PALATANDAAAN BILANG ISANG SANGGRE
Silid ng reyna...
"Mahal na reyna, ipinatawag niyo daw po ako?" tanong ni Imaw.
"Oo, nunong Imaw. May mga katanungan lamang akong nais na masagot ng iyong mahiwagang balintataw. Alam kong may problema ka din dito ngunit nais ko pa ding masubukan ito sa ibang suliranin na nais kong mabigyan ng kasagutan."
"Kung ganun ay ano ito, mahal na reyna?"
"Nais kong malaman ang lahing pinagmulan ng mandirigmang si Ybarro, ang ama ng aking anak."
"Para saan pa, kamahalan? Hindi ba't galing siya sa lahi ng mga mandirigma?" nalilitong tanong ni Imaw.
"May nais lamang akong kompirmahin, Imaw."
Walang nagawa ang pinuno ng mga Adamyan kundi sundin ang nais ng reyna.
"Makapangyarihang tungkod ng balintataw, ipakita mo sa amin ang lahing pinagmulan ng mandirigmang si Ybarro" sambit ni Imaw. Umilaw ang tungkod at ipinakita sa kanila ang nais nilang malaman. Ipinakita nito ang pagsilang ng reyna Mayne sa sanggol na si Ybrahim hanggang sa digmaang nagpawalay nito sa kaharian ng Sapiro. At ang naging pamumuhay nito sa kuta ng mga mandirigma kasama ang ama-amahan nitong si Apitong.
Gulat silang nasaksihan ang katotohanan sa tunay na pagkatao ni Ybarro.
"Kaya pala siya ang isinugo ng bathala. Isa siyang dugong bughaw. Siya ang nawawalang rehav ng Sapiro" wika ni Imaw.
"Mahal na reyna, maayos lamang po ba kayo?" tanong ni Alira sa reyna.
"Maaari bang iwan niyo muna ako, nais kong mapag-isa" mahinang wika ng reyna.
Nag-alala man sa reyna ay napilitang umalis sina nunong Imaw at Alira Naswen sa tanggapan nito.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Hey, Mila. Are you done with what you're doing?" tanong ni Anthony sa dalaga ng makita niya itong nag unat-unat pa ng mga kamay sa loob ng opisina nito. Pumasok siya sa loob at umupo sa harapan ng table nito.
"Yes. May kailangan ka?"
"Yes. Our client called me earlier to ask about the progress of the project."
"Sinong client ba yan?"
"Sina Mr. Berdano of Alena's Resort and Leasure project. Does it ring a bell?"
"Oh that! Do we need to schedule an appointment from them o through call na?"
"Ang sabi niya we can go to their house nalang for the meeting. Dalhin nalang natin yung mga materials mo and presentations doon sa kanila."
"Okay. Ire-ready ko lang muna ang mga dadalhin ko" sabi niya habang nag-aayos ng mga gamit. "Magconvoy nalang ba tayo o isang sasakyan nalang ang gagamitin natin papunta dun?"
"No, sasakyan ko na ang gamitin natin. Less hassle" sabi ni Anthony.
"Noted" sabi naman ni Mila sa kausap.
ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ ΩΩΩ
"Mahal naming Emre, idinudulog ko sa inyo ang isang paki-usap kayo na po ang bahala kay Alena. Nawa'y masumpongan niyo sa devas ang katiwasayan ng loob at kaligayahan na ipinagkait ko sa kanya ng siya ay aking nasaktan at nilayuan" hiling ng lumuluhang si Ybarro. "At mahal naming Emre, nawa'y mapatawad niya po sana ako sa lahat ng mga nagawa kung kasalanan sa kanya. Dahil hindi lang po siya ang nasasaktan dito. At ang huli po mahal na Emre, kayo na po ang bahala sa kanya. Wag na wag niyo po sana siyang pababayaan diyan sa devas."
BINABASA MO ANG
Till I Met You
FantasyAno ang mas matimbang ang sigaw ng iyong puso o ang tungkulin na nakatakda na sayo? Avisala, Encantadiks!!! Images are not mine. Thanks to google, GMA 7 and pinterest for these.