ANG LABANAN NI PIRENA AT AMIHAN
Ito ang araw na ikinababahala ng lahat. Ang araw kung saan maglalaban ang dalawang anak na sanggre ng reyna Minea para sa korona ng Lireo.
Silid ni Amihan...
Nakahanda na si Amihan at hinihintay na lamang niya na ipatawag siya ng reyna. Nakatayo siya sa may bintana ng kanyang silid. Nag-iisip. Nag-aalala.
"Bathalang Emre, tama ba itong aking gagawin? Tama bang kalabanin ko si Pirena? Tama bang ipaglaban ko ang tronong sa tingin ko ay hindi ako nararapat?" sambit ni Amihan sa isip. "Nawa ay gabayan niyo ako at si Pirena sa mangyayari ngayon."
"Sanggre Amihan" sambit ni Alira Naswen. Kasunod nito ang dama na si Lia.
"Alira, ano't ika'y naparito sa aking silid? May ulat ka na ba sa kanya?"
"Nais ko lang po sana kayong batiin, mahal na sanggre. At sa tanong po ninyo ay wala pa akong maiuulat. Sadyang kay hirap hanapin ang isang nilalang na matagal ng nawala ngunit wag kayong mag-aalala. Gagawin ko ang lahat makita lamang natin siya."
"Ganun ba" napabuntunghininga naman si Amihan. Naupo sa kanyang upuan sa silid. Lumapit si Lia sa kanya at sinuklay ang kanyang buhok. Tahimik lamang itong nakikinig sa dalawa. "Batiin? Para saan ang iyong pagbati, Alira?" tanong naman niya.
Lumapit ang mashna at hinawakan ang kamay ni Amihan. "Sa inyong pagkapanalo sa pagsubok ng reyna."
"Ngunit gaya nga ng aking sabi, ayokong maging reyna, Alira. Ito lamang ang magiging dahilan ng sigalot naming magkapatid. Ngayon pa lamang ay natatakot na ako sa mangyayari."
"Mahal na sanggre, hindi kaya ito'y senyales na nakatakda ka talaga sa korona ng inang reyna? Na mas nararapat ka dito. Alam ko'y ikaw ay labis na naguguluhan ngunit palagi mong isipin na nandito lamang ako para sayo at ang mga Sapiryan na tapat sayo. Kung ano man ang iyong magiging pasya ay maiintindihan namin. Marami ka ng nagawa para sa amin, kung kaya't ano ang iyong magiging desisyon ay susundin namin."
Napa-isip si Amihan sa tinuran ng mashna.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Ang batas patungkol sa hamon ay malinaw. Hangga't hindi tinatanggap nino man ang kanyang pagkatalo ay hindi ihihinto ang laban. Titigil lamang ito kung babawiin ang hamon" sambit ni mashna Aquil.
"Pirena, hindi natin kailangan na maglaban. Kaya i-dea nakikiusap ako sa iyo, itigil mo na ito" sambit ni Amihan.
"Hindi, Amihan. Dati pa man ay ikaw na ang malas sa aking buhay" galit na sambit ni Pirena. "Kunin mo ang iyong sandata at labanan mo ako, mang-aagaw."
Hindi man nais ni Amihan na labanan ang kapatid ay hindi naman ito titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto. Nagsimula na ang labanan nila. Nasugatan ni Amihan si Pirena sa braso. Nag-alala naman ito sa huli. Nais na sana niyang itigil ang laban ngunit matigas ang ulo ni Pirena at inatake ulit siya. Tanging pagsalag sa mga atake nito ang kanyang ginagawa pagkat ayaw na niyang masaktan muli ang kapatid.
Si Pirena ay humingi ng tulong mula sa brilyante ng apoy. At dahil dito ay nasugatan niya si Amihan. Nag-alala naman ang mga nakakita sa nangyari.
Labis-labis na takot ang nanirahan sa puso ng inang reyna para kay Amihan pagkat nakikita niyang hindi ito lumalaban sa kapatid.
"Tanggapin mo na ang pagkatalo mo. Sumuko ka na, Amihan."
"Amihan, huwag. Lumaban ka!" sabat ni Danaya.
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantasyAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.