KABANATA I

527 11 0
                                    


SA MUNDO NG MGA MORTAL

Pagkarating ng mag-amang Raquim at Amihan sa mundo ng mga tao ay sadyang nahirapan ang prinsipe sapagkat hindi nya maunawaan ang kanyang mga naririnig at nakikita. At batid nya na kung hindi nya gagamitin ang mga bagay na binigay sa kanya ni nunong Imaw ay mas laong mahihirapan siyang pangalagaan ang sanggol na kanyang dala.

"Mukhang wala na nga akong pamimilian aking anak kung hindi gamitin itong ibinigay sakin ni nunong Imaw. Nawa'y gabayan din tayo ni bathalang Emre sa ating gagawin dito sa mundo ng mga tao at nawa'y maalagaan kita ng mabuti ng sa gayon ay pag nagbalik na tayo sa ating mundo ay madali kang makasabay" pagkausap ng prinsipe sa kanyang anak na natutulog.

Sa paggamit ni prinsipe Raquim sa mahiwagang bagay ni Imaw ay madali siyang nakasabay sa pamumuhay ng mga mortal at gamit ang mga ginto na kanyang dala ay nakabili siya ng malaking lupa sa isang probinsya kung saan ninais niyang palakihin si Amihan malayo sa syudad na una nilang napuntahan. Doon ay nakilala niya ang mabait at masayahing mag-asawa na sina Jiggs at Choleng, mag-asawang hindi nabiyayaan ng anak. Nakilala niya rin ang mag-anak na Leon at Anisa na mga enkantado rin gaya niya, kasama ang anak nito na limang taon na si Alleyah.

Sa malaking lupa na napagyaman ng prinsipe ay namuhay sila ni Amihan ng mapayapa kasama ang mga naging kaibigan niya. Nagtayo siya ng pangkabuhayan na napalago niya at naging pinagkukunan niya ng kanilang ikinabubuhay ng anak. Naging kanang kamay niya rin sa negosyo si Leon sapagkat matagal na ito dito at mas marami itong alam dahil nakapagtapos ito ng pag-aaral sa mundo ng mga tao. Ang asawang guro naman nito na si Anisa ay naging tagabantay at tagapagturo ni Amihan kasama ang anak nito na si Alleyah. Habang ang mag-asawang Jiggs at Choleng naman ay ang bahala sa pamamalakad sa kanilang tirahan. Sila din ay pinagkatiwalaan ng prinsipe sa kanilang tunay na pagkatao ni Amihan. Nagulat man ay ipinagpasalamat ng mag-asawa na naging totoo ang prinsipe sa kanila kaya ipinangako din nila na hindi nila kailanman ipagsasabi ang kanilang mga nalalaman.

---------- Sampung taon na nakalipas ------------

Malamig na ang simoy ng hangin. Nagkukulay kahel na din ang kalangitan. Nakasakay at masayang nag-uusap ang magkaibigan sa kani-kanilang kabayo habang nakatanaw sa napakagandang papalubog na araw. Ang pinakabata ay nakasakay sa puti nyang kabayo. Nakasuot ito ng puting bestida na hanggang tuhod at koronang bulaklak sa ulo. Ang mahaba bagama't maalon-alon na itim niyang buhok ay tila ba nakikipagsayaw sa hangin. 

Lubos na napahanga sa tanawin na kanilang nasilayan ang dalawa.

"Ate Alleyah mananatili bang maganda ang tanawing ating natatamasa ngayon?" tanong ng sampung taong gulang na si Amihan. Si Amihan na anak ng prinsipe ng Sapiro at reyna ng Lireo. Lumaking may busilak at mapagmahal na puso, lalong lalo na sa mga taong nakapaligid sa kanya. Matapang at magaling humawak ng kung anu mang sandata sapagkat tinuruan ng kanyang ama nung bata pa lamang ito. Matalino at nag-aangkin ng gandang walang katulad. At higit pa doon ay mapang-unawa, mapag-bigay at masunuring anak. Mga katangian na labis na ipinagpasalamat ng kanyang ama sa kanilang bathala.

"Oo naman Amihan. Mananatili itong maganda sapagkat inaalagaan natin ang mga ito. At hangga't may taong pumoprotekta at nangangalaga dito ay mananatili ang angkin nitong ganda" sabi naman ng labin-limang taong gulang na si Alleyah. Ito ang tumatayong nakakatandang kapatid ni Amihan. Nagsilbi rin itong gabay at tagapagtanggol ni Amihan, lalong lalo na sa kanilang paaralan. Magkasabay din sila ni Amihan na tinuturuan ng kanilang mga magulang sa mga bagay na may kaugnayan sa Encantadia, ang totoong mundo nila.

"Bakit natanong mo ito Amihan? May bumabagabag ba sa iyong isipan?" may pag-aalalang tanong ni Alleyah.

"Wala naman ate, napa-isip lang ako. Hindi naman lingid sa iyong kaalaman na malapit nadin kaming lumisan ng aking ama. At nangangamba lamang ako sa mga maaaring mangyari dito, lalong lalo na sa inyo. Iniisip ko minsan paano nalang kaya kung hindi na kami muling magbalik ng Encantadia at manatili na lamang dito kasama nyo. Masaya naman ako dito" sabi ng batang Amihan. 

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon