PAGDADALANG – DIWATA NI AMIHAN AT PIRENA
Nagmulat na muli ng kanyang mga mata si Amihan.
"Mabuti naman at nagising na kayo mahal na reyna" masayang sambit ni Alira Naswen. Isang linggo ng tulog ang reyna. Lahat ay nangamba kung bakit ganito ang nangyari.
"Alira, masaya din akong ligtas ka. Ang ibang mga kawal, ang aking mga kapatid, maayos lamang ba sila?" nag-aalalang sambit ng reyna.
"Maayos lamang po ang ating mga kasama sa digmaan, mahal na reyna. May mga napaslang man ay hindi naman natin ito mapipigilan. Ang ikinaganda na lamang nito'y naipanalo natin ang laban. Hindi rin nauwe sa wala ang kanilang pagkapaslang. At isa pa, mahal na reyna isang linggo kang tulog. Lahat kami ay nag-alala."
Napasinghap naman si Amihan. "Si ina, alam niya na ba ang nangyari sa akin? Sa amin ni Pirena?"
"Opo, kamahalan" maingat na sambit ni Alira.
Napaayos naman ng upo si Amihan at tumangis. "Hindi ko na alam, Alira kung paano ko maiibalik si Pirena dito sa Lireo. Hindi ko inakalang magagawa niyang kumampi sa mga hathor. Sadyang kay laki na ng kanyang galit sa akin. Kung maaari ko lang sanang ibigay ang korona sa kanya ay ibibigay ko ito ng buong puso. Hindi niya na kailangang sumapi sa mga masasamang hathor na yun. Ngunit sa mga ipinakita niya ngayon ay lubos akong nasaktan pagkat ang tingin niya sa akin ay taksil. Mahal na mahal ko ang aking mga kapatid, Alira na kahit kasiyahan ko ay kaya kung isakripisyo makita ko lamang ang kanilang masasayang wangis" sambit ng reyna. "Ngunit bakit ganito? Bakit hindi maintindihan ni Pirena ang mga nangyayari? Hindi ko din naman ginusto ito, kusa na lamang itong napasaakin. Kasalanan ko ba talaga ang lahat, Alira? Kasalanan bang nagbalik pa ako dito sa Encantadia?" naluluhang tanong nito.
"Paumanhin mahal na reyna kung wala man lang akong magawa na maibsan ang inyong mga suliranin. Ngunit ito ang inyong pakakatandaan, wala kayong kasalanan kung bakit nagkakaganun ang inyong kapatid. Sadyang ka'y mapaglaro lang talaga ng tadhana sa kanya. At isa pa may pamimilian siya ngunit pinili niyang tahakin ang masalimuot na kapalaran. Kaya ipayapa mo ang iyong isipan. Wala kayong kasalanan."
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Ina" tawag ni Amihan sa inang reyna.
"Amihan, salamat anak at ikaw ay ligtas na" lumapit si Minea sa anak at dinampi ang palad sa pisngi nito.
"Ina, nais kong humingi ng tawad kung ako'y nasaktan. Hindi ako nararapat maging isang reyna" nahihiyang sambit ni Amihan.
"Ikaw ay nasugatan dahil sa pakikipaglaban mo. Dahil sa iyong tapang. Tapang na minana mo pa sa yumao mong ama. At nabalitaan ko din na ginawa mo ang lahat para mapangalagaan si Pirena. Kaya para sa akin, ikaw ang siyang dapat na tunay na magmay-ari ng aking korona" sambit ni Minea at niyakap ang anak.
"Avisala eshma, ina at nandito ka sa aking tabi upang payapain ang aking puso."
"Kahit na kailan man ay hindi ako mawawala sa iyong tabi, Amihan. Mawala man ako sa Encantadia ay mananatili ako sa iyong puso at isipan. Gagabayan kita sa abot ng aking makakaya. Ituturo ko sayo lahat ng mga nalalaman ko ng sa ganun ay mapanatili mong maayos at matiwasay ang ating kaharian at mga nasasakupan."
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Ama, napakaganda ng araw nato kaya batiin niyo ako" masayang wika ni Ybarro kay Apitong.
"Bakit, anak? Anong meron sa araw na ito at napakasaya mo?"
"Ybarro, may natagpuan ka bang kayamanan na nakatago sa Sapiro?" sabat naman ni Wantuk.
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantasyAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.