KABANATA XVII

181 6 0
                                    

ANG KANTAO AT ANG DYAMANTENG LIRA

"Ang gandang bata talaga niya, Dado. Ano kaya ang magandang ipangalan sa kanya?" 

"Tama ka, Amanda kay gandang sanggol...Ang mabuti pa ay Miracle Hope ang ipangalan natin sa kanya. Dahil siya ang pag-asa at milagrong nangyari sa atin."

"Miracle Hope, magandang pangalan para sa maganda nating anak. Bagay na bagay. At ang magiging palayaw niya ay Mila. Gusto mo ba yun, anak?" ngiting wika ni Amanda. Nilalaro niya ang sanggol at ito'y tumatawa na tila'y nasiyahan sa narinig.

"Tingnan mo Amanda tumatawa siya. Mukhang nagustuhan niya ang ipinangalan natin sa kanya."

"Kaya dapat lang na humingi tayo ng pasasalamat sa ating panginoon dahil biyaya siya sa atin."

Natuwa sina Muyak sa dalawang mortal pagkat mabuting tao ang nakakuha sa munting sanggre. Nagpasalamat rin sila sa kanilang bathala dahil kinatigan padin sila nito at hindi pinabayaan. Ang inaalala lamang nila ay kung paano sila muling makakabalik sa Encantadia. Dahil mukhang magtatagal pa sila dito. Ang magagawa na lamang nila ni Lia ay bantayan at gabayan ang alaga hanggang sa paglaki nito.

"Dado, tingnan mo ang kanyang kwintas. Kayganda. Mukhang galing ito sa mga magulang niya."

"Itago na lamang natin yan, Amanda. At sa tamang panahon ay muli nating ibigay sa kanya."

"Tama ka. Pagkat sa pakiwari ko ay mahalaga ito sa ating anak."

Gulat naman si Lia sa nakita. Ito ang kwintas na pinaka-iingatan ng mahal na reyna. 

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

Tinutugis ni Asval ang Sapiryang may alam sa kantao ng namayapang hari. Ito ay ang susi sa nawawalang kayamanan ng Sapiro na tanging ang anak lamang nito ang siyang tagapagpamana, si rehav Ybrahim.

Sa hilagang parte ng Lireo ay nagmamasid si Alira. Tinitiyak niyang walang mga gumagalang vedalje sa paligid. Pabalik na siya ng palasyo ng marinig niya ang mga masasakit na daing ng isang nilalang. Hinanap niya ito at nakita ang ginagawa ni Asval sa dating Sapiryang kawal.

"Asval, ano ang ginagawa niyo dito?"

"Alira Naswen, wag kang makialam dito. Kung ayaw mong masaktan."

"Hindi ako mangingiming makialam. Kung hindi kayo nanggugulo dito sa Lireo. Kaya bitiwan niyo ang Sapiryang yan" diing sambit ng dating mashna ng Sapiro.

Hindi nakinig ito at kinalaban siya. Malalakas ang bawat pag-atake nila. Walang gustong magpatalo. Magkasing lakas sila pagkat nagkakasama sila noon sa pag-eensayo sa Sapiro, mga panahong matayog pa ang kanilang gumuhong kaharian.

Humahangos na lumapit si Dagtum kay Asval.

"Umalis na tayo dito, Asval. Parating na ang mga kawal ng Lireo" naduduwag na wika ng kasamahan nito.

Napatingin naman si Asval sa paparating na mga kawal. Mabilis niyang kinuha ang mga armas at akmang tatakbo na. "Hanggang sa muli, Alira Naswen."

Nang makaalis sina Asval ay mabilis na dinaluhan ni Alira ang dating kapanalig. Akmang tatayo siya ng hinigit siya nito at may nais na ibulong sa kanya.

"Mash...na, avisala eshma sa pagtulong sa akin ngunit tingin ko ay babawian na din ako ng buhay ngunit bago iyon ay may dapat kang malaman. Nagnanais si Asval na makuha ang kantao ng dating Haring Armeo. Nasa panganib ang huling pag-asa ng Sapiro. Sana ay maunahan mo si Asval" paputol-putol na sambit ng kawal.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon