KAARAWAN NG MGA DIWANI AT SI YBRAHIM
"Kawal, nais ko lamang malaman kung natutulog na ang aking hadia?"
"Wala po dito ang mahal na diwani, sanggre Pirena. Naroon po siya sa silid ng mahal na reyna. Doon po matutulog si diwani Lira."
"Ganun ba. Salamat."
Galit na umalis si Pirena. Galit siya sa kanyang sitwasyong umaamot siya ng kaunting oras sa kanyang anak.
Nagpunta siya sa silid ni Amihan upang silipin ang anak. Nakita niya ang kapatid kung paano haplos-haplosin ang mukha ng anak na nakangiti. Kung kaya't umalis na lamang siya. Nagkasalubong naman sila ng kanyang dama.
"Naninibugho ka ba kay Amihan dahil doon na naman tumabi matulog ang iyong anak?" wika ni Gurna.
"Ssheda, Gurna. Wag ka ng dumagdag pa" galit niyang wika at nagtungo sa kanyang silid.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
Sa araw na pinakahihintay ng lahat ay masaya nilang idinaos ang kaarawan ng sanggre Lira sa palasyo.
"Hasne Ivo Live, sanggre Lira!" masayang sambit ng lahat.
"Binabati kita, anak" ngiting wika ng reyna habang yakap ang diwani.
Sumunod naman sa pagbati ang mga sanggre.
"Sabik na sabik po siyang ipagdiwang ang araw na ito mga sanggre" wika ni Ades.
"Kami man ay sabik din Ades" wika ng reyna.
Isa-isang nag-alay ng kani-kanilang handog ang mga sanggre sa munting diwani. Hindi din mawaglit ang labis na kaligayahan nito. Lubos ang kanyang pasasalamat sa ina at sa mga ashti.
"Ito ang pinakamagandang kaarawan ko" puno ng tuwa't galak na sambit ni Lira.
"Ngunit Lira hindi lamang iyan ang iyong matatanggap. Meron pa. Pagkat ngayon ang nakatakda na dumaan ka sa iyong pagbabanyuhay" wika ni Amihan.
"Banyuhay?" nalilitong sambit ng diwani.
"Kung saan ipamamalas mo na ang iyong unang kapangyarihan" wika ni Danaya.
"Kapangyarihang meron tayong mga sanggre. Nalilitaw ngayong kaarawan mo" wika ni Alena.
"Handa ka na bang tanggapin ito, anak?"
"Opo, ina."
"Kung gayun ay simulan na natin."
Binasbasan ng mga sanggre ang diwani. At ng makamtan nito ang kapangyarihan ng ivictus ay nagalak ang lahat. Ngunit sa kabila nito ay tila may kulang sa puso ng hara. May hinahanap siya na hindi niya alam.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
Sa mga nagdaang taon ay umasenso ang pamumuhay ng mag-asawa. Si Mila ay lumalaking mabait at mapagmahal na anak. Matulungin din sa mga nangangailangan na ipinagpapasalamat ng mga magulang. Tunay ngang biyaya siya sa mga ito.
Si Lia ay namamasukang kasambahay ng mga ito at si Muyak ang palaging kasa-kasama ng diwani.
"Mabuti nalang at nakakapagsimba parin tayo tuwing linggo, mahal. Kaya ikaw Mila dapat na manahin mo din ito, maliwanag ba anak? Lagi ka dapat malapit sa ating panginoon. Para lahat ng blessings ay mapupunta sayo."
"Opo, Papu. Lagi ko po yang tatandaan."
"Mabuti kung gayun, anak ng sa ganun ay kasiyahan ka ni Papa Jesus. Gusto mo ba yun?"
![](https://img.wattpad.com/cover/246065305-288-k108633.jpg)
BINABASA MO ANG
Till I Met You
خيال (فانتازيا)Ano ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.