KABANATA IV

215 8 2
                                    

PAGKASAWI NG PRINSIPE RAQUIM

Araw ng pamamaalam...  

Isang tahimik na agahan ang bumungad sa mag-ama. Sadyang napakalungkot ng araw na yaon. Mugto ang mga mata ng iba. Hindi rin nakatulog ng maayos sa kakaisip ng mga mangyayari sa susunod na mga araw.

Lahat sila ang maghahatid sa mag-ama sa puno ng Asnamon. Sina Alleyah at Ethan ay kung anu-ano ang mga ibinilin kay Amihan. May mga bagay din silang pilit na pinadala kay Amihan ng sa gayun pag nalungkot ito at nangulila sa kanila ay may isang bagay na magpapaalala dito na hindi ito nag-iisa at kasama lang sila nito palagi.

"Amihan palagi mong isipin na andito lang kami para sayo. Laging maghihintay ng iyong pagbisita. Laging maghihintay na tawagin mo sa mga oras na kailangan mo ng karamay, sa mga oras na nahihirapan ka na at sa oras na sa tingin mo ay hindi mo na kaya. Wag mong kakalimutan ang mga bilin namin sayo" naluluhang sambit ni Alleyah.

"Isa pa lagi mong isipin na hinding-hindi kami mawawala sayo. Palagi mong isipin na may isa ka pang pamilyang mababalikan na handa kang tanggapin kahit kailan mo naisin" sabi naman ni Anisa, ina ni Alleyah.

"Kumain ka ng maayos dun. Wag kang magpapagutom. Kung namimiss mo ang pagkaing mortal o ang mga luto ko isugo mo lang ang mga kaibigan mong hayop papunta samin at ipapadala ko kaagad" pagpapatawa naman ni Choleng kahit na may luha ng pumapatak sa pisngi nito.

Napa-iyak naman na ng tuluyan si Amihan. Lumapit siya kina Anisa at Choleng at niyakap ang mga ito. Ito ang nagsilbing mga nanay niya na kahit kailan ay hindi siya pinabayaan. Minahal siya ng buong-buo at tinanggap ng walang pag-aalinlangan. Prinotektahan, inalagaan at tinuruan ng magandang asal.

Napa-iyak nalang ang mga lalaki sa nasaksihang tagpo. Lalong lalo na si Ethan, hindi lang ang itinuturing na kapatid ang aalis maging ang itinuring na ama na si Raquim ay aalis din. Mahirap mang isiping magkakalayo na sila ay batid niyang ito ang tamang gawin pagkat may mga tungkulin itong kailangan gampanan sa Encantadia.

Nang nasa lagusan na sila ay muling nagyakapan ang lahat.

"Mag-iingat kayo dun Ado/ Amihan" malungkot na sambit ni Ethan.

"Mag-iingat din kayo dito, Ethan. Alagaan mo at bantayan ang iba nating mga kasama dito. Alagaan mo din ang iyong sarili. At huwag mong kakalimutan na kahit tayo ay magkalayo hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo, anak. Palaging bukas ang aking mga bisig para sayo. Ei correi, anak" turan ni Raquim kay Ethan.

"Avisala eshma, Ado. Pangako ko sayo aalagaan at poprotektahan ko ang ating mga kasama dito. Ei correi, ama. Ei correi, Amihan."

"Ei correi, kuya Ethan. Ei correi sa inyong lahat" sambit ni Amihan sa huling pagkakataon bago pumasok sa lagusan.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ        

Nasa bungad na ng punong Asnamon sa Encantadia sina prinsipe Raquim at Amihan. Nalulungkot man sa kanilang paglisan sa nakagisnang mundo ay hindi rin maikukubli sa wangis ng mag-ama ang pagkasabik sa muling pagbabalik nila sa tunay na mundo. Sa pagbubukas ng lagusan ay naramdaman kaagad ni prinsipe Raquim ang nakaambang panganib kung kaya't pinaghanda niya si Amihan sa maaaring mangyari.

"Amihan, ihanda mo ang iyong sarili pagkat may mga vedalje tayong kailangang ipatumba" sambit ni Raquim sa anak habang nakahanda ang espadang arkrey sa mga kamay.

"Opo, ama" tugon naman ni Amihan bagama't nangangamba sa kanilang magiging kapalaran. Gamit ang kapangyarihan ng hangin ay nagpalabas siya ng sariling espada para sa pakikipaglaban.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon