KABANATA VII

205 8 0
                                    

KAPAHAMAKAN NG MGA SANGGRE

Habang nagkukwentuhan ang tatlong sanggre na sina Amihan, Alena at Danaya sa hardin ng palasyo ay biglang dumating si Pirena na may dalang mga magagandang bulaklak. Binigay niya ito kay Amihan tanda ng pagtanggap niya dito. Tinanggap naman ito ni Amihan at niyakap ang kapatid. Ito ang tagpo na labis nagpasiya sa reyna ng mga diwata.

Dito nagsimula ang pagkakaisa ng magkakapatid na sanggre. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay pakitang-tao lamang ito ni Pirena ng sa gayon ay masiyahan ang kanyang ina sa kanya at purihin siya nito.

"Pirena, ano ang iyong ginagawa?" pagalit na tanong ng dama na si Gurna.

"Bakit ka nagpapakita ng kabutihan sa bago mong kapatid? Kapatid na batid mong magiging mahigpit mong karibal sa trono ng iyong ina?"

"Ano? Nagpapatawa ka yata, Gurna. Ginagawa ko lamang ito para sa aking ina ng sa gayon ay masiyahan siya sa akin at paboran ako. Kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang Amihan na yan. Kaya magdahan-dahan ka sa iyong pananalita" pagalit na sambit ni Pirena sa dama.

"Agape avi, sanggre Pirena. Ang buong akala ko lamang ay lumalambot na talaga ang iyong puso para sa iyong mga kapatid."

"Ito ang iyong pakakatandaan, Gurna ako ang magiging reyna ng Lireo at hindi ang isa sa aking mga kapatid."

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

Nagkakatuwaan at nagtatawanan ang magkakapatid. Inaayusan nila ang isa't-isa ng parang isang reyna.

"Ayan ang ganda mo na, Alena" sambit ni Amihan habang inaayos ang palamuti sa mukha ni Alena. Tumingin naman sina Pirena at Danaya dito.

"Oo nga, Alena ang ganda mo" tugon naman nina Pirena at Danaya.

"Ay teka, may kulang pa dyan" may kinuha si Amihan na koronang bulaklak at nilagay sa ulo ni Alena. "Ayan, tama na yan. Mukha ka ng isang reyna, Alena."

"Ngunit ayokong maging isang reyna, Amihan. Nais ko lamang maging isang pangkaraniwang diwata ng sa gayon ay malaya kong mahalin at makakasama ang ama ng aking magiging anak. Ayokong matulad ni ina at ng iyong ama. Hindi sila naging magkabiyak pagkat ang isang reyna ay bawal magkaroon ng makakasama, ang siyang magiging kabiyak ng isang reyna ay ang kaharian lamang" sambit ni Alena na may ningning sa mga mata.

Napansin naman ni Alena ang pagkalungkot ni Amihan sa narinig mula sa kanya.

"Patawarin mo ako, Amihan hindi ko sinasadyang banggitin ang iyong ama."

"Naiintindihan kita, Alena. Ngunit alam niyo bang tuwing sumasagi sa aking isip ang aking ama ay hindi ang masasayang sandali namin ang aking mga naaalala kundi iyong pagkamatay niya. Malinaw na malinaw pa sa aking isipan kung paano siya pinatay ni Hagorn" sambit ni Amihan na may lungkot sa mga mata.

"Wag ka ng malungkot, Amihan." Kinuha ni Alena ang korona at nilagay sa ulo nito. "Ayan. Bagay din sayo ang maging isang reyna, i-dea."

Natuwa man sa ginawa ni Alena ay kinuha din ni Amihan ang koronang bulaklak at nilagay sa ulo ni Pirena. Nagulat naman ang tatlo sa ginawa nito.

"Avisala eshma, Alena sa iyong mga sinabi ngunit hindi naman ako naghahangad na maging isang reyna ng Encantadia o ng isang kaharian. Sapat na sa akin na kasama ko kayo at si ina. Ang nais ko lamang ay muling maitaguyod ang kaharian kung saan nagmula ang aking ama at hanapin ang tunay na tagapagmana nito ng sa gayon ay muling babangon ang kahariang nilimot na ng panahon" may ngiting turan ni Amihan sa mga kapatid. "At isa pa sa mundo ng mga tao ay may napanood akong isang palabas na tanging ang panganay lamang na anak ang siyang maaaring maging tagapagmana ng trono ng isang kaharian. Ngunit gayon paman ay naniniwala akong magiging isang mabuting pinuno ang isa sa atin."

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon