PAGBABALIK LOOB NI PIRENA SA LIREO
"Mahal na reyna, nandito na ang mga hathor" wika ng kakarating lang na si Aquil.
"Avisala eshma, Aquil."
Nilapitan ng reyna ang mga hathor na bihag. Isa-isa niya itong pinagmasdan.
"May mga katanungan lamang ako sa inyo mga hathor at kung masasagot niyo ito ay pakakawalan ko kayo. Ngunit kung hindi ko magustuhan ang inyong sagot ay pasensiyahan tayo pagkat mawawala kayo dito sa Encantadia" matalim na wika ni Amihan. "Ngayon magsimula tayo sa kung bakit kayo nasa Lireo? Ano ang inyong pakay?"
Nagkatinginan ang mga ito. Kinakausap ang isa't-isa.
"Sadyang kay tapat niyo kay Hagorn. Ngunit nasaan na ba ang inyong hari? Wala man lang siya'ng pakialam sa inyo. Ganyan ba ang nais niyong hari?" wika ni Amihan sa mga ito. "Wala parin bang magsasalita? Mukhang kailangan niyo ng isang halimbawa."
Gamit ang kanyang kapangyarihan, ginawa niyang yelo ang isang hathor. Tinulak niya ito at nabasag. Unti-unting naging hamog ito hanggang sa nawala.
Nagulat ang mga nakakita sa ginawa ng reyna. Mukhang sa mga hathor nito binubuhos ang galit sa pumatay sa inang reyna.
"Ngayon, hindi parin ba kayo magsasalita?" wika ng reyna habang nagliliwanag ang kanyang mga mata na ikinatakot ng mga ito. Lumamig din ang loob ng silid. Nagsimula ding magyelo ng ibang kasangkapan.
May isang hathor ang tumayo. Ibinunyag nito ang totoong pakay nila sa Lireo. Malalim na napa-isip ang reyna. Ngayon ay alam na niyang siya ang pakay ng mga ito at hindi ang ina. Ngunit palaisipan parin sa kanya kung sino ang isa pang nilalang.
"Aquil, pakawalan mo na sila" wika niya at umupo.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Danaya, maaari ba kitang maka-usap?" wika ni Alena.
"Ano ang kailangan mo, Alena?" tugon ni Danaya habang nakatalikod sa kapatid.
"Alam kong sinisisi mo ang iyong sarili sa nangyari ngunit..."
"Ssheda, Alena! Hindi mo alam kung gaano ako namumuhi sa aking sarili. Hindi mo alam ang sakit na nararamdaman ko ngayon pagkat makasarili ka. Kung hindi ako umalis ng Lireo, nandito pa sana si ina. Kung hindi ako pumayag sa nais mo, naprotektahan ko sana si ina. Nagamot ko sana siya. Kaya wag mong sabihin na hindi ko dapat sinisisi ang aking sarili pagkat alam natin ang totoo. Makasalanan na din ako. At nahihiya ako sa ating kapatid na si Amihan. Ginawa niya ang lahat na naging sanhi ng kanyang maagang panganganak na hindi naman dapat. Buti na lamang at naisilang niya ito ng maayos dahil kung hindi, hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may mangyari sa mag-ina."
"Danaya...nanghihinang wika ni Alena.
Dumating si Muros at ipinaalam sa kanilang hinahanap sila ng reyna at nais maka-usap. Malalim na napabuntong hininga si Danaya bago lumabas ng kanyang silid. Kasunod nito si Alena na tahimik sa kanyang tabi.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Mahal na hara, ipinatawag niyo po kami?" wika ni Alena. Napansin nilang tila mas malamig ang silid tanggapan nito.
"May mga katanungan lamang akong nais masagot, Alena. Maupo muna kayo ni Danaya."
Pagka-upo nila ni Danaya ay nilingon nila ang reyna. Mataman sila nitong tiningnan. Nabahala naman si Alena sa inaasta nito.
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantasyAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.