KABANATA XXIII

158 4 0
                                    

ANG DIWANI LIRA

"Mahal na reyna, tila kay lalim ng inyong iniisip?" tanong ni nunong Imaw.

"Hindi ko alam ngunit ginugulo ako ng aking ivneshe, Imaw."

"Bakit? Tungkol saan ba ang iyong panaginip, mahal na reyna?"

"Tungkol sa isang mortal na dalaga na aking nakilala sa mundo ng mga tao. Hindi ko alam ngunit kay gaan ng aking puso sa kanya at para bang matagal ko na siyang kilala, nuno. Na hanggang ngayon ay hindi siya mawaglit sa aking isip na maging sa aking panaginip ay lumitaw siya."

"Kataka-taka nga niyan, mahal na reyna. Kung sana'y magamit ko na ang aking mahiwagang tungkod upang ika'y matulungan" malungkot na wika ni Imaw.

Walang makakapagpaliwanag kung ano ang nangyari sa mahiwagang balintataw ni Imaw. Kaya nahihirapan silang malaman ang ibang mga nangyayari sa Lireo.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

"Timepers! Wag mo akong sasaktan" sambit ni Mila habang nakataas ang mga kamay.

"Ssheda!"

"Ako ang nawawalang prinsesa ng Lireo. Ang anak ng reyna niyo" paliwanag niya dito.

"Ivi duo."

Tinangka ulit ni Pirena na saktan si Mila ngunit hindi ito nagtatagumpay. May pananggalang parin na nakapalibot dito. Sinubukan niyang magpakawala naman ng bolang apoy ngunit natupok lang din ng sanggain nito ng hangin.

"Pashnea! Esna musna gevata!"

"Well duhhh...Sino ka ba talaga! Bakit gusto mo akong patayin? Kung hindi mo sasabihin sa akin. Ako mismo ang pupunta ng Encantadia para malaman ang totoo. At sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang ginawa mo."

"Hindi ka na maaaring bumalik ng Encantadia."

"Subukan mo akong pigilan. Makikita mo ang hinahanap mo" hamon niya dito.

"Wala ka ng babalikan, Lira. Pagkat wala na ang Encantadia mo" sambit ni Pirena bago naglaho.

"Wala na ang Encantadia? Ako ba ang niloloko ng bruhang yon? Kalerke siya, ahh. Ano tingin niya sakin, bopols? Ehh san siya galing?" mahina niyang sambit sa sarili.

Ginamit niya ang ivictus at lumitaw sa bahay nila. Hinanap niya sina Lia at Muyak.

"Muyak! Lia! Yuhoo!" tawag niya sa mga kaibigan. Nagtungo siya sa kusina nila at uminom ng tubig.

"Mila, anong nangyari sayo?" takang tanong ni Lia.

"Napano ka mahal na prinsesa?" nag-alalang tanong naman ni Muyak. Nakita nilang gusot-gusot ang damit nito.

"Kaloka! Muntik na kong maging chicken barbeque kanina" sambit niya sabay sandal sa mesa. Pinaypayan pa ang sarili.

"Ano!" sabay na sambit nina Muyak at Lia sa malakas na boses. Sa tagal nilang namalagi sa mundo ng mga tao ay naiintindihan na nila ang kakaiba nitong lenggwahe, lalong-lalo na ang pagsasalita ni Mila.

"Oo, nga. Hindi kayo makapaniwala. Pwes ako din. May enkantadang lumabas sa lagusan. Tapos pinagtangkaan niya ang buhay ko. Muntik na niya akong mapatay. Buti nalang ginamit ko yung powers ko sa kanya. Hindi ko siya kilala pero galit na galit siya sa akin" pagsasalaysay niya sa mga ito.

Naalala naman nina Muyak at Lia si Pirena. At kung paano nito iniwan ang kawawang sanggol na si Lira sa mundo ng mga tao.

"Si Pirena. Siya lamang ang makakagawa nun sayo. At nakakatiyak akong siya na naman ang nagtangka sa buhay mo, Mila" sambit ni Muyak.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon