KABANATA XI

229 6 0
                                    

DIGMAAN SA ENCANTADIA

Tuluyan ng umanib si Pirena sa amang hindi niya pa kilala. Nagplano silang kubkubin ang kaharian ng mga diwata. Si Pirena ang hinayaang mamuno ni Hagorn upang mapatunayan nito na karapatdapat itong maging kapanalig nila.

Sa silid ni Pirena ay naalala niya ang inang reyna. Kinuha niya ang kanyang espadang alab at tinitigan ito. Naalala niya kung paano binigay ito ng ina.

"Ito ay ang alab pagmamay-ari ito ng mga hathor. Nung mga panahong nakikiisa at kapanalig pa natin. Nais kong mapa-saiyo yan upang ako'y yung maalala kung sakali mang ako'y mabawian na ng buhay."

"Ina" nagagalak na sambit ni Pirena. "Napakagandang sandata. Avisala eshma, ina."

Ngumiti lamang sa kanya ang ina at sila ay nagyakap.

"Humanda kayo, ina. Amihan. Papaiyakin ko ang Lireo sa dami ng diwatang malalagas sa inyo. Pagsisisihan niyo ito."

Akmang papasok ng silid ni Pirena si Hagorn ng marinig ang sinambit nito. Siya ay nagalak sa nakikitang galit sa anak para sa mga diwata.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

Nalaman ni Amihan ang digmaang pinaghahandaan ng mga hathor mula sa mga kawal na kanyang isinugo na magmanman sa Hathoria. Pinahanda niya kay Muros ang kanilang hukbo sa digmaang mangyayari. Sasama naman sa kanya sina Alena at Danaya. Humingi din ang reyna mula kay Imaw ng isang basbas.

"Ilabas niyo ang inyong mga brilyante. Gagabayan kayo ng mga brilyanteng hawak niyo. At sa tulong nito dasal kong maging mahusay kayong mga tagapagtanggol ng Encantadia" sambit ni Imaw.

"Avisala eshma, nunong Imaw" sambit ni Danaya.

"Nawa'y dinggin ni bathalang Emre ang ating mga dasal" sambit naman ni Alena.

"Panahon na" sambit ni Amihan at naglaho. Nagpalit na sila ng kani-kanilang baluting pandigma.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

Nagtungo muli sa Lireo sina Ybarro, Wantuk at Pako. Umakto namang aatake ang mga kawal na nasa tarangkahan ng palasyo.

"Agape avi. Ngunit maaari ko bang malaman kung maayos ang kalagayan ng mga diwata dito sa Lireo."

"Bakit nagtatanong ka ng ganyan? Di mo ba alam na may nagaganap na digmaan sa pagitan ng mga diwata at mga hathor?" sambit ng isang kawal.

"Digmaan? Umalis na tayo dito, Ybarro. Wag na tayong sumali" wika ni Wantuk sa kaibigan.

"Si sanggre Alena, ano ang kanyang kalagayan? Maayos ba siya?" tanong ni Ybarro sa kawal.

"Hindi namin pwedeng sabihin kung nasaan ang mga sanggre. Kaya umalis na kayo" pagtataboy naman ng isang kawal.

"Avisala eshma mga kawal" turan ni Pako at hinila na palayo ang mga kaibigan.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

Nagtungo sa dalampasigan ng Lireo ang lahat ng hukbo na pinamumunuan ng reyna Amihan. Dito nila napiling tambangan ang mga hathor ng sa gayon ay hindi na umabot sa palasyo ang digmaan.

"Ito ang unang beses na pamumunuan ko ang ating hanay. Kaya hindi ko maaaring biguin ang Lireo. Mga kasama, mga diwata, mga Sapiryan, mga Adamyan at mga kapatid. Tulungan niyo akong puksain ang lahat ng mga masasamang hathor. Hasne Ivo Live, Encantadia!"

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon