3

22.5K 618 38
                                    


MALAYO pa si James ay natatanaw na niya ang dalawang palapag na bahay na itinuro ng pinagtanungan niya. Nasa dulo iyon ng isang palayan. Sa likod ng bahay na yari sa kahoy ay gubat. At may layong tatlumpong metro iyon mula sa main road.

Iniliko niya ang four-wheel drive sa makitid na daan patungo sa bahay, at iniisip niyang anumang sandali ay bibitak ang lupang dinadaanan niya at mababalaho siya sa palayan. At may palagay siyang hindi naman talaga iyon dinadaanan ng sasakyan.

Hindi siya makapaniwalang dito naglalagi si Quinn. Iniisip niyang sawang-sawa na ito sa buhay-probinsiya na siya nitong kinalakihan kaya umalis ng rancho. Bagaman higit na maganda ang AltaTierra, hindi pa rin nalalayo ang lugar na iyon sa bayan ng Sto. Cristo.

And all the while he thought Quinn went back to the States.

He was still a few meters away from the house nang matanawan niyang may dumungaw sa bintana sa itaas.

Babae. At kung gaano kabilis itong sumungaw doon ay siya ring bilis nitong paglaho sa paningin niya bago pa man siya makapag-isip kung sino ang babaeng iyon.

Ipinaparada niya ang Ford Explorer sa tapat ng bahay nang bumukas ang pinto at sumungaw ang babaeng nakita niya sa bintana. Binuksan niya ang pinto at bumaba ng sasakyan. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita nang malapitan ang babae.She was young. He was mentally computing her age. Twenty-two... twenty-three perhaps. She must be Nayumi's age.

NAKAKUNOT ang noo ni Chantal habang sinusundan ng tingin ang mataas at malaking lalaking bumaba mula sa mamahaling sasakyan. Ang kulay lumot nitong pintura'y nangingintab sa sinag ng araw sa kabila ng alikabok na kumapit dito.

Ang lalaki bang ito'y ang kapatid ni Quinn? Sabi ng nakausap niya sa telepono, a man with a deep and so male a voice, that he was Quinn's brother. Na ito ang susundo kay Quinn.Quinn spoke of his younger brother reverently, subalit wala siya kahit na anong imahinasyon kung ano ang hitsura nito. Hindi niya pinagkaabalahang isipin at ilagay sa isip niya. Pinagbibigyan lamang niyang pakinggan ang mga kuwento nito subalit hindi niya matiyak kung alin sa mga kuwento nito ang paniniwalaan. Quinn was a good storyteller at marahil ay kasama na ang pantasya para makapagsulat.

He said that his brother was a very rich and handsome young man. At na ito'y may matalinong pamamaraan pagdating sa negosyo. Hindi niya iyon pinaniniwalaan dahil paanong sa dalawang magkapatid ay mayaman ang isa at ang isa'y hindi?

Now seeing the man walked towards the house had her doubts.At kahapong nakausap niya ang kapatid nito at narinig ang tinig. Somehow, may imahinasyong gustong maglaro sa isip niya but she dismissed it immediately.

Lumalakad ito palapit. At gusto niyang kabahan sa titig na ibinibigay nito sa kanya. Tila ba nanunuot iyon sa buong pagkatao niya. On his face was a mixture of curiosity and... and what?

She had no idea. She had no experience in reading people's faces. But one thing was sure— she didn't like this man... he invoked fear in her.

At nang mapalapit ito ay napasinghap si Chantal. The man was big and tall! Taller than Quinn who was five-foot-nine. And my god, she thought foolishly, what a handsome man!

"I'm James Navarro," wika nito nang nasa harap na niya mismo. His face as cold and aggressively masculine as any she'd ever seen.

"N-Navarro?" nalilitong pag-ulit niya. So he wasn't Quinn's brother, subalit bago niya nadesisyunan sa isip iyon ay sinusugan nito ang sinabi.

"Quinn's my half-brother," paglilinaw nito sa walang-emosyong tinig.Understanding dawned on her. So Quinn had a rich half-brother. Nagbaba siya ng mga mata nang patuloy ang masusing tingin na ibinibigay nito sa kanya.

