PAGKAMATAY NG REYNA MINEA AT PAGSILANG SA DALAWANG DIWANI
Sa silid ni Minea ay gumagawa siya ng liham para sa mga anak ng sa ganun ay kung mawala man siya ay may maiiwan siya sa mga ito. Binigay niya kay Ades ang para kay Pirena kung sakali man ay may mangyari sa kanyang masama.
"Siguraduhin mong makakarating yan kay Pirena, Ades. Nais kong makasama ang aking mga anak kahit man lang sa mga nalalabi ko pang buhay."
"Mahal na inang reyna, ano ba ang iyong mga pinagsasabi? Ako'y naguguluhan."
"Matagal na akong namalagi dito, Ades. At di natin alam ang mga mangyayari sa hinaharap" may kahulugang wika nito. Napanaginipan niya ang sinaunang reyna ng mga diwata, ang sabi nito ay may mangyayaring masama sa kanya na kikitil sa kanyang buhay.
"Masusunod po, mahal na inang reyna" wika ni Ades at lumabas sa silid nito.
Patungo na ng Hathoria si Ades ng makasalubong niya si Gurna.
"Ades, saan ang iyong tungo? Nagmamadali ka yata?"
"Magtutungo ako ng Hathoria upang magdala ng sulat para kay sanggre Pirena, Gurna. Kung kaya't ikaw na munang bahala dito hangga't hindi pa ako bumabalik."
"Sulat para kay Pirena? Ngunit para saan?"
"Wag ka ng magtanong pa, Gurna pagkat ako'y nagmamadali. Kaya sige na, pumaroon ka na sa silid ng inang reyna."
"Ades, kung iyong mamarapatin ay nais kung ako na mismo ang magdadala niyan kay Pirena. Pagkat sigurado akong hindi niya yan tatanggapin lalo na't may galit parin ito sa kanyang ina."
Napa-isip ang punong dama pagkat alam niyang tama ito. Siguradong ipagtatabuyan lamang siya ng dating alaga liban na lamang sa paborito nitong dama na si Gurna. Nag-aalangan man ay napatango na lamang siya. Nawa'y hindi siya magkamali sa gagawing pasya.
"Sige. Ngunit ipangako mong makakarating kay Pirena yan pagkat napakaimportante niyan sa inang reyna, Gurna. Humayo ka na."
"Masusunod, Ades."
Napangiti si Gurna sa tagumpay at nagtungo sa di kalayuang kagubatan. Hawak niya ang sulat.
"Sa tingin niyo ba talaga ay makukumbinsi niyo pa si Pirena? Mga hangal kayo kung ganun. Sisiguraduhin kong hindi na siya magbabalik loob pa sa inyo. At sisiguraduhin kong siya ang magiging reyna ng buong Encantadia." Itinago niya ang kalatas sa may malaking bato at nilagyan ng palatandaan.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
Nakita ni Danaya ang kapatid na si Alena habang ito'y nakatanaw lamang sa kawalan. Makikita mo dito ang kawalan ng buhay ng kanyang mga mata na dati ay punong-puno ng saya at kinang.
"Mahal na sanggre Danaya, bakit hindi niyo lapitan at kausapin si sanggre Alena?" wika ni Aquil.
"Hindi na, Aquil. Hayaan na muna natin siya. Dahil batid kung ang pagkikita lamang sa mandirigma ang makakapagpanumbalik sa kanyang saya. Isang bagay na hindi ko kayang gawin."
"Ngunit hindi ba kayo nag-aalala sa kanya? Matagal na ding ganyan ang sanggre Alena."
Lumingon si Danaya kay Aquil. Makikita mo sa mata ng sanggre ang lungkot.
"Matanong nga kita, Aquil. Kung ikaw ba ang nasa aking kinatatayuan maaatim mo bang labagin ang batas alang-alang sa ikakasaya ng iyong kapatid?"
"Bilang mashna ng Lireo ay tungkulin kung sundin ang ating batas. Ngunit kung ako man ay isa lamang simpleng enkantado, uunahin ko ang ikakasaya nito pagkat ayaw kong makagawa ito ng isang bagay na mas lalong ikakapahamak nito. Subalit ang suliranin ni sanggre Alena ay isang bagay na hindi ko kayang bigyan ng kasagutan pagkat kalaban niya ang batas na kahit kailan ay hindi mababali nino man."
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantasyAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.