawakan niya sana ang korona ng bigla itong naglaho. "Anong nangyayari? Bakit naglaho ang korona?" naguguluhang sambit niya sa sarili.

Tirahan ni Cassiopeia...

"Tanggapin mo ang handog ko sayo, Cassiopeia" wika ni Imaw at binigay sa sinaunang reyna ang mga paneya at prutas na dala.

"Avisala eshma, Imaw. Hindi ka na sana nag-abala pa."

Lumitaw naman si Adhara na galit na galit.

"Cassiopeia" malakas nitong tawag kay Mata.

"Adhara, anong ginagawa mo rito?" mahinahong saad nito.

"Ikaw ba ang dahilan kung bakit naglaho ang korona ng aking ashti?"

"Ang koronang iyon ay minsan ng naging akin. Kaya sumusunod parin ito sa aking utos, Adhara."

"Wala kang karapatan sa pamumuhay namin sa Lireo. Ibalik mo sa akin ang korona dahil akin yun."

"Ssheda masne! May iba pang may karapatan sa korona!" giit ni Mata.

"At sinong may karapatan sa korona? Ikaw?"

"Si Minea. Ang tunay na anak ni Esmeralda."

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon