ANG PAGPAPALIT SA MGA DIWANI
Nagpunta ng Lireo si Ybarro upang maka-usap ang reyna. Umakyat siya mula sa azotea ng palasyo at nagtago. Nagmasid siya sa paligid kung may mga kawal at dama ang palakad-lakad ngunit nakita niya ang reyna na paparating kasama ng isang sanggol at mga dama nito.
Lumabas ng silid si Amihan kasama ang anak. Nagtungo siya sa azotea. Nabatid niyang may ibang nilalang sa lugar kung kaya't pinakuha niya muna kay Lia si Lira at ibinalik sa silid nito.
"Batid kung may ibang nilalang dito bukod sa akin. Magpakita ka" mahinahong wika ng reyna.
Lumabas sa pinagkukublian niya si Ybarro.
"Avisala, mahal na reyna."
"Ybarro? Ano ang kailangan mo? Paano ka nakapasok dito?" palinga-lingang sambit ng reyna.
"Nakalimutan mo na ba, na isa akong mandirigma. Na sanay manloob sa kung sino man dito sa Encantadia."
"Hindi nga nagkakamali ang mga haka-haka patungkol sa inyo. Ngunit, hindi naman marahil yan ang pakay mo kaya ka narito."
"Hindi nga iyon ang aking pakay, mahal na hara. Pagka't narito ako upang malaman kung sino ang ama ng iyong sanggol."
"Ano't ibig mo itong malaman, mandirigma?" kinakabahang sambit ni Amihan. Nalilito kung magsasabi ba siya ng totoo o hindi dito.
"Pagka't may nakapagsabi sa akin kung paano nabuo sa iyong sinapupunan ang sanggol na yun, mahal na reyna. At may napanaginipan ako nun tungkol sa ating dalawa. Hindi ko nais manggulo. Nais ko lamang malaman ang katotohanan."
"Ngunit ang pagpunta mo palang dito Ybarro ay panggugulo na. At isa pa, sino ka para tanungin ang isang reyna na gaya ko sa mga bagay na yan? Wala kang karapatan, mandirigma. Kaya makakaalis ka na" nakatalikod na sambit ng reyna. Hindi siya makaharap dito pagka't may namumuong luha sa kanyang mga mata na handang pumatak.
"Hindi ako maaaring umalis hangga't hindi ko alam ang katotohanan, kamahalan. Pagka't ayokong maging dahilan ito para magkalayo kami ni Alena" may bikig sa lalamunang wika ni Ybarro. Hindi niya alam ngunit tila isang lason ang nanulay sa kanyang bibig ng banggitin ang mga katagang iyon.
Pumatak ang luha ng reyna sa narinig. Hindi para sa kanya kundi para sa anak. Nais man niyang magsinungaling ay hindi niya magawa pagka't kay dami na ng kanyang suliranin at ayaw na niyang dumagdag pa ito. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at napalingon dito.
"Kung ganun, may katotohanan ang mga kutob mo, Ybarro."
"Ang ibig mong sabihin..."
"Nabuo ang aking anak sa ating panaginip. Ikaw ang ama ni Lira. Kaya sabihin mo sa akin, ano ang gagawin mo sa kaalamang ito? May magbabago ba? May magagawa ka ba?" pagpuputol nito sa sasabihin ng mandirigma. "Kay dami na ng aking inaalala, Ybarro. Isa na kayo ni Alena doon. Nais ko kayong maging masaya ngunit kalaban niyo ang batas naming mga sanggre. At ako na reyna ay walang pamimilian kung hindi sundin ito. Dumagdag pa na ikaw ang isinugo ng bathalang Emre na maging ama ng aking anak. Kaya tatanungin kita mandirigma, ano ang nais mong gawin ko, pagka't ubos na ang utak ko kakaisip ng solusyon sa ating tatlo" malumanay na wika ng reyna.
"Mahal na reyna..."
"Ybarro, alam kong nais niyong sumaya ni Alena ngunit sa puntong ito wala na akong magagawa pa. Kung kaya't binibigyan kita ng sarili mong pasya sa bagay na ito. Kung sana'y hindi na lamang ikaw ang ama ni Lira ay makakagawa pa ako ng solusyon sa pagitan niyo ni Alena" wika ng reyna. "Avisala meiste, mandirigma."
"Sandali lamang, Amihan. Nais kong masilayan man lang ang ating anak" wika ni Ybarro habang mabilis na nahawakan ang kamay ng reyna. Lumingon ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantasíaAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.