ANG SANGGRE AMIHAN AT YBARRO
Sa Lireo...
Maagang nagsipag-gayak ang mga kawal na sasama sa paghahanap kay sanggre Amihan. Ang Mashna Aquil ay binigyan ng inang reyna ng isang maliit na tipak ng bato galing sa brilyante ng lupa at apoy ng sa gayun ay madali nilang mahanap ang batang sanggre gamit nito.
Nalaman ito ni Gurna kung kaya nagmadali itong nagpunta ng Hathoria.
"Aquil, nawa'y mahanap ninyo ang aking anak at maibalik sa Lireo. Tulungan nawa kayo ni bathalang Emre sa inyong paglalakbay" mahinang sambit ng reyna Minea sa papalayong mga kawal. Nasa kanyang tabi si nunong Imaw at ang punong dama na si Ades para samahan siya sa paghatid sa mga ito.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
Nagulat ang pinuno ng mga mandirigma na si Apitong ng may tangan na nilalang na sugatan ang kanyang anak-anakan na si Ybarro. Isinalaysay naman sa kanya nina Pako at Wantuk ang mga nangyari. Si Ybarro naman ay hindi maalis ang tingin ng madiskubreng babae ang nilalang na kanilang natagpuan. Pakiramdam niya ay sumaya ang kanyang corra noong makita niya ito sa may ilog kung saan sila ay napadaang magkakaibigan para mangalap ng makakain.
"Sino ka nga ba enkantada? Saan ka nagmula? Bakit kakaiba ang yung mga kasuotan? At bakit kakaiba ang tibok ng aking puso ng ikaw ay aking nasilayan?" piping tanong ni Ybarro kay Amihan na wala paring malay habang hinahaplos ang pisngi ng huli. Hindi niya pa nakikita ang buong wangis nito ngunit may hinala siyang sobrang ganda nito kahit may takip ang kalahati nitong mukha. Nais man niyang makita ang buong wangis nito ay para bang may pumipigil sa kanya kaya hindi niya nalang tinangka.
Nakita naman ng pinunong Apitong ang ginagawa ng anak-anakan sa enkantada. Hindi niya mawari kung bakit kakaiba ang kanyang naramdaman ng masilayan ang wangis nito. Para bang may kamukha ang enkantada ngunit di niya mabatid kung sino. Umalis muna siya at pinabayaan niya muna kay Ybarro ang enkantada pagkat tinawag niya ang magaling na manggagamot sa kanilang pangkat.
Pagkabalik ni Apitong kasama ng manggagamot ay pinalabas muna nila si Ybarro at kaagad nilunasan ang mga sugat na natamo ng enkantada. Ngunit biglang napahinto ang manggagamot ng makita ang palatandaan ng isang sanggre sa balat nito. Kaya agad niyang tinawag ang pansin ng pinuno. Pinakita niya dito ang palatandaan ng isang sanggre ng mga diwata. Nagulat man ang pinuno ng mga mandirigma ay pinagsabihan niya ang manggagamot na walang dapat makaalam ng impormasyong yaon.
Sa labas ng kubol kung saan nakahimlay ang enkantada ay patuloy na naghihintay si Ybarro sa balita ng manggamot kasama ang mga kaibigan.
"Ybarro, ano't hindi ka mapalagay dyan?" usisa ni Wantuk sa kaibigan.
"Wala lamang ito, Wantuk. Nag-aalala lamang ako sa enkantadang ating tinulungan" sagot ng mandirigma sa kaibigang matalik. Iniisip niyang mabuti kung bakit sadyang nag-aalala siya dito.
"At bakit naman Ybarro, hindi mo nga kilala ang enkantadang yun tapos labis na ang iyong pag-aalala" sambit naman ni Pako.
"Hindi kaya ay umiibig ka na, Ybarro?" tanong naman ni Wantuk.
"Ssheda, Wantuk! Kung ano-anu na naman ang iyong sinasambit. Napakarumi talaga ng iyong isip" sagot ni Ybarro sa kaibigan at binatukan ito. "Teka nga pala, nasaan ang espadang binigay ko sa inyo?" tanong nito.
"Ito naman. Nagtatanong lang, ehh" paawa pang sambit ni Wantuk. "Oh heto! Kayganda ng espada ng enkantada na yun, Ybarro. Batid kong mahal ito kong ipagbibili natin."
Binatukan na namang muli ni Ybarro ang kaibigan. "Ano ba Ybarro. Nakakasakit ka na ng damdamin, ahh. Ang bigat ng kamay mo." sambit ni Wantuk habang hinahaplos ang batok.
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantasyAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.