ANG KAPALARAN NG REHAV NG SAPIRO
Nagtungo sa gumuhong kaharian sina Ybarro.
"Ybarro, kamusta ka diyan? Buhay ka pa ba? Wala bang mga ivtre dyan?"
"Puro kayo kalokohan. Halina't bumaba na kayo."
Hindi alam ni Ybarro na may mga bandidong nakatingin sa kanya. Patuloy lamang niyang pinagmamasdan ang loob ng kaharian gamit ang dalang sulo. Sumunod naman sina Wantuk at Pako sa kanya.
"Totoo ngang patay na ang kaharian ng Sapiro" sambit ni Pako.
"Ybarro, wala naring saysay ang pagiging dugong bughaw mo. Dahil wala ng silbi ang kaharian mo" sambit ni Wantuk.
"Gumuho man ang kaharian ng aking ama ngunit di maikakaila na malaki ang naging tulong nito sa mga diwata at mga kapwa natin enkantado. Wala man akong kakayanan ngayon na muling itaguyod ito ngunit sisikapin kong muling itayo ito sa abot ng aking makakaya."
"Tama yan, Ybarro. Wag kang mawalan ng pag-asa na muli itong itayo. Nandito lang kami pag kailangan mo ng tulong" sambit ni Pako. "Ano ba ang kinakatakot mo, Wantuk? Akala ko ba nais mong makakita ng kayamanan" baling niya sa kaibigan.
"Baka may pagala-gala na mga Sapiryang kawal dito, mga ivtre" mahinang wika nito.
"Ehh...Talagang maraming ivtre dito. Dahil binabantayan nila ang nawawalang kayamanan ng Sapiro."
"Kayamanan" nagniningning ang mga matang tugon ni Wantuk.
"Oo, kayamanan. At doon ito nakatago. Mauna ka at samahan mo akong maghanap dun" sabay turo ni Pako sa kaliwang bahagi ng kaharian.
"Ehh bakit ako ang mauuna?"
"Mauna ka nalang. Para mas nakikita kita, di ba?" pang-uuto ni Pako sa kaibigan.
Napailing na lamang si Ybarro sa mga kaibigan. Ang mga bandido naman ay nagpakita na sa kanya at siya ay sinalakay. Narinig naman nina Pako at Wantuk ang mga kalansing sa banda ni Ybarro kaya muli nila itong binalikan. Nakita nila itong nakikipaglaban sa apat na bandido. Tinulungan nila ito at nagapi ang mga bandido at nagsitakbuhan para tumakas.
"Ybarro, kailangan na talaga nating lisanin ang lugar at baka may mga sumunod pa sa mga yun."
"Ssheda, Wantuk. Kung naduduwag ka lang naman mas mabuti pa ngang ikaw ay lumisan na."
May narinig na naman silang mga boses kung kaya't sila ay nagtago.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Alira, kamusta ang mga ipinapagawa ko sayo? May balita na ba?"
"Agape avi, Amihan ngunit hanggang ngayon ay wala parin akong tiyak na impormasyon patungkol sa prinsipe Ybrahim. Ngunit may nabalitaan ako patungkol kay Asval at sa mga kasamahan nito. Patuloy padin nilang hinahanap ang kantao."
"Kung gayon ay nais kung hanapin mo ang Asval na ito at iharap mo sa akin, Alira. Nais kong ako mismo ang magpataw sa kanya ng kaparusahan. Hindi dapat mapasa kanya ang kantao ng namayapang hari pagkat kay Ybrahim lamang ito. At wala ng iba."
"Ngunit ano ba ang mayroon sa kantao at nais mapasa kamay ito ni Asval, Amihan? Hanggang ngayon ay hindi ko maunawaan kung papaano nito maibabangong muli ang dating kaharian."
"Tanging si Ybrahim lamang ang makakasagot niyan, Alira. Ang kantao ang kasagutan upang muling mabalik sa dating matayog na kaharian ang Sapiro. Kaya dapat nating mahanap ang tagapagmana. Ngunit sa dami ng aking mga suliranin sa Lireo ay hindi kita matutulungan kung kaya't bibigyan kita ng kaunting kapangyarihan na nagmumula sakin ng sa ganun ay mahanap mo siya."
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantasyAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.