KABANATA XX

190 5 0
                                    

ANG REHAV AMIL

"Ina, hindi nagpakita si ashti Pirena para sa aking aralin" sambit ng kakarating lamang na si Lira sa silid tanggapan ng reyna.

"Kataka-taka naman niyan, anak. Nasaan kaya ito? Hindi mo ba napansin ang kanyang dama?"

"Hindi rin, ina."

"Kung ganun ay ako na lamang ang magtuturo sayo ngayon."

"Talaga po, ina?" galak na tanong ni Lira.

"Oo, naman. Kaya halina."

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

Lumitaw ang sanggre Pirena sa Lireo na may dalang punit-punit na tela at may bahid ng dugo ang kasuotan nito.

Mabilis na inulat ng isang kawal ito sa reyna at kay sanggre Danaya.

Silid tanggapan ng konseho...

"Pirena, anong nangyari sayo?" alalang tanong ng reyna. Napansin naman ni Danaya ang telang hawak ng kapatid.

"Hindi ba't kakulay yan ng telang kasuotan ni Alena, Pirena? Ba't punit-punit ito?" gulat na sambit ni Danaya.

Gulat naman sila ng biglang bumuhos ang mga luha ng panganay na kapatid.

"Patawad! Patawad!" sambit ni Pirena habang lumuluha.

Dinaluhan ito ng reyna at niyakap.

Napaluha na din ang dalawang sanggre ng mabatid ang nais iparating ni Pirena.

"Hindi ako naniniwala. Buhay si Alena. Buhay siya!" sambit ni Danaya.

Iyak ng magkakapatid na sanggre ang maririnig sa apat na sulok ng silid na yaon. Malungkot naman silang pinagmamasdan nina nunong Imaw, Muros at mashna Aquil.

ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ

"Hindi maaaring ituon mo ang lahat ng atensyon sa paghahanap kay sanggre Alena, mahal na reyna. Kailangan ka ng buong Lireo."

"Imaw, kasalanan ko ang lahat ng mga nangyari. Dapat lamang ay akuin ko ang paghahanap sa aking kapatid. Pagkat ako'y hindi naniniwalang siya ay napaslang lamang ng isang di-kilalang pashnea. Lalo na't may hawak siyang brilyante."

"Mahal na reyna, may hawak mang brilyante ang sanggre Alena ay hindi nangangahulugan na siya ay malakas. Alam natin ang kanyang pinagdadaanan ngayon at alam nating lahat na may kahinaan din ang iyong kapatid. At kung nais mo talagang makasigurado ay bakit hindi kayo magtungo kay Mata? Lalo na't tila hindi kaya ng aking mahiwagang tungkod na alamin ang totoong nangyari."

"Mata? Sino ito nunong Imaw?"

"Si Mata ay ang sinaunang reyna ng Encantadia, mahal na reyna. Siya din ay may kakayahang alamin ang mga nakaraang pangyayari pagkat saklaw ito ng kanyang kapangyarihan. Makakatulong siya sa atin."

"Kung ganun ay saan ko siya maaaring makita, nuno?"

"Sa pusod ng kagubatan ng Lireo, Amihan. Doon na siya naninirahan."

"Ngunit bakit doon siya naninirahan, Imaw? Anong nangyari sa kanya?"

"Isang mahabang salaysayin ito, kamahalan. Ngunit kung nais niyo itong malaman ay maaari ko itong sabihin sa inyo sa ibang araw."

"Salamat sa impormasyon, nunong Imaw."

Ipinatawag ng reyna ang mga kapatid at si mashna Aquil. Nagtungo sila sa tahanan ng sinaunang reyna.

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon