KABANATA VIII

198 8 2
                                    

ANG MANDIRIGMANG SI YBARRO

Nagdaan ang mga taon, pagsasanay at pag-aaral sa mga batas at alituntunin ng Lireo ang ginagawa ng mga sanggre.

Ni minsan naman ay hindi nakalimutan ni Amihan ang pangako sa amang hanapin ang totoong tagapagmana ng yumaong hari ng Sapiro. Palagi niya na ding suot ang kwintas na may batong Lira na binigay sa kanya ng ama para mapangalagaan. Ito'y kanyang labis na pinaka-iingatan pagkat ang sabi ng kanyang ama ay magiging susi ito sa muling pagbangon ng kaharian ng Sapiro. Kaya hindi niya ito winawaglit sa kanyang leeg. Ang ikinalungkot lamang niya ay tuluyang nawala ang bigay sa kanya ni Lucas na kwintas.

Pagkatapos ng kanyang pagsasanay ay kinakausap niya ang mashna ng mga Sapiryan na si Alira Naswen upang makibalita sa ipinagawa niyang pagsisiyasat sa nawawalang tagapagmana. Hiniling niya din dito na sila lamang ang makakaalam sa kanilang ginagawa pagkat batid niyang tututulan ito ng reyna at baka ipatigil pa.

Palagi niya ding kinakausap ang mga kaibigang ibon upang makibalita sa pamilyang kanyang pinangungulilaan sa mundo ng mga mortal. Minsan din ay tumatakas siya sa palasyo upang puntahan ang lugar kung saan namatay ang ama para mag-alay ng bulaklak at dasal. Tuluyan na din siyang nawalan ng pag-asa na makikita ang mandirigmang tumulong sa kanya.

Sina Pirena, Alena at Danaya naman ay palaging laman ng silid aklatan pagkatapos ng kanilang pagsasanay. Lugar na kung saan may mga librong magpapabihasa sa kanila sa tamang paggamit ng kani-kanilang kapangyarihan. Hindi rin lumaon ay nakamtan din nila ang minimithi. Mas masasabi nilang, sila ay tunay na ngang ganap na isang sanggre.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

Sa silid tanggapan ng reyna ay nag-uusap sina Minea at Imaw tungkol sa nalalapit na paligsahan sa trono ng magiging bagong reyna ng Lireo.

"Batid kong sa mga araw na ito ako'y mamimili na ng hahalili sa aking mga anak" sambit ng reyna at biglang pinakita ang mga brilyante. "At ang mga magiging bagong tagapangalaga ng mga brilyante na ito" dagdag niya pa.

"Malalaman mo ang takdang sandaling yun pagkat darating ang mga senyales, mahal na reyna" sambit naman ni nunong Imaw.

"Nawa'y gabayan ako ni bathala upang mapili ko kung sino ang karapatdapat sa aking mga anak."

"Mangyayari yan Minea. Wag kang mag-alala pagkat batid ko kung sino man ang hahalili sayo, siya ay magiging mahusay ring reyna kagaya mo."

"Sana nga, nunong Imaw. Sana nga."

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

Sa dalampasigan, lugar kung saan nagsasanay ang mga sanggre sila ay nagkakasayahan pagkat muli nilang tinakasan ang menantre'ng si mashna Aquil.

"Saan kayo nanggaling mga mahal na sanggre?" naiinis na tanong ng mashna.

"Kami ay namasyal lamang gurong Aquil" sambit naman ni Alena sa mahinhing tono.

"Hindi ako natutuwa na tila masaya pa kayo na ako'y inyong sinusuway."

"Aquil, wag masyadong mainit ang ulo. Nagkakatuwaan lamang kami" sabat naman ni Danaya sa mashnang nagpipigil ng galit.

"Pwes! Hindi ako natutuwa. Lalo ka na, Danaya. Naaawa na ako sa iyong magiging kabiyak kong sakali. Sadyang kay sutil mo at kay tigas ng iyong ulo" asik ng mashna.

"Paumanhin, Aquil kung napainit namin ang iyong ulo. Hayaan mo at sa susunod hindi na namin uulitin ito" sambit muli ni Alena.

"Bakit ba kayo humihingi ng paumanhin sa kanya. Pinunong kawal lamang siya at tayo ay mga sanggre. Mas mataas padin ang ating katungkulan sa kanya" naiinis na sabat ni Pirena.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon