KABANATA II

237 8 1
                                    

SANCTUM PARADISE TRIP

Sa hapagkainan nina Amihan...

Masaya at kompletong naghahapunan ang mga mag-aanak. Nag-uusap-usap sila sa mga naganap sa buong linggo na hindi nila nakasama ang isa't-isa. Nang biglang nanghingi ng permiso si Alleyah kay Raquim para mamasyal kasama sina Amihan at Ethan sa kabilang bayan ng ilang araw. Pagkat nalaman niya sa isang kaklase na may magandang lugar doon na dinarayo dahil sa may misteryosong bumabalot dito.

"Aldo Raquim maaari po bang magpunta kami nina Amihan at Ethan sa kabilang bayan para mamasyal ng dalawang araw?" tanong ni Alleyah.

"Maaari naman, Alleyah. Ngunit dapat muna naming malaman kung saan ito at kung ligtas ba kayo doon."

Isinalaysay ni Alleyah ang naturang lugar. Ang kanilang mga magulang naman ay masinsinang nakinig. Habang sina Amihan at Ethan naman ay nagpaplano na sa kanilang mga gagawin at dadalhin pagkat sila ay sabik ding mamasyal sa napabalitaang lugar. Isa kasi ito sa mga libangan nilang magkakaibigan, ang magtravel at magcamping sa mga bulubundukin o kagubatan na naisin. Nang matapos isalaysay ni Alleyah ang mga dapat malaman ng kanilang mga magulang ay pumayag nadin ang mga ito. Naisip naman ni Ethan na isama ang kaibigang si Lucas ng sa gayon ay dalawa silang lalaki na magbabantay sa dalawang babae.

"Maraming salamat po sa pagpayag, Aldo" masayang sambit ni Alleyah.

"Walang anuman, Alleyah. Ang nais lang namin ay maging ligtas kayo sa mga lugar na inyong mga pinupuntahan. At mangako kayo na babantayan niyo ang isa't-isa" sambit ni Raquim sa tatlo.

"Pinapangako po namin Aldo, Ama" panabay na sambit ng tatlo. At masaya nilang tinapos ang hapunan.

Sa araw ng kanilang pag-alis ay madaming mga paalala na binigay ang kani-kanilang mga magulang lalong lalo na si Raquim kay Amihan at Ethan. Pinapayagan man nilang magliwaliw ang mga bata ng sila lang ay di nila nakakalimutan na paalalahanan ang mga ito. Nasanay na din sila na minsan ay may ganitong hinihinging pabor ang mga bata sa kanila. Ayaw nilang limitahan ang mga nais nitong malaman pa, lalong lalo na si Raquim kay Amihan. Kung dati ay mahigpit siya dito ngayon ay hindi na pagka't napag-isipan niyang hindi matututo si Amihan kung palagi niya itong pagbabawalan sa mga nais gawin. Nais niyang makita ang pagiging responsible nito sa mga kakaharaping sitwasyon, lalo na't nalalapit na ang kanilang muling pagbabalik sa Encantadia.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

"Damn! I think I just aged a lot from those hourds of fans you've attracted, Ami. Sobrang ganda mo talaga, baby sis" pagod na sambit ni Ethan na hindi mawari ang mukha sapagkat marami ang kanyang itinaboy para lang di makalapit kay Amihan. Nag animo'y isang kawal siya maprotektahan lamang ito kasama ang kaibigang si Lucas na kagaya rin niya ay di maipinta ang mukha at lukot ang damit dahil sa may nanghihila sa kanila. Nag-commute lang kasi sila at sumakay ng bus sa kagustuhan ng mga babae. At hindi nila inaasahan ang nangyari. 

"Agape avi, kuya Ethan. Sabi ko naman sa inyo na maari ko silang kausapin para lubayan na tayo kaso hindi kayo nakinig ni Lucas. Ayan tuloy para kayong ginahasa ng ilang bakla sa mga hitsura ninyo" hagikhik naman ni Amihan. Natatawa talaga siya sa nangyari sa nakakatandang kapatid na lalaki. Ayaw din kasing paawat. Pinanindigan talaga ang pagiging overprotective nito. Habang si Alleyah ay nagulat naman sa mga hitsura ng dalawang lalaki. Iniwan niya kasi sandali ang tatlo para bumili ng tickets nila para sa pagbyahe.

"What happen to your faces, Ethan and Lucas?" nalilitong natatawang tanong ni Alleyah sa mga kasamang lalaki. Hindi niya mawari kung matatawa o maaawa sa kalagayan ng dalawa. Lukot-lukot ang mga damit at ang mga buhok ay parang galing sa sabunutan.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon