PAGKIKITA NI KALASAG AT REHAV AMIL
"Mahal na rehav, saan ba talaga tayo paroroon?"
"Menantre, may lugar dito na palaging pinupuntahan ng aking apwe. Ngunit tila ay naliligaw na tayo pagkat pabalik-balik na lamang ang ating mga nadadaanan."
Napailing na lamang si Alira Naswen sa naging pahayag ng prinsipe.
"Wag kayong kabahan, prinsipe Amil. Hangga't kasama niyo ako ay wala kayong dapat ikabahala."
"Avisala eshma, Menantre Alira."
"Ngunit bakit po ba nais niyong tumulong sa paghahanap sa inyong kapatid? Alam niyo naman pong mapanganib ngayon na umalis ng palasyo. At pag nalaman ito ng inyong ina ay mas lalong mag-alala ito sa inyo."
"Dahil ayokong nakikitang malungkot ang wangis ng aking ina, Alira. Isa pa nangangamba ako sa aking apwe pagkat naging kakaiba ang kanyang mga ikinikilos nitong mga huling araw. Ayoko lamang na may mangyari sa kanyang masama."
"Kay palad ng mahal na reyna pagkat mayroon siyang anak na gaya niyo mahal na prinsipe. Oh siya tayo na't maglakad ng sa gayon ay makabalik na tayo sa Lireo. Sundan mo lamang ako ng di tayo maligaw."
Sa kanilang patuloy na paglalakbay ay may nakita silang isang enkantadong takot na takot at tila may tinatakbuhan.
"Ano't ika'y natatakot, diwata. Sino ang iyong tinatakbuhan?"
"Tulungan niyo ako. May isang itim na diwata na may kapangyarihan na higupin ang buhay ng isang nilalang. At ngayon ay ako ang kanyang nais isunod."
Lumitaw si Adhara sa kanilang harapan.
"Mainam at marami ako ngayong makukuhang buhay ng mga enkantado."
"Pashnea! Kung gayon ay ikaw pala ang may kasalanan sa mga nawawalang diwata dito sa Encantadia. Ebi meshne!" wika ni Amil.
"Umalis ka na enkantado. Kami ng bahala dito" sambit ni Alira.
Inatake ni Amil si Adhara. Sumunod naman si Alira ng makitang hindi kaya ng prinsipe ang diwatang kalaban. Napatalsik silang dalawa ng prinsipe. Tinawanan sila ng itim na diwata.
"At sa tingin niyo ba ay kaya ninyo ako? Mga walang kwenta. Dito kayo masindak."
Akma nitong hihigupin ang buhay ng prinsipe ng biglang may tumadyak sa likuran ng diwata.
"At ano sa tingin mo ang iyong ginagawa? Kinakaya mo lamang ang hindi ka kayang labanan. Napakaduwag mo naman kung ganun" sambit ng naka-kalasag na nilalang.
"Ashtadi!" sambit ni Adhara bago naglaho. Tumakas dahil hindi parin sapat ang lakas upang lumaban ng pang-matagalan.
"Avisala eshma, enkantado" sambit ni Alira.
"Walang anuman. Ang mabuti pa ay i-ulat ninyo ang mga nangyari sa inyong reyna ng sa gayon ay masolusyunan niya ito."
"Ngunit ano ang iyong ngalan?" wika ni Amil.
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantastikAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.