"O-of course... I-inaasahan kitang darating p-pero mamayang hapon pa. Napaaga ka..." Lord, why is she stammering like an idiot? She tried to compose herself; gave a fake and nervous smile at inilahad ang kamay. "Ako si Chantal, Quinn's... w-wife..."

"Wife!"Had it not been for the dangerous tone and the sudden steely glint on his eyes, gustong matawa ni Chantal sa pagbabago ng reaksiyon ng kaharap. Tila ba iyon ang kahuli-hulihang inaasahan nitong marinig mula sa kanya.

"What do you mean by 'wife'?" James asked, a malicious tone underneath the smooth voice.

Gusto niyang magalit sa tono nito na tila ba pinagdududahan ang sinasabi niya. Na para bang gawa-gawa lang niya iyon. Ano ang iniisip nito? Na naroon siya bilang ano?

"N-narinig mo ako, Mr. Navarro. Ako ang asawa ni Quinn..." pagdiriin niya. "Nagpakasal kami may... dalawang linggo na ang nakalipas. Kung gusto mong makita ang katunayan ay nasa itaas..." Gusto niyang isumpa ang sarili sa pagkakautal sa harap ng lalaking ito. It wasn't like her to stammer.

"Pero natitiyak kong mas gusto mong makita muna ang kapatid mo," agad niyang idinagdag at nilagyan ng puwersa ang tinig. "Forgive my manners..." Umatras siya upang papasukin ito.Nang humakbang ito papasok ay nalanghap niya ang cologne nito. Male and woodsy. So unlike Quinn, na kahit minsan ay hindi man lang niya nakitang naglagay kahit na anong cologne. Kahit aftershave ay hindi ito gumagamit.

"Yes, of course," wika nito. "Gusto kong makita ang kapatid ko. Where's Quinn?"

Sukat doo'y gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya at tumingala sa itaas. "Nasa itaas si Quinn, Mr. Navarro. Sa... sa silid n-namin..." At gusto niyang pamulahan sa huling sinabi dahil malisya ang nakaguhit sa mukha nito nang tingnan siya.

She groaned inwardly at humakbang patiuna sa makitid na hagdanang kahoy. Ano ang nangyayari sa kanya? Bakit kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya? Pati titig ng isang tao na baka naman walang ibig sabihin ay binibigyan niya ng kahulugan. At bakit sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya'y nara-rattle siya?

"Lead the way," he commanded.Walang-kibong nagpatiuna siyang lumakad patungo sa makitid na hagdanang kahoy. Nararamdaman niya ang mga titig nito sa kanyang likod at kulang na lang ay dala-dalawahing hakbang niya ang hagdanan upang bigyan ng malayong distansiya ang pagitan nilang dalawa.Pagdating sa landing ay huminto siya, sandaling nilingon si James at saka marahang nagsalita.

"M-may sakit si Quinn, Mr. Navarro at—"

"May sakit!" bulalas nito, kumunot ang noo. "Hindi mo sinabi sa akin kahapon iyan...""I-isang linggo na at hindi niya gustong sabihin ko sa iyo sa telepono. H-he didn't want you to worry..." she said defensively.

"Worry?" sarkastikong ulit nito. "My father's been worrying himself to death since he left!"

"Ilang beses kong sinabi sa kanyang magpa- confine siya sa ospital... na dadalhin ko siya sa bayan o di kaya'y lumuwas kami sa Maynila. Subalit nagpakatanggi-tanggi si Quinn. Nito lang nakaraang araw nagmungkahi siyang t-tumawag ako sa... sa iyo."

Lalong tumiim ang mukha nito sa sinabi niya. Napaatras siya sa dingding nang lumapit ang lalaki at ito mismo ang nagbukas ng pinto sa silid na kinaroroonan ni Quinn.



*************Nakakalungkot naman ang kwento ni bebe James parang ayaw ko tuloy mag update lalo na sa panahon ngayon. :( Kumusta kayo mga beshie sana okay lang kayo at mag ingat lagi lalo na ngayon na sunod sunod ang bagyo. Always pray mga beshie. Stay safe and God bless. Parang lalo akong nalulungkot sa kwento ni bebe James ko :( - Admin A ******************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon