KABANATA XXV

212 8 11
                                    

PAGBABALIK NI YBARRO SA KUTA NG MGA MANDIRIGMA

Nagsasanay sina Danaya at Aquil sa may hardin ng palasyo.

"Estasectu!" wika ni Aquil. "Sugod!"

Umatake naman kaagad si Danaya at iniilagan naman ng mashna ang mga pag-atake nito.

"Mahusay sanggre Danaya. Mukhang natalo mo na naman ako" ngiting wika ni Aquil ng matutukan siya ng balangis ng sanggre habang ang kanyang espadang hirada ay napasa-kamay nito.

"Pakiramdam ko Aquil pinapapanalo mo lamang ako" pagsusungit ng sanggre habang binabalik ang espada sa mashna.

"Bakit ko naman gagawin yun" natatawang sambit muli ng mashna.

Muli silang nagbalik sa paglalaban.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

"Lira, kanina ka pa namin hinahanap ng iyong kapatid. Ano't nandito ka at walang dalang mga kawal man lang?"

"I-dea, nag-alala kami sayo" sambit naman ni Amil.

"Poltre, ada, Amil. Nais ko lamang paglinawin ang aking isip pansamantala."

"Halika na. Sa palasyo na natin pag-usapan yan."

Silid tanggapan ng reyna...

"Hindi na maaaring maulit na naman to Lira. Hindi ka maaaring umalis ng Lireo ng walang kasama lalo pa't may nangyayari sa ating paligid na hindi pa namin mapangalanan."

"Ngunit, ina ano pa ang silbi ng aking mga pagsasanay kung wala kayong tiwala sa aking mga kakayanan?"

"Ngunit piliin mo ang panahon, Lira. Hindi sa lahat ng bagay ay palagi kitang kakampihan at papanigan. At hindi din ito nangangahuugan na wala akong tiwala sa iyong kakayanan, anak. Pinapangalagaan lamang kita, kayo sa mga masasamang nilalang na magtatangka sa inyo."

"Poltre, ada" mahinang sambit ng anak.

Nilapitan ito ng reyna at niyakap.

"At isa pa Lira, wala kang dapat na patunayan sa akin o ng kahit na sino paman dito sa palasyo. May kanya-kanya tayong pagsubok sa buhay na masasabi natin na tayo na ay handa upang ito'y tahakin at suungin. Maghintay ka lamang anak. Darating ka din sa puntong iyon."

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

"Batid kong tumakas muli si Lira. At nagtungo siya palabas ng palasyo" sambit ng reyna kay Danaya.

"Hindi ko alam. Kaya pala hindi niya na ako binalikan. Amihan, nagpaalam siya sa akin na magpapahinga lamang" paliwanag ni Danaya.

"Pinagkakatiwalaan ko kayo ni Aquil sa pagsasanay ni Lira. Umaasa ako na hindi na ito mauulit pa Danaya. Anak ko si Lira, ang aking pinaka-iingatang yaman. Ayokong may mangyari sa kanya sa labas ng palasyo."

"Makakaasa ka, kamahalan. Muli ay paumanhin sa nangyari" may lungkot na sambit ng sanggre sa reyna.

Silid ni Pirena...

"Nabigo ka. Hindi nagalit si Amihan kay Danaya."

"Umpisa pa lamang ito, Gurna. Hindi magtatagal at mapaggagalit ko rin silang dalawa."

"Sana nga, Pirena. Alam naman natin kung gaano katiwala ang reyna sa bunso niyong kapatid. At sa nangyari kay Alena ay nakakatiyak akong gagawin ng reyna ang lahat wag lamang kayong mawalan na naman."

"Diyan ka nagkakamali, Gurna. Sunod-sunuran ang aking kapatid na si Amihan sa mga alituntunin at batas ng palasyo. At alam din naman natin kung gaano niya ito pinahahalagahan. Maling kilos lamang ni Danaya at tiyak akong kaparusahan din ang kanyang makakamtan."

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon