KABANATA IX

211 7 0
                                    

PALIGSAHAN NG MGA SANGGRE

Nagsimula na ang paligsahan ng mga sanggre. Ipinakilala na din ang kanilang magiging katunggali. Isang diwatang nakasuot ng isang puting damit at may takip ang buong mukha. Nasa leeg nito ang susi na kailangang makuha ng mga sanggre upang hiranging bagong reyna ng Lireo at Encantadia.

"Sinisigurado kung matatalo ko siya" sambit ni Danaya.

"Ganun din ako. Kaya't humanda ka diwata pagkat sinisigurado ko ring hindi mo ako kakayanin" may ngiting sambit naman ni Pirena.

"Kilala ka ba namin?" sambit naman ni Amihan pagkat may nararamdaman siyang kakaiba rito. Para bang kilala niya ito kahit hindi pa naman niya ito nakasalamuha. Para bang kay gaan ng kanyang pakiramdam sa diwatang nasa kanilang harapan.

Nagulat man ang diwata sa tanong ni Amihan ay hindi niya ito ipinahalata bagkus ay napangiti siya pagkat nahihinuha niya na ang magiging kalalabasan ng pagsubok.

Nagsalitang muli si Pirena at tinawag si Alena. Habang si Amihan ay patuloy na pinagmamasdan ang diwata.

"Alena, ikaw ang unang lumaban sa kanya."

"Ako, i-dea Pirena?" naguluhang wika ni Alena.

"Bakit? Wag mong sabihing natatakot ka?"

"Walang kinatatakutan ang isang sanggre. Kaya humanda ka diwata at lalabanan kita."

Bigla namang naglaho ang diwata at si Alena.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

Balaak...

Pilit na tinatanong ni Adhara sa bathalang Arde ang kanyang muling pagbabalik sa Encantadia. Ipinangako naman sa kanya ng bathala nasa sandaling mamatay na ang diwatang sumumpa at pumaslang sa kanya ay muli siyang makakabalik sa Encantadia. Ang tinutukoy nito ay ang reyna na si Minea. Gusto mang padaliin ni Adhara ang nais ay hindi niya magagawa pagkat nasa bathala padin ng Balaak nakasalalay ang kanyang buhay. Kaya hihintayin niya ang sandaling sinasabi nito.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

Napadpad si Alena at ang diwatang kanyang makakalaban sa dalampasigan kung saan silang magkakapatid ay nagsasanay noon. Nagsimula namang umatake si Alena ngunit sinasalag lamang ito ng diwata. Hanggang sa nakuha nito ang kanyang sandata at natutukan siya ng sandata nito. Tinanghal namang natalo si Alena.

"Natalo si Alena" gulat na sambit ni Amihan. Habang si Pirena naman ay napangiti lang.

"Ako na ang susunod na makikipaglaban" sambit ni Danaya.

"Sigurado akong mas mabilis lamang ang labanan na ito dahil madali kang mapapatumba ng kalaban" mapang-uyam na sambit ni Pirena sa kanilang bunsong kapatid.

"Danaya, mag-iingat ka, hah" sambit naman ni Amihan sa bunsong kapatid bago ito naglaho.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

Si Alena ay nagbalik nasa punong bulwagan ng Lireo at naki-usap na magpapahinga na muna kasama sina Banak at Nakba. Nang kasama niya na ang mga Adamyan ay masaya niyang ibinalita dito ang hindi niya pagkapanalo sa pagsubok ng reyna.

Hindi napansin ni Alena ang mga nilalang na nakamasid sa kanila. Ito ay walang iba kundi ang magkakaibigang mandirigma na sina Wantuk, Pako at Ybarro.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